LENTEN SEASON: WE MAY HOPE AND BE ASSURED

In classical Greek mythology, Pandora was the first woman on Earth. Inatasan ni Zeus si Hephaestus to create her using water and earth. Binigyan siya ng mga diyoses ng mga handog. Dinamitan siya ni Athena, Aphrodite gave her beauty, biniyayaan siya ni Apollo ng kakayahan sa musika and Hermes gave her the gift of speech.

Nang si Prometheus ay nangulimbat ng apoy mula sa langit, Zeus took vengeance by presenting Pandora to Prometheus’ brother Epimetheus. Binigyan si Pandora ng gift sa kasal ng isang magandang kahon (jar is more apt description) at may kautusan na huwag bubuksan kahit anong mangyari. Impelled by her curiosity (again, given to her by the gods), Pandora opened it and all evil contained therein escaped and spread over the earth. She hastened to close the container, but the whole contents had escaped, except for one thing that lay at the bottom – ang espiritu ng Pag-asa named Elpis. Pandora, deeply saddened by what she had done, feared she would have to face Zeus’ wrath, since she had failed her duty. However, Zeus did not punish Pandora because he knew this would happen.

Untitled

Pandora’s box is a myth usually associated with evils coming out of the box. All of us forgets that at the bottom of the box is HOPE.

Ano ang kaugnayan ng kasaysayang ito sa ating paggunita ng kamatayan ng ating Panginoong Hesukristo? Ang Pag-asa na itinanim ng Panginoon sa ating puso, pag-asa ng kaligtasan at buhay na walang hanggan sa langit.

“Do not let yourselves be robbed of hope! Do not let hope be stolen! The hope that Jesus gives us.” – Pope Francis

Let the sacrifices of our Lord Jesus Christ be the hope to encourage us. At ano mang panahon, ito ay magsilbing panimula, bagong pag-asa.
Pag-asa na magdadala sa atin sa tunay na pamumuhay Kristiyano, palaganapin ang Kanyang mga Salita, gawin ang Kanyang mga Halimbawa at makaakay ng mga kaluluwa tungo sa Kanya.

Let this Hope be our tool to make a glaring difference in this world.

—000—

“My hope rests firm on Jesus Christ, He is my only plea. Though all the world should point and scorn, His ransom leaves me free;
My hope sustains me as I strive. And strain towards the goal; Though still I stumble into sin, His death paid for it all;
My hope provides me with a spur.To help me run this race: I know my tears will turn to joy. The day I see his face;
My hope is to be with my Lord, To know as I am known; To serve Him gladly all my days In praise before His throne. ” – Keith Getty and Richard Creighton

SPREAD KINDNESS

Once, during the course of his travels, a Pastor arrived at a village where the people were a quarrelsome lot. He blessed them and asked them to prosper and live in that village forever.

Untitled

In the next village, where the people were peace-loving, the Pastor blessed them too but asked them to abandon the village and disperse. Jose, his close assistant, puzzled by the Pastor’s strange blessings, asked him why he blessed the first village with prosperity though its people were unworthy  of it and asked the good people of the second village to disperse.

The Pastor smiled and answered: “The quarrelsome will only spread unrest and friction wherever they go. So I asked them to remain where they were. But it is better for the peace-loving to disperse and take their good qualities with them so that all those who know them can learn the art of peaceful coexistence.”

This is what Jesus Christ asked us to do when he said:  -  “Follow me, and I will make you fishers of men.” Matthew 4:19

Ang pagiging mangingisda ng tao means spreading kindness at pumalaot ka para makahuli ng isda through your kindness. Kindness is an ingredient that makes us happy. Ang kaligayahan means being sincere. Ito ay ang pagiging tapat  in your smile (ngiti not NGISI) It means being genuinely interested when you listen to someone speak. It means doing meaningful gestures that will brighten someone’s day or make a difference in someone else’s life. It means being thoughtful of those you know and reaching out to those you don’t know. It means being simple.

Kindness is appreciation sa kung ano ang meron ka, realizing the value in something or someone in your life, and not taking them for granted. It means “pagpapahalaga” and look at how they enrich your life. That means pagpapasa isantabi ng mga kakulangan at pagkilala sa mga nagawang positibo sa iyong buhay, dahil walang bagay o tao na perpekto o swakto sa gusto natin ang ibibigay sa atin.

Kindness is pagpapasalamat.  It’s about feeling grateful for what you have, rather than feeling unfulfilled over what you don’t have. Bilangin natin ang mga pagpapala sa bawat oras at makikita natin na ito ay umaapaw sa ating buhay.

Spread kindness. The feelings good.

It’s fulfilling. It leads to a peaceful mind.

