Jokes (2011-02)

Difference between U. S. and the Philippines…
In the U. S., you can KISS in public but can’t PISS in public..

In the Philippines, you can PISS in public but you can’t  KISS in public.
 
So faithful….
GF: “Babe ano gawa mo?”
BF: “Wala naman eto pagod at inaantok na, ikaw babe?”
GF: “Eto nasa club pinagmamasdan ka.”
 
Lito Lapid applying for a job….
Lito Lapid was filling up application form for a job. He was not sure what to answer to the question, “SALARY EXPECTED.”
After much thought, he wrote, “YES Expected!”
 
Stolen Girlfriend’s number…
GUY: (laughing) “My friend has stolen my girlfriend’s number from my cell..”
FRIEND: “So what’s next?”
GUY: “The idiot is sending romantic messages to his own sister.”
 
Modern Break up:
GIRL: “I’m breaking up with you.”

BOY: “Why baby?”
GIRL: “Because you didn’t comment on my Facebook status.”
 
In a Palmolive shampoo commercial…
“What’s the Perfect Age to be a Woman?”

KC: “Ask Piolo!”
 
Sa barberya..
LALAKE: “Magkano ang gupit?”

BARBERO: “P150.00”
LALAKE: Paano naman kung ahit lang?”
BARBERO: “P50.00”
LALAKE: “Sige, ahitan mong ulo ko!”
 
 
Pagharap sa problema…
Boy: pag tayo nah, sabay nating haharapin ang mga problema…
Girl: wala naman akong problema eh..
Boy: kasi nga hindi pa tayo..wag ka ngang excited..!hehhe
 
For Women who say…
“ALL MEN ARE THE SAME,”
Someone posed a question…

“Who told you to try ALL OF THEM?”
 
Inday joke…
Inday : ma’am , nang naka alis na kayo kanina nakalunok ho ng ipis si baby ….
Amo : haaah ?
Inday ; pero huwag na kayong mag alala ma’am pina –inom ko nap o ng BAYGON.
 
Inday uli
Amo : day kung pagbibigyan mo ako at hindi ka magsosombong sa ate mo , tataasan ko suweldo mo.
Inday : hindi man ako maniwala sayo ,sir,kasi yun din ang sabi ni Ate sa driver natin.
 
Inday pa…
Amo : Yaya, ilipat mo nga itong comforter doon sa kwarto ko.
Yaya : Opo, ma’am.
(Pagkaroon ng ilang oras…..)
Amo : Yaya, nalipat mo naba ang comforter doon sa kwarto ko?
Yaya : Opo, ma’am. Nalipat ko napo ang comforter pati na ang CFU at Frinter.
 
Elevator ride…
Dalawang probinsyano sumakay sa elevator.
Una : Magkano kaya ang ibabayad natin?
Ikalawa: Bobo! Bakit ka magbabayad, eh, wala pa ang konduktor
 
Maawaing Killer…
Unang killer: Pare, sigurado ka bang ditto dadaan ang papatayin natin?
Pangalawang killer: Oo. Nagtataka nga ako, isang oras na tayo ditto wala pa rin sya! Sana ……ay………….sana naman..walang nangyaring masama sa kanya!
Unang killer: Ngeeeh!
 
Tindera….
Bata: (pasigaw) pabili nga ng safeguard!
Tindera: (galit na sumigaw) eh wag kang sumigaw. di ako bingi ano bang sim card? Globe o Smart ?
 
Batman…
Isang lasing nakakita ng madre na maitim…bigla nyang sinuntok, tinadyakan, at binalibag..bugbog sarado ang madre. Tapos tumawa ang lasing at sinabi
“Wala ka palang binatbat BATMAN!”
 
Spelling…
Boy 1: Pare magaling na ako sa spelling!
Boy 2: Sige nga spell mo yung “orange”…
Boy 1: hehehe…nililito mo ko noh?…anong orange ba yun? Yung prutas o yung kulay?
 

—-00000—-

 

“Oh to have a good time.Take me, far away, anywhere. As long as it’s fun fun fun fun fun fun fun I wanna go!” (Pharell)

Advertisements

Bossing ka Boss

Simula pagkabata ay galit na ako sa mga katiwalian, at panlalamang. Kahit noong nagaaral ako hanggang nagkatrabaho,  I hate cheating and cheaters. Iyong mga naagshoshort cut para makapasa sa exams, sa board, maging sa trabaho at higit sa lahat iyong manlalamang at mananapak ng tao para lang mapromote, o maipakita ang kanyang power.

