DYOKULEKOG

Ang larong Jolens/Dyolens ay isa sa pinakasikat na laro noong ako ay bata pa. Tatakbo kay Papay Tony or kay Ah Pak lalo na kung ang bantay ay si Onying Avila o si Rey Yanzon para may tawad ang biniling dyolens.
 
Untitled.png
Sarisaring style ng paglalaro ng dyolens:

1. Dyolens – merong laro na apat ang butas at papasiyutin sa butas no. 1 then pag napashoot mo tuloy ka sa no. 2 and so on to no. 4 bago babalik ka punta ng no. 3 hanggang sa no. 1. Ang unang makatapos ay siyang panalo. Me variation nito na kung ikaw ay nasa no 2 kunwari at napatamaan ka ng kalaban mo na nasa no. 1 sa pamamagitan ng pagpitik sa kanyang dyolen ang kalaban mo ay aadvance to no. 3 at ikaw ay babalik sa simula. Pag sunod sunod na syut sa butas ay tinatawag na Takada.

2. Palmo – ito iyong ang iyong dyolen ay ibabounce mo sa pader ng marahan, para patamaan mo ang dyolens ng kalaban na nakatira na ng kanilang turn. Pag tinamaan mo, iyo ang dyolen ng kalaban. Kung walang tinamaan, hahayaan mo ang dyolen mo kung saan ito nakapuwesto at ang kalaban mo naman ang may turn para ito ay patamaan sa pamamagitan ng pagpapatalbog ng dyolen sa pader. Hanggang 10 ang naglalaro nito.

3. Patamaan – nakahelera ang mga dyolens normally sa may pader, depende sa dami ng paglalabanan, maaaring tig-iisa o tigdadalawa ang mga magkakalaban. At a certain distance, kadalasan ay mga 4 meters palayo, sisipatin ang mga dyolens at sisikaping patamaan ng isang pamatong dyolen. Kung hindi tinamaan ng nauna, ang susunod naman ang magtatry and so on. Hamig ng nakatama ang lahat ng dyolens na nakataya.

4. Ispat – ang mga dyolens ay nakapaloob sa isang bilog na guhit, again, depende sa dami ng paglalabanan. At a certain distance, mga 4 na metro rin palayo, sisipatin ang dyolens at sisikaping mapalabas ang dyolen sa bilog na guhit. Ang bawat lumabas ay pag-aaari na ng nakapagpatama o nakapagpalabas.
Sa paglalaro ng dyolens nabibuild ang character ng isang bata. Totoo na ito ay isang laro at maraming magulang ang di iilang beses na nagtapon ng mga dyolens sa basurahan. Mga dyolens na itinatago ng mga bata sa lata, sa garapon, sa supot at iyak talaga kapag nasamsam ng magulang o ng guro.
Sa pagtatago na ito ng dyolen nadedevelop ang pagiging MASINOP. Sa paglalaro naroon ang RESPETO sa mga kalaro. Naroon din ang ORDERLINESS dahil hinihintay ng bawat player ang kanilang turn bago sila tumira. Ang MAGNANIMITY IN VICTORY ay ipinapakita rin ng bata sa pagbibigay ng balato kapag siya ay nakajackpot. Dito rin ipinapakita ng bata ang FOCUS o ATTENTION lalo na kung sinisipat niya ang patatamaang dyolens. Nakikintal din sa karakter ng bata ang PERSEVERANCE at ACCEPTING DEFEAT, dahil sa bawat pagkatalo niya ay bumabangon at bumabawi sa susunod na pagkakataon. Naibuild din ang STAMINA ng bata dahil sa tiyaga niya na maglaro kahit na anong uri ng panahon.
At higit sa lahat, ang PAGMAMAHAL sa kapuwa, dahil ang mga batang dumaan sa ganitong mga paglalaro ay dala dala ang ala-ala ng kanyang kabataan at ang mga taong naging bahagi ng kanyang buhay.
Nowadays, seldom do you see children playing the above games. Internet took over.
Kung lahat ng Pulitiko ay nakapaglaro sana ng Dyolens.
Kulto pinis. Tapos.
—000—

“Well I think it’s fine, building jumbo planes. Or taking a ride on a cosmic train. Switch on summer from a slot machine. Get what you want to if you want, ’cause you can get anything.” – Cat Stevens

I know we’ve come a long way,
We’re changing day to day,
But tell me, where do the children play?

