Dignidad ng Pinoy

Noong isang linggo, nagsadya ako sa Riyadh kasama ang aming Sales Engineer na pinoy dahil may mga business meetings ako at isang principal ang kinausap ko tungkol sa produkto na gusto nilang ipadistribute sa aming kompanya.

The meeting went well, and we were also able to attend an Exhibit and Forum on Security – Fire – Safety. Side trip to the Philippine Consulate Office sa Diplomatic Quarter para ayusin naman ang Demand Letter namin for recruiting about 400 pinoy workers, mostly Engineers and Technicians.

And as customary sa mga pinoy na pumupunta ng Riyadh, di puwedeng hindi kami magsasadya sa Batha. So, sabi ko sa kasama ko we will have dinner doon at konting shopping.

Dumating kami sa Batha oras ng salah (prayer time) kaya sarado pa ang mga tindahan. Lumabas kami ng sasakyan pagkapark at naglakad patungo sa Electronics Center at aming namataan ang mga pinoy sa isang sulok na parking na me kinakain. Nilapitan namin at nakita namin ang isang pinoy na food vendor. Ang paninda niya ay Goto, Arroz Caldo, Lumpia at Ginataang Bilo-bilo. Naengganyo kami na umorder ng Goto. Ang sarap niya at tamang tama ang init sa lamig ng panahon (it was 14deg C).

Kinausap ko ang kabayang nagtitinda, at ang sabi niya dalawa raw silang magkapartner doon. Pagkarating nila from work at 5pm ay ipinapack na nila sa mga plastic cups with cover at inilalagay sa styrofoam box para di lumamig. Tapos magpapahatid sila sa Batha at pupuwesto na sila. Electrician ang isa at ang isa naman ay Maintenance sa kanilang pabrika. Kailangan daw nila nang extra income upang madagdagan ang padala nila sa pinas dahil 2 na ang college niya at si partner naman ay 3 ang nagaaral although 1 lang ang college.

What touched me was when he said, “maaari kaming magsideline tulad ng ibang lahi riyan, maglinis ng kotse, magdakot ng basura, mamulot ng karton at lata ng softdrinks, o kaya ay gaya ng ibang pinoy na nagsusugal..pero, para namang ibinaba namin ang dignidad ng pinoy pag ganun. Marami pang mga gawain na puwedeng iangat natin ang dignidad o karangalan ng pinoy, katulad ng pagtitinda ng kakanin o pagrerepair ng mga kagamitan.”

Ang pahabol pa niya, “dapat hindi tayo minamata ng ibang lahi, dapat pag sinabing pinoy ay hindi mamumulot ng basura, hindi car cleaner, kundi mga sideline na ginagamitan ng skills at utak..”

“At higit sa lahat, huwag gagawa ng labag sa batas, tulad ng pagsusugal at pagnanakaw.”

That brought out the Filipino pride in me.

—-00000—-

“I decided long ago, never to walk in anyone’s shadow. If I fail, if I succeed, at least I live as I believe. No matter what they take from me, they can’t take away my dignity.” (George Benson)

 

Advertisements

KAARAWAN NG NANAY KO….

Kaarawan ng nanay ko November 28. I want to greet her personally pero nasa malayo ako. I want to hug her, kiss her and tell her how i love her and how grateful I am for bringing me up. Hindi ko na siya nakasama during the last 3 years dahil siya ay nasa mga kapatid ko.

At hindi ko rin siya nakasama for 18 years nang iwan niya kami after my tatay died in 1979.

She just went away, a year after tatay died. The burden of feeding,clothing and sending to school my 2 younger sisters fell on my shoulders. I was in second year college that time. I have to maintain my scholarship and at the same time did odd jobs at iba pang puwedeng pagkakakitaan para may pang-agdong buhay naming magkakapatid. Dagdag pa na ako ay nasa Nueva Ecija, while my two sisters are in Manila and in Angono, Rizal. Wala pang text, facebook at email ng panahong iyon kaya ang hirap balansehin ang obligasyon ko sa kanila as an elder brother, ang mga aralin para mamaintain ko ang aking grades para sa aking scholarship, ang pagtatrabaho para may pandagdag panggastos at ang mga iba ko pang activities sa University.

I thought wala na si Nanay. Matagal ko rin siyang hinanap. From Camarines to Olongapo to Baguio. Anywhere na may lead akong natanggap. I even went to Homes for the Aged searching for her. Sa paghahanap kong iyon ay marami akong naging kaibigan sa Homes for the Aged at doon ang unang kong Ministry sa pagpapalakas ng loob ng kapuwa.