I remember one incident when I was still working in the Philippines. I was on my way to our company’s plant in Batangas when I heard the wailing of sirens from behind me, so I slowly moved on to the outer lane of South Luzon Tollways (I prefer to call it that way instead of the SLEX – South Luzon Expressway, cause there’s nothing express really in that road, but the way they collect tolls). Since maraming sasakyan sa may papalabas ng Bicutan, I found it difficult to get out of the inner lane.

Suddenly, I heard a thud on my rear window. It was a motorcycle cop with his oversized bike, and his oversized belly, in an oversized boots, wearing an oversized jacket and with an oversized, inflated, egoistic, arrogant head banging on the window, signaling me to move away. Because his Boss, an overly reactive, snifter tummied Congressman Bragadoccio is passing, with his four van-loads of guards ready to fire and wage war with anybody who dare touch or block the way of their chief. This was the time of Wang wangs, or meron pa rin ngayon?

I asked myself. What protection can these shrieky, hollering tramps give to their Boss? What security can the Boss expect from his pernociously venomous bodyguards? Guards who takes venom and borrow their courage from their arms, from their bullet proof vests, from their power? They invite more trouble for this show of force, arrogance of power, and taking advantage of the weak.

I have a guardian who does not borrow strength from anything. He is the most strong, yet He is soft hearted. He is the most fearful, yet He is the forgiving. He is the greatest, He is the Boss. Yet He is so humble. He is the beloved Son. Yet He showers me with His love. He gives me care and understanding. He watches over me day and night. He guides me all the time. He blesses me. He is my Boss. But for Him, I am the Boss.

Same thing in this country. Mas masakit sa kalooban na makitang kapuwa mo pinoy, na sa pinas ay pangkaraniwan at napakahumble na worker, pagdating dito ay nagkaroon ng position for whatever reason, ay siya pang walang malasakit sa kapuwa pinoy.

Power tripping ka Boss.

—-00000—-

“And with these hands, I’ll provide for you. Should there be a stormy sea. I’ll turn the tide for you.
And I’ll never. No, I’ll never let you go” (The Temptations) 

Wishful dreaming

“Come to my office Mr. Emil. I’ll show you something.” Ang bati sa akin ng aming GRO isang umaga.

Iba ang pakahulugan ng mga pinoy pag sinabing GRO, ito ay kadalasang babae na nagtatrabaho sa club. Pero sa bansang ito, ang GRO ay Government Relations Officer. Sila ang mga nag-aasikaso at nag-aayos ng mga usaping pang gobyerno katulad ng Visa, Iqama (Residence Certificate), Medical Insurance, atbpa.

Ang kadalasang GRO ay mga Saudis dahil sa pakikipagusap sa mga opisina ng gobyerno rito karamihan ay mahinang umintindi ng English. Isa pa ay mas priority ng mga opisinang ito ang mga katutubo (Saudis) dahil ayaw nila na makabisa ng ibang lahi ang kanilang procedures.

Pumasok kami sa opisina ni Mr. GRO (parang ang sagwa pakinggan ano, Mr..) at pagkaupo ko sa harapan niya ay ibinaling niya sa akin ang monitor ng kanyang computer.

“You see, I just want to show you our system here in the office and how we connect to the government system. I will input your Iqama number, and now you will see that there are charts and reports for your business transactions, bank transactions, phone bills and records, and here, as I click this, we will know where you are on a particular date. You see, last January 14, you were in Yanbu and you checked in at Al Higgi Hotel, and you stayed there for 3 days. You were in Yansab the following day at 9:15 am, then you moved to Luberef at 11:05 am and you were in Saudi Aramco Yanbu Refinery at 2:04 pm. Wherever you go that requires your Iqama, it is recorded in the government file and we were given the right to access it.” Ang paliwanag niya sa akin. Ang Iqama ay ang tinatawag nating Cedula or Residence Certificate / Card.

I was amazed at that, at nakita ko rin na sa ganitong date ay may binili ako sa Carrrefour na ganitong items using my ATM card, dahil ang aking Bank Account ay connected din sa Iqama. At hindi lang iyan, ang numero ng cell phone ko ay kasama sa lahat ng record ko kaya pag me withdrawal na ginawa ay nakatext agad sa akin, pag nagbayad ako ng kuryente o tubig ay nakatext agad sa akin. Ganun din nung maiwan ko ang ID ko sa Aramco, nakatext agad sa akin ang Security at sinabing naiwan ko roon ang aking ID.