YOU BASH BECAUSE YOU CHOSE TO BASH, YOU BASH BECAUSE YOU’RE IGNORANT

Isang  photo ng isa sa magandang tanawin sa aming lugar sa Quezon ang aking pinuna dahil mali ang nakalagay na lugar. Ang binanggit ay ang bayan namin gayung walang dagat dito. Nagcomment ako ng pananawagan sa Administrator na itama ang lugar bilang paggalang sa mamamayan ng aking nayon, at sa mga mamamayan ng bayan na magiging apektado sa maling pagtukoy (misrepresentation). Isa pa ito ay makakatulong upang ang sinumang magnanais na pumasyal sa lugar na ito ay may sapat na impormasyon para sa kanyang paghahanda sa paglakbay papunta rito. Ang anumang kaunlaran sa turismo ng aming nayon ay kaunlaran din ng aming bayan.

Ang tinutukoy ko ay isang isla na tinatawag na Pulong Niyugan. Sa Eastern side ay ang mabuhangin na side, at meron ding ilang batuhan at dito ang lugar na paliguan. Sa Western side naman ay ang batuhan na mainam para pangisdaan. Kung lilibutin ang Isla ito ay humigit kumulang sa 4 na kilometro ang circumference at aabutin ka ng mga 30 minutos.

Inayos naman ng Administrator ang description ng lugar, subalit isa ang galit na sinagot ang post ko at ang sabi, “ano pa ba ang gusto mo, barangay lang naman kayo, tama naman ang description ng lugar, ang bayan ninyo. Ano ba ang bayan ninyo, di ba tama naman, bakit ka ba nagrereklamo pa?”

Sinagot ko na ito ay para ibigay naman ang kredito sa mga mamamayan, lalo na sa mga katulad ko na matagal nang ninais na maipakita sa iba ang kagandahan ngaming nayon. At isa pa, dapat respeto ang ipinapakita niya sa ibang tao lalo na sa isang katulad ko na 56 years old na, hindi ang pangbabash(tos). Ang dami niyang pinagsasabi at tinawag pa ako na tarantado, !%&*$%#&_)(*% atpba.

I decided not to answer anymore, not to go down to his level at dinelete ko lahat ng posts ko. It is just a waste of time and unnecessary trouble sa isang katulad ko na masaya sa buhay. Besides, sino ba siya e di ko nga kilala. Well, sino nga ba siya? Kaya pinuntahan ko ang FB Account niya and l was surprised at what I found. Nothing. No photo. No info. No post. No friend. E sino ka ba talaga? Takot lumantad. FB pa lang iyan, lalo na kung harapan na.

juan miguel morales

Noon ko naalala ang sinabi ni Jane Elliot, isang kilalang anti – racism activist, LGBT supporter at feminist: “We hate because we chose to hate. We hate because we are ignorant” at naiapply ko sa taong ito.

“You bash because you chose to bash. You bash because you are ignorant… ang most of all, you bash because you are a coward…”

Nagtatago.

—000—

“I try to explain. But you don´t listen to me. I try to tell you. You refuse to care. I try to show you. But your eyes are closed. What else can i do. Now it´s up to you. You´re nothing but Cowards. And you got no Pride at all” – Perkele

IT’S NOT MONEY, IT’S HEALTH

A friend asked me “bakit ba ikaw na ang gumagastos e ikaw pa ang nagluluto para sa mga kalaro mo? Hindi birong halaga ang ginagastos mo sa mga iyan, minsan me pasalubong ka pang mga jersey.”

I replied, “sila ay kasama ko na for 7 years at dahil sa kanila ako ay may kalaro, mga bunsong kapatid (minsan ay anak), kakuwentuhan, kadamay pag me may sakit at higit sa lahat kasama sa saya at lungkot.”

13516277_1396002550426466_785845639721324370_n

“Pero hindi naman tama na parang mga amo mo sila, gastos mo, luto mo, sundo mo pa.” sagot sa akin.

“Matanong kita, ilang taon ka na? Ako ay 56 years old na.” ang pakli ko.