Then one day after 18 years, in 1998, I receive a call from a relative asking me to send him money para sunduin si Nanay dahil me sakit daw. I told him, just give me the address at ako ang susundo. I doubted kasi ang sinabi niya, dahil he has the reputation for extracting money sa kung anu-anong raket. He did not reply. Then, after one week my sister who was residing in Angono that time called me and told me that Nanay ay dumating sa kanila, me sakit at almost half of the body was paralyzed.

I told my sister na kukunin ko si Nanay at ipapagamot. Dumating ako sa kapatid ko pero bago ko niyakap si Nanay ay gusto ko munang sagutin niya ang isang katanungang matagal na dala dala ko: “bakit mo kami iniwan?”. Pero sa puso ko, anuman ang sagot niya ay tanggap ko at nakahanda na ang kapatawaran. Hindi ko na nga matandaan kung ano ang sagot niya sa akin, basta after she replied, niyakap ko siya at ako ay umiyak sa kasabikan ko sa kanya.

I explained sa lahat ng nakakaalam ng pag-iwan sa amin ni Nanay na what she did is not her doing, it is God’s will. Kasi, marami sa atin ang judgmental. Nanghuhusga kaagad kahit na di alam ang nararamdaman ng isang tao o di alam ang buong kuwento. Look, if Nanay did not leave us, malamang lahat kami ay aasa sa kanya. Sa style ni Nanay na spoiled kami sa kanya noong siya ay kasama pa namin, malamang umasa kami sa kanya at di natuto sa buhay. When she left us, oo, nakaramdam ako ng lungkot, hirap at hinanakit, biro mo iyong wala ka nang ama e iiwan ka pa ng nanay mo at a stage na kailangan mo siya. Pero dahil dito natuto akong mabuhay, naging tough, masipag, matimpiin at matiyaga. Kung hindi doon, baka ako ay hindi ganito katapang sa pagharap sa buhay. At alam ko na iyon ay way of God para ako ay maging kung ano ako ngayon. It is God’s way of making me brave and strong.

Whatever it is, Nanay is my mother. She carried me in her womb for 8 months (premature ako and a blue baby at that), she’s my first teacher, my first guide, the first person na nasilayan ko ng ako ay isinilang. And I am so thankful to God for giving me a mother like her.

I want her to have a long life. Pagretiro ko ay makasama ko pa siya.

Maligayang kaarawan Nanay. Mahal na mahal kita.

—-00000—-

“Back then I didn’t know why, why you were misunderstood. So now I see through your eyes, all that you did was love.” (Spice Girls)

Bakit galit na galit?

Hinawakan ko ang team ng kompanya namin dahil ako ang inilagay ng mga players at instructions ng management… at mahal ko ang basketball. Nagpapanalo kami nung eliminations, in fact, wala kaming talo. Pero ang mga panalo namin ay puro habol sa homestretch. Nakakagawa ako ng adjustments sa 3rd quarter at ito ang naging susi sa panalo. Me shock factor na kasama ang panalo namin. Ang mga kalaban ay nalula sa 2 kong malaking players (height limit of 5′ 10″). Pero me star attitude ang isa kong malaki, nakokontrol ko lang.

Sa semis ay tinalo namin ang aming kamatch at on to the finals.

Game 1 ng Finals, inilihim sa akin ng team na me laro sila sa isa pang liga (na aking tinutulan na nung una dahil kako ang gusto ko sasalihan ay iyong prestigious ang liga, iyong magkakaroon ng exposure ang company namin). Dumating sa laro mga pagod, ang aking dalawang key players (key talaga, may puso at utak at hindi star ang mentalidad) ay napilayan sa laro. Tapos ang baba pa ng morale dahil talo sila. Tinambakan kami ng kalaban. At iyon ang iniiwasan ko, dahil makikita nila na kaya pala kaming talunin. Wala palang binatbat ang malaki naming pa-star.

Game 2 ay gumawa ako ng adjustments ng 3rd quarter. Ipinasok ko ang mga mabibilis na defenders, hindi ang aking best five. Nahabol namin ang kalamangan at salamat sa isang last second follow up nagkaroon ng overtime. Sa overtime, dumating ang hinihintay kong move ng kalaban, ang mag man to man. Ipinasok ko ang 2 point guards at inilayo ko ang pagset ng play para malibre ang malalaki at umiskor sa mga nagbabantay sa kanila. We won the game in overtime.