Watch this: 

—000—

“Even when the darkest clouds are in the sky. You mustn’t sigh and you mustn’t cry. Spread a little happiness as you go by. Please try. What’s the use of worrying and feeling blue. When days are long keep on smiling through. Spread a little happiness till dreams come true.” – Sting

ANG AKING KABATAAN

Ang aking kabataan ay panahon ng kamusmusan
Ang paligid ay mapagmahal
Pagkalinga at pag-uunawaan
Ang aking mundo ay sa kandungan ni Nanay

Ang aking kabataan ay panahon ng pag-ibig
Paggalang, pagsusunuran at pagtutulungan
Ang bawat isa ay pawang kaibigan

Ang aking kabataan ay puno ng ligaya
Ang kalungkutan ay di pumapasok sa isipan
Ang ngiti ay nasa labi ng sinuman

Untitled

Ang aking kabataan ay tunay na mundo
Walang pagkukunwari, walang balatkayo
Ang kabaitan ang namamayani

Ang aking kabataan ay panahong lumipas
Mga ala-alang sa puso ay hindi mawawalay

Ang aking kabataan ay di na muling babalik
Ngunit ang aking pagiging bata ay hindi mawawala

—000—

“I see the lines across your face
Time has gone and nothing ever can replace
Those great, so great
Young and innocent days.” The Kinks

KAKAANTOK ANG AUTOMATIC

I drove my brand new Chevrolet Malibu to Riyadh with a colleague-friend to attend a Prequalification Meeting at the Head Office of the Water and Power Company in Saudi Arabia. I tried to get the feel of driving a fully automatic car and experience the convenience that this model was claimed to bring.

Okay, automatic ang kambyo, ang pinto, ang salamin, ang halos lahat lahat na. Ganun din ang selinyador, iset mo lang siya sa speed na gusto mo at automatic na tatakbo at that speed and all you have to do is use the steering wheel and apply the brakes when needed.

Convenient gamit, pero napuna ko na ang convenience ding ito ang nagiging dahilan ng mataas na accident rate sa bansang ito ng Saudi. Bihira sa mga Saudis ang di gumagamit ng automatic cars, lalo na sa kambyo.

Dahil sa automatic nga, ang iyong kanang kamay ay nalilibre na sa paglilipat ng kambyo.. nagiging idle.

Dahil sa automatic nga, ang iyong kaliwang paa ay nalilibre sa kakaclutch everytime na magpapalit ka ng gears.

Dahil sa automatic nga, di mo na kailangang itapak ang iyong paa sa selinyador.

And there lies the cause of accident. Ang pagmamaneho involves the use of our body parts and senses. Make one idle, and it will look for other activity to work on. Kaya ang karamihan ay nakakakuha ng chance na magtext, kumain, uminom ng tubig, makipagkuwentuhan complete with muwestra ng kamay at ulo. Nawawala sa focus sa pagmamaneho. At kung wala namang magawa, dadapuan naman ng antok.

Convenience means being defenseless, being lenient, being complacent.

Ang attention ay nawawala sa pagmamaneho. Ang focus ay nahahati, dahil nga idle ang ilang body functions.

At higit sa lahat ang kamay at paa ay hindi attached sa sasakyan. Hindi magkaugnay.

Conveniently prone to accident.

—000—

“Remember what it means. To feel alive. And to believe. Something more than what you see. I know there’s a price for this. But some things in life you must resist. And you know that accidents can happen.” – Sixx:AM

 

 

2 FOR THE PRICE OF 3

We went to a stall ng tsinelas sa isang lugar sa Divisoria and after choosing 3 pairs, I gave it to the attendant. Iyong attendant naman ay ibinigay ang tsinelas sa tumatanggap ng bayad (cashier sa mga mas pormal na pamilihan) at kami ay lumapit doon. Iniabot sa akin ang supot ng pinamili at iniabot ko ang P500 para kanyang suklian.

Binilang ko ang sukli ng dalawang beses at sinabi ko sa kanya na sobra ang sukli niya. Ang kinuha lang niyang pera ay para sa 2 pairs pero ang binili ko ay 3 pairs. Kakamot kamot ang ulo na sinabing “ganoon po ba, nalito na ako sa dami ng namimili, salamat po napakahonest po ninyo..”

I left with a happy heart knowing na I did something good na naman. Biro mo iyon, kung para sa dalawang tsinelas lang ang binayaran ko pero 3 tsinelas ang kinuha ko, e di iyong dapat ay tinubo na niya napunta pa sa akin.

Pagdating sa bahay, binuksan ko ang supot. Nakita ko na ang laman ay 2 pairs lang.

Tama iyong sukli niya sa akin. Napasobra pa nga ang bayad ko. Ako ang nagkamali.

He displayed honesty.

Innocent honesty.

He deserves the sobrang bayad ko.

—000—

“Where you want to be, won’t you ever see? Truth hits everybody, truth hits everyone” – Sting & Police

WISDOM IN HELPING OTHERS

Meron kaming maliit na puwestong pang komersyal na nasa highway. Ang isang puwesto ay para sa klinika ng aking maybahay, ang isa naman ay para sa pasalubong store at bakante ang isang puwesto. Ito ang sitwasyon noong ako ay nakabakasyon.