“42 years old na ako, pero di ko kayang gawin ang ginagawa mo. Parang utusan ka na ng ibang tao. ” ang medyo sarcastic nyang sagot.

“Well, me kanya kanyang tayong pagtingin sa buhay. Ikaw ay 42 anyos, kaya mo bang maglaro ng at least 2 games ng basketball or magjog non-stop ng 3 km, o swim for 5 laps non-stop? Hindi di ba? Anu ano ang maintenance mong gamot? Anu ano ang ginagawa mo sa free time mo?” ang tanong ko.

Saglit siyang natahimik bago sumagot “pag free time, nakikinig ako ng music, namamasyal, nagiinternet.”

“Pero di mo idinagdag iyong ikaw ay naninigarilyo, malakas kumain lalo ng kabsa at broasted at pag me chance ay nakakatikim ng inumin.” Sagot ko. “Look, I spend a lot, sabi mo nga para sa mga kaibigan ko, siguro mga 1k riyals sa jersey na pasalubong, mga 100 riyals pagluluto ng pagkain nila, o sabihin na nating mga 3k riyals per year.” dugtong ko.

“At ikaw, magkano ang ginagastos mo sa sigarilyo mo, sa kabsa at broasted, at higit sa lahat sa maintenance medicine mo? Me hypertension ka at age 42, ako wala pa. Me diabetes ka at age 42, ako wala. Overweight ka. Konting takbo humihingal ka. What you spend for your sigarilyo at iba pa plus your medicine is more than what I spend for my friends.” paliwanag ko.

“They are the ones who keep me healthy and active. Dahil sa kanila ay wala ako ng mga sakit mo. Paano kung maospital ka? More pa doon sa ginagastos ko ang gagastusin mo, at nakawawa na ang katawan mo. I am 14 years older than you, pagdating mo ng age ko, ano sa palagay mo ang kalagayan mo. ” dagdag na paliwanag ko.

“I cannot put a price sa naitutulong nila sa buhay ko, sa kalusugan ko. Kaya, sana maintindihan mo na hindi ito pangangamuhan, kundi dahil dito sa ginagawa ko, nagiging active ako, both physically and mentally. At malaki ang pasasalamat ko sa kanilang lahat na naging bahagi ng aking paglalaro at pakikisalamuha.”

Natahimik siya.

“Even yung pagbunot sa bulsa is an exercise, my friend. You must learn to share.”

—000—

“If you ever find yourself stuck in the middle of the sea. I’ll sail the world to find you
If you ever find yourself lost in the dark and you can’t see. I’ll be the light to guide you. We find out what we’re made of. When we are called to help our friends in need” – Bruno Mars

IT’S RAININ’.. IT’S FALLIN’

Tulad ng binanggit ko sa nauna kong post in August 2013 (please read https://clinquantlife.wordpress.com/2013/08/02/bakasyon/ ) noong ako ay 5 months nang extended for my vacation at tinanong ako ng Boss kung puwede pa akong extend. Ilan sa mga dahilan ko na kailangan kong magbakasyon aside from privilege ko iyon ay Kailangan ko ring makakita ng luntiang kapaligiran. Kailangan kong maranasan ang mamitas ng prutas sa puno, ng gulay ng sariwang bulaklak. Kailangan kung muling maranasan ang MALIGO SA ULAN.

Isang araw nung nakaraang bakasyon, ay bumuhos ang malakas na ulan.

Agad akong lumabas at naligo. Ang sarap ng pakiramdam. Para bang nakalaya ka sa lahat ng pressures at worries ng buhay. Sa bawat patak ng ulan sa aking katawan ay parang Omega Pain Killer na tinatanggal ang mga failures at sakit sa buhay.

Bathing in the rain gives us also the chance to overcome our fear of getting wet, of getting sick tulad ng sinasabi sa atin ng mga matatandan, o ang madulas.

Untitled

It brings us back to our younger days, and the yearning, ang pangungulila sa nakaraan, ang pagtanggap sa kasalukuyan at ang hamon sa kinabukasan.

Rain is an expression:  “In the early morning rain with a dollar in my hand. With an aching in my heart and my pockets full of sand. I’m a long way from home and I miss my loved one so. In the early morning rain with no place to go.”