Ganun din sa Driver’s License. Nakaconnect ito sa Iqama at sa cellphone number ng License Holder. Kapag me violations ka sa kalsada, na kadalasan ay mga radar at camera ang nakakadetect at makukunan ng letrato ang sasakyan mo, ito ay agad na marerelay sa iyo. Halimbawa, ikaw ay overspeeding at natamaan ka ng radar at camera, immediately, may text ka kaagad na nahuli ka at dapat magreport ka sa Muroj (Traffic Police) at magbayad ng fine sa bangko (walang nagbabayad sa kanilang opisina, so walang fixer na makikita) at ipresent mo ang resibo sa Muroj. Otherwise, ang say, 300 riyals (about P 3500) na multa sa overspeeding, pag di mo nabayaran sa loob ng isang buwan ay magiearn ng interest. Susunod na buwan ito ay 350 riyals (about P 4000) na.

I see this as a good discipline sa mga mamamayan kung maipapatupad lang sa pinas. Ang matagal ng ID system na nais isabatas ng ilang matitinong mambabatas ay nakatengga dahil sa mga tiwali sa gobyerno at ilang sektor na ayaw sa ganitong sistema. Ito raw ay pagsikil sa karapatang pantao, ito raw ay panghihimasok sa pribadong buhay at ito raw ay unnecessary sa isang malayang bansa. Isa pa ay ang gagastusin daw sa pagpapatupad ng ID system, ngunit di naman nila nakikita ang matitipid ng gobyerno sa mga nagnanakaw sa gobyerno, at sa mga kalutasan ng mga krimen na pagkahabahaba ng proseso ng paglilitis.

Ang mga may kalokohan, mga kriminal, mga tiwali, mga mandaraya at mga mandarambong lang naman ang ayaw na ito ay maisakatuparan dahil:

1. Matitrace kasi kung nasaan sila. Lalo na ang mga tiwaling mambabatas, ang maraming chicks, ang mga kawatan. Sa pamamagitan nito ay malalaman kung ano ang ginagawa nila sa ganung araw at petsa at kung sino ang kasama.
2. Malalaman ang mga tunay na salarin sa isang krimen. Madaling maestablish ang alibi na wala siya sa lugar na pinangyarihan ng krimen.
3. Malalaman ang mga pinaglalagakan ng mga ninanakaw na kayamanan ng bayan kasi bawat transaction nila ay maaaccess.
4. Walang makakapalag na traffic violators dahil nakatext agad sa kanya at identified agad kung sino ang driver.
5. Walang makapanloloko sa tawag sa telepono, walang makapananakot, walang makapapanira, walang magtsitsismis.
6. Ang mga rebelde, mga tulisan, mga makakaliwa, mga kidnapper, mga killers ay maaidentify. Ang walang ID tyak na isa sa mga iyan.

Ang una unang apektado rito ay ang mga pulitiko, celebrities, artista, mayayaman, taong gobyerno, mga leaders ng anumang pribado o publikong organisasyon, at mga masasamang loob. Ang mga matitinong at masunuring mamamayan ay makikinabang dito.  Maging ang pagbibigay ng mga serbisyong pangmamamayan ay magagampanan ng maayos.. Health Care, Pensions, mga Gamot na libre, at iba pa.

Nakikita ko ay lamang ang positibo kesa negatibo. Sana ay magkaroon din nito sa pinas.

Wala namang masama kung ako ay mangarap di ba mga Mambabatas, Commission on Human Rights, Simbahan at mga loko?

—-00000—- 

“There must be light burning brighter somewhere. Got to be birds flying higher in a sky more blue. I I can dream of a better land, where all my brothers walk hand in hand. Tell me why oh why, oh why can’t my dream come true.” (Elvis Presley)

Pasko sa bansang walang pasko…

Every Christmas brings unexplained happiness in me. Kahit na noong ako ay bata pa, nag high school, nag College and even at this stage of my life now. At tuwing pasko rin ay doon ko naramdaman ang kapayapaan ng damdamin, kahit na ako ay malungkot dahil nagiisa.. lagi ko na lang iniisip na ang bawat pasko na dumaraan ay nagbibigay ng panibagong pagasa at pagreflect sa mga nagawa ng nagdaang taon. Actually, hindi ako naniniwala sa New Year’s reflection, resolution o review ng nagdaang taon. Para sa akin, ang pagrereview ay tuwing pasko, dahil naroon ang time nang umpisa ng redemption sa atin ng ating Panginoon.