Isang araw ay may nagtext sa kanya at sinabing gustong makita ang puwesto at baka magustuhan ay kaniyang uupahan. Nakita naman nung nag-inquire ang puwesto at sinabing paguusapan nilang mag-asawa. Kinabukasan ay nagtext uli at tinanong kung puwede raw bang bawasan ng konti ang upa sa puwesto. Di ko na nalaman kung ano ang pinagtapusan nilang usapan pero pinahanda sa akin ng aking maybahay ang dalawang kopya ng blankong kontrata sa pagpapaupa.

Nag-aalmusal kami ng may kumatok at ito nga ay iyong gustong umupa sa puwesto. Ibinigay pala nga aking asawa na mas mababa ang paupa at ako ay nakihalo na sa  kanilang pag-uusap.

“Isa pong maliit na tindahan ang aming itatayo, kasi iyon po ang kakayahan ng aking kapatid. Doon na rin po titira sila sa bandang likod kasama po ang kanyang Nanay.” ang paliwanag niya sa akin. “Taga Tacloban po sila, at nasalanta po ng nakaraang bagyo. Bale hipag ko po siya, asawa po ng kapatid kong lalaki. Wala po silang matakbuhan kaya dito po sila pumunta sa Tagaytay dahil kami na lang po ang itinuturing nilang kamag-anak.”

Napahanga ako nung lalaki, pero mas nadagdagan ang aking paghanga ng sabihin niya:

“Itatayo po namin itong tindahan para po mayroon silang pagkakakitaan. Kahit na sila ay nasa ibang lugar, hindi po sila aasa sa iba at ang kanilang tiwala sa sarili ay di masisira.”

As the Chinese proverb goes : “Give a man to fish he eats for a day, teach a man to fish he eats for a lifetime.’

Wisdom was displayed.

Ang pagtulong niya upang ang kanyang hipag ay magkaroon ng hanapbuhay, ay magbibigay daan upang ito naman ay makatulong din sa iba.

Mendicancy ends here.

—000—

“I hope that the days come easy and the moments pass slow. And each road leads you where you want to go.And if you’re faced with a choice, and you have to choose. I hope you choose the one that means the most to you.” – Rascal Flatts

GIVE GOD WHAT IS RIGHT, NOT WHAT IS LEFT

Sa isang maliit na bayan ay may tatlong churches at nagiisang bangko.Isang araw ng Lunes, tinawagan ng manager ng bangko ang mga pari at pastor sa tatlong churches na iisa ang urgent na  kahilingan.

“Pakidala lang po rito ang inyong mga koleksyon kahapon. Naubusan pokami ng barya ngayon.”

This speaks well of our attitude sa pagbibigay hindi lamang sa ating simbahan kundi sa ating kapuwa. Kadalasan, ang ating attitude ay ibigay kung ano ang natira (what’s left), o ano ang luma na at hindi na natin kailangan.

Naalala ko noong hinahanap ko ang Nanay ko dahil iniwan kami noong ako ay nasa ikatlong taon sa Kolehiyo. I went to one Home for the Aged to another at iisa ang aking naobserbahan. Take note na matatanda ang mga nakatirang inampon sa mga tahanang ito. Matatanda na sakitin, mahina ang katawan at maraming komplikasyon na dapat ay masustansiya ang mga kinakain. Nakita ko na ang mga donasyon ng mga kilalang kompanya tulad ng sa isang farm ng prutas ay mabubulok ng dalanghita at suha, ang kilalang tsinelas ay mga hindi magkasukat, ang kilalang gatas ay 2 buwan ng expired. Nakakapanlumo, to think na malalaking kompanya ang mga ito.

Kaya nga ang pagbibigay ay dapat na nakalulugod ke Lord, kahit pa ano ang katayuan mo sa buhay.

https://encrypted-tbn3.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcRON33x2ofxdNx3Pl3bcbgRqg8PEw5GUGHnffIqCDMVvDT0vvVEuw

Ang sagana, taos puso at masayang pagbibigay kay Lord ay patunay na ang namumunga ang espiritu sa ating buhay. Ibinibigay natin kay Lord ang ating panahon, kakayahan, pananalapi at talent. Sa bawat pagbibigay ay ating pinatatatag ang tungkulin bilang mga anak Niya na nagbabahagi sa:

1. Mga naapi (Isaias 1:17)
2. Pagmamahal sa kapuwa (Mateo 22:3)
3. Pagliligtas sa mga naliligaw ang landas (Lukas 19:10)

Anumang bagay na ating tinataglay sa ngayon ay ating ipagpasalamat sa Panginoon, ito may ay sa tingin natin mga kasawian o kalungkutan. God does not change. He remains our father and is after our welfare. Nasa attitude lang iyan kasama na ang attitude ng pagbibigay.

Ang lahat ng mabuti at ganap na kaloob ay buhat sa Diyos, mula sa Ama na lumikha ng mga tanglaw sa kalangitan. Hindi siya nagbabago, o nagpapakita ng bahagya mang pagbabago.” (Santiago 1:17)

 —000—

“Give thanks with a grateful heart. Give thanks to the Holy One. Give thanks because He’s given Jesus Christ His Son” – Don Moen