Rain is yearning: “I’ve been hurt so bad. Sometimes it makes me sad. Would you rain on me? I don’t understand. This was not my plan. Would you rain on me? Don’t stop the rain.”

Rain is crying: “If I wait for cloudy skies. You won’t know the rain from the tears in my eyes You’ll never know that I still love you. So though the heartaches remain. I’ll do my crying in the rain.”

Rain is moving on: “Tears may fall and clouds may gather, I should go I think I’d rather.. Wait until there’s no chance left at all. I’m just waiting for the rain to fall.”

Rain is awakening:  “I’ve looked at life from both sides now. From win and lose and still somehow. It’s life’s illusions I recall. I really don’t know life at all.”

As long as I live, I will not get tired of anticipating for the rain.

—000—

“It’s raining. I’ts pouring. The old man is snoring. ” – Jose Feliciano

WE SELL THEM TO YOUR COUNTRY

Natural na sa tuwing bakasyon ang pamamasyal sa kung saan-saan sa Pilipinas, by land, by plane or by boat (minsan lakad).

Ang kapansin pansin sa atin lalo na kung travel by roads ay ang traffic.

Marami na ang mga sasakyan from about 7 million 4-wheeled vehicles in 2013, it has grown by about 44% in 2015. On the other hand, the about 4 million motorcycles in 2013 has increased by 57% in 2015. Sa pagtatravel by road, kapuna puna rin ang mga motorsiklo na hindi alam kung saan ang dapat nilang linya. Sa Road Safety Report ng WHO from 2013 to  2015, tinatayang 53% of the estimated 10,000 traffic road deaths ay motorcycle riders.

Untitled

Makikita mo talaga na bigla na lang susulpot ang mga nagmomotorsikly, they will hog the line na para sa mga 4 wheels, sisingit, minsan pa pag di makakalusot ay titiklupin ang iyong side mirror. Kahit na nasa fast lane sila, di sila aalis sa kanilang mabagal na pagpapatakbo. At sila pa ang matatapang.

May kaibigan ako na habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan, bigla may motorsiklo ang umislide sa daan at sumuksok sa kanyang sasakyan. Ang tapang nung driver ng motorsiklo at nagreklamong ang kaibigan ko ang may kasalanan. Ang ending ay ipinagamot ng kaibigan ko ang driver ng motorsiklo kahit na di siya ang may kasalanan.

Sa isang pagbisita sa Shenzhen in Guandong Province, China I am treated to the history of progress in that city. From a small market town of 30,000 people it was promoted in 1979 as a Prefecture (sub province) at sa 2015 ay may 18 million na ang population.

The author in Central Park, Shenzhen.

We were told that one of the industries in Shenzhen is motorcycle manufacturing. They have lots of factories like Zhuzhou Motorcycle Co., Shenzhen South Star, Sinomach at iba pa who are coming out with a lot of models, sizes and engine displacement.

Tinanong ko ang guide namin, “Tell me Sir, you produce thousands of motorcycles a year and yet I do not see any motorcycles on the road.”

Motorcycles abandoned by owners in Shenzhen when the government applied the ban.

He replied, “Before the ‘90s we were into motorcycles, which caused accidents and unnecessary problems on the road. It has also contributed to lack of discipline of our people in a way that a driver of the motorcycle has the tendency to cut traffic, weaving on the road, speeding and becomes hot headed. It also posed serious problems in the environment. The government after a lot of studies and consultations decided to ban the use of motorcycles, particularly the 2-stroke type in major cities and road networks. See how efficient our traffic management now.”

I inquired, “Then why are you still producing a lot of motorcycles when you do not use them?”

He smiled and casually replied, “We sell them to countries like your country. You have 100 Million population, half of that is the market size.”

And we inherit the problems he mentioned about motorcycles.

—000—

Speeding motorcycle, won’t you change me?. Speeding motorcycle of my heart. Speeding motorcycle; always changing me. Speeding motorcycle, don’t you drive recklessly.” – Daniel Johnson

 

UNLOAD OUR POLITICAL BAGGAGE

Tapos na ang Halalan. Tapos na rin ang laban ng Cavs at Warriors. May nanalo at may natalo.

Pero bakit ang dami pa ring mga patutsadahan, tuksuhan, asaran at awayan?