Game 3 high spirit ako, alam ko kayang makuha ang championship. Sinimulan ko sa best five at palitan lang ang lamangan hanggang 2nd quarter. Napuna ko na slow ang tempo ng laro ng kalaban, ibig sabihin natuto sila sa mga laban sa amin at binagalan nila para magreserve ng energy. Di tama ito sabi ko sa sarili ko. Kailangan na mabulabog para sila ay mapagod. 3rd quarter ipinasok ko ang mga mabibilis na defenders at binigyan ko ng bawat assigned na babantayan. Pero nagkabalibaliktad ng binabantayan at lumamang ng 4 ang kalaban. Nagtimeout ako para ipaalala ang assignments nila. Pagbalik nila sa court, dito na nangyari ang di ko inaasahan.

Isang kasamahan sa kompanya na nakaassign sa ibang lugar ang sumugod sa akin, minura ako, binulyawan at galit na galit na sinabing bakit ko raw ipinasok ang mga bobong players. Sumagot ako ng malumanay na strategy iyon, nanalo tayo at nakarating sa finals sa paggagabay ko at wala akong bobong player, lahat sila magagaling at may kanya kanyang papel. Sumisigaw na siya at galit na galit sa akin. Kung nasa pinas siguro sinuntok na ako o sinaksak nito sa nakita kong panlilisik ng kanyang mata. Pinalayo siya ng mga miron pero putak pa ng putak. Nilapitan ko at sinabihang, tumulong ka na lang sa team. Magcheer ka para tumaas ang morale. Or kung gusto mo, ikaw na ang magcoach. Galit na galit pa rin at walang tigil ang putak at sama ng tingin. Para lang makaiwas sa gulo, iniwan ko ang team at umalis na ako.

Nalaman ko sa kasamahan ko na talo ang team. Nalungkot ako. Nasira ang isang magandang layunin dahil sa kagagawan ng isang tao na hindi naman naging kabahagi ng team sa hirap. Bakit galit na galit?

Nalaman ko ang dahilan kung bakit siya ay galit na galit. Ito ay ang anay na sumisira sa samahan, pamilya at pagkatao. SUGAL. Malaki ang pusta niya sa amin kaya ng malamangan kahit 3rd quarter pa lang, ay ako ang napagbalingan.

Kapwa pilipino. Kasama sa trabaho. Pero pagdating sa pera, handang isubsob ang pagkatao at awayin ang kapwa pilipino.

Gustong kumita sa madaling paraan, sa sugal.. hindi sa pagsisikap.

—-00000—-

“That a man must break his back to earn his day of leisure.” (The Beatles)

Team Anlene

Pinahandle sa akin ang isang basketball team na pulot pulot ang mga players. Nagmula sa iba’t ibang lugar sa pinas, me kanya kanyang tropa at paguuugali. Malaking challenge sa akin na sila ay maging isang team sa puso at sa gawa.

Maraming naging sagabal sa aming samahan, lalo na sa pagpapalakad sa team dahil nga sa iba’t ibang lugar ang pinagmulan ng mga miyembro at ang konsepto pa ng pamamahala dito. Dito kasi sa lugar na ito, ang dalang konsepto ng mga lahing Indian, Arabo, Aprikano tungkol sa pagiging manager ay isa kang master. Sa konseptong Kanluran at sa Pilipinas, ang pagiging manager ay pagiging isang Leader. Sa isang samahang ganito,  motivation is the key.

Sa kanila ko natutunan ang kasimplehan ng buhay..  mga technicians, factory workers, auto mechanic, secretary, engineer.. isang grupo na despite of the differences e  nagkakaisa ang layunin… ang magkasama sama sa paglalaro at pagkuha ng kampeonato.

Bagaman at di kami pinalad na makuha ang championship, marami naman kaming natutuhan sa isat isa. Una na ang paggalang, ang pagkakaisa, ang pagsisikap, ang pagtitiyaga at ang pagasa.

At ang diwa ng aming sariling kawikaan, Team Anlene : “Nagdadamayan, walang iwanan”

—-0000—-

Simpleng buhay ay kay ganda . Mayroong ngiti . Mayroong saya . Walang hindi magagawa . Lalo na’t simple ka . Sama-sama magkaisa. Kahit maging sino ka pa. Lahat ay `di ba’t kay dali . Ganyan ka lang sana. (Ariel Rivera)