Ang dami nating mga bagahe na dinadala sa pulitika. Mga bagahe na ang ugat ay ang hindi pagtanggap ng pagkatalo. Mga bagahe that leads us nowhere. Mga bagahe na sobra na.

Mabuti kung ang sitwasyon ng bansa ay healthy, kahit na may excess political baggage ay kakayahin. However, if we allow it to continue adding up, it spells trouble. Di tayo makatuon sa tamang direksyon at sa mapayapang pamumuhay.

The less political baggage there is, the freer we are, and the more likely thatwe’re going to perform our best and enjoy more out of our life.

Anu ano ang mga political bagges na ito. They include pride, motives, distractions, fear, and worries at marami pang iba. Sa pride na lang, napakaexcess na natin. Ang natalo, ayaw tanggapin. Ang nanalo, pinagyayabang pa.

Sabi nga sa isang kuwento, me isang disipulo ang nagtanong sa isang Monk kung paano ito namumuhay.

Sagot ng Monk, “When I am hungry, I eat; when I am tired, I sleep.”

The disciple is astonished at the simplicity of the answer. “Isn’t that what everyone does anyway?”

Sagot ng Monk, “No. Karamihan sa tao ay sinusubuan ang sarili ng maraming desires kapag kumakain, at nangangarap ng maraming bagay when they sleep.”

People eat and sleep with a lot of distractions.

Tapos na ang boxing kumbaga.

Let us now focus in doing our OWN RESPONSIBILITIES.

Ginagawa mo na ba ire?

Abide the law. Respect the elected government officials, whether you may have voted them or not.

Let us participate in making a progressive, peaceful and cooperative community.

Dami pa ring ngawa ng ngawa. Move on na tayo. That is life. Remove the excess political baggage.

Focus now on educating yourself. Honing your skills. Paunlarin ang sarili. Huwag ang mga pulitiko.

Do not underestimate the impact ng paglaglag sa political baggage. If we can successfully do it for one minute, we can do it for another, and yet another. Soon, we are taking away more and more of the political baggage in our lives without us knowing. Mas uunlad tayo, as persons.

Masyado nang nasugatan ang ating bansa. Masyado nang naduhagi ang ating pagkaPilipino. And that is because of political baggage.

Bashers be damned.

—000—

“I got all of this baggage with me. Don’t wana make you pay for what somebody else has done to me
I don’t know what to do. With all this baggage in me” – Mary J. Blige

HELP BEGETS HELP

Follow up sa previous post ko, https://clinquantlife.wordpress.com/2014/03/01/wisdom-in-helping-others/  regarding sa kapatid na biktima ng Yolanda.

Instead of kupkupin at patirahin sa kanila, he computed ang magagastos for 1 year na sila ay pakakainin at patitirahin at ito ay pinagawa niya ng tindahan, in one slot sa aming maliit na puwestong pangkomersyal. “Itatayo po namin itong tindahan para po mayroon silang pagkakakitaan. Kahit na sila ay nasa ibang lugar, hindi po sila aasa sa iba at ang kanilang tiwala sa sarili ay di masisira.”

He applied the wisdom of the Chinese proverb: “Give a man to fish he eats for a day, teach a man to fish he eats for a lifetime.’

He even added, that: “pag napalago niya ito, makakatulong pa siya sa iba (italics mine, to give emphasis)”

That was in December, 2013.

Fast forward to May, 2016 or roughly 2 years and 5 months after we agreed on renting one (1) space.

Now, they occupy two (2) spaces and mabili sa puwesto nila, sometimes even the parking slot for pasyente sa clinic ng wife ko ay naooccupy ng mamimili.

I am happy to hear that one day they are already operating a grocery, even if it means moving out of our spaces.

Live proof ng tamang pagtulong sa kapuwa. He did not give them a fish. He did not teach them how to fish. He gave “live tutorial” on how to fish, eat and help others.

Mendicancy ended and helpings hands extended.

Perseverance. Right Attitude. Hardwork. Trust in God.

Rolled into one.

Rising from Calamity the right way?

—000—

“Give me Your arms for the broken-hearted. The ones that are far beyond my reach
Give me Your heart for the ones forgotten. Give me Your eyes so I can see – Brandon Heath