December 24, gabundok ang trabaho ko. I received an email from our Japanese JV partner asking me to answer the clarifications in our bid to a big company here in Saudi Arabia. Pinagaralan ko at may 7 clarifications akong dapat na ihanda at kailangan ko raw na isubmit sa kanila for their review sa December 26. I finished two in the morning. Inuna ko ang pinakamadugo, at kahit na napakaingay at napakasakit sa tenga ng boses ng isa kong Sales Manager, I managed to compose and finish the 67 pages document in 3 hours. Nawala sa isip ko na bisperas ng pasko and all I am focused is to finish at least 4 clarifications for the day.

Nang maguuwian na, pinasok ako sa office ng mga Christians co-employee at binati ako ng Merry Christmas, only then that I realized na 6PM na pala, and it is 11PM sa Pilipinas. Pasko na. Inatake na ako ng loneliness. I decided to pack up and drove to my flat.

Too emotional I am while driving, that I did not notice my cellphone ringing. There are 7 missed calls from Joel and 2 from Darwin. I immediately called Joel and he asked me to come to their house and have a small Christmas celebration with Darwin and Michael. I confirmed and even called Rey to join us. Rey told he will bring Ice Cream (what???? Ice Cream at 14 degrees weather).  

While changing clothes, I started thinking of how it is now in pinas. People may have finished the Noche Buena and kids are preparing to sleep while planning on what will be their schedule of pamamasko in the morning.

I decided to take 12 pcs Al Fawaz Fried Chicken instead of KFC, grabbed a 2.5 li bottle of coke and proceeded to Joel’s house.

While on the wayI reflected how my life has been blessed sa loob ng 50+ na taon ng kamalayan ko sa mundo, and what Christmas really is.

It is the day of the coming of the savior, Jesus Christ. The angels proclaimed His coming by singing “Hosanna in the highest, let us all rejoice to His coming.” That is what Christmas is really meant for, to be happy, to be joyful that Jesus Christ came. It is a day devoted for Christ, it is a day not to thing of what gifts to give, and to receive. It is a day of being contented, that Christ had come, let us all be happy. It is a day of bringing to God all of our worries and sadness, for the best thing of all, is to think of Christ alone.

I felt a warm surge of cheerfulness engulfing me. I am happy. It is Christmas. God is taking care of my love ones, of my friends, of me and even those who do not like me. I should be happy. I should be contented. I should be rejoicing. Jesus Christ is born.

Before feasting on Spaghetti, Fried Chicken, Boiled Corn (yes, corn, what a combination), Ice Cream and Bread, I muttered a prayer of thanks to God for the coming of Christ and for the blessings He continuously shower on me.

I went home about 10PM and upon reaching home, I checked on my phone. I got missed calls from 8 persons here…., Gerry, Henry, Ed, Jun, Willy, Romy, Sam, and Eugene. They were all asking me to join them for Christmas Dinner.

God is good all the time.

—-00000—-

“It’s beginning to look a lot like Christmas. Soon the bells will start.
And the thing that will make them ring is the carol that you sing
Right within your heart.” (Meredith Wilson through Michael Buble’)

Maggupit ay di biro…

We played two games of basketball yesterday with my younger friends Joel, Jojo and Darwin with the temperature at 16 degrees Centigrade. Pinawisan din kami and the best thing is that we got the exercise we need. Sa ginaw ngayon dito, the last thing we need are tulog and kain. Ang sarap yata matulog at kumain kapag malamig. E lalo na sa kind of food ng mga pinoy, kanin and mamantikang kaldereta, afritada, fried chicken, lumpia shanghai, etc.

After the game, I asked them if we will have light dinner. Joel and Darwin begged off because they were to join another group of friends for a night out. Uwi na lang ako sabi ko ke Jojo, sumasakit ulo ko.

I proceeded to have a haircut sa Barber Shop na ang barbero ay Bangla Deshi. Suki na niya ako dahil alam na niya kung papaano reretokehin ang aking dumadalang na buhok. Isa pa, he charges only 5 riyals for a haircut at me kasama pang massage. Ang Barberong Pinoy dito ay 20 to 25 riyals ang gupit, at mukhang pag doon ako pumunta ay lugi ako dahil konti na lang gugupitin a akin. At ewan ko ba, except for Pinoy Restaurant, di ko tinatangkilik ang mga shops na Pinoy ang bantay. Bakit kamo? Kasi, sila pa ang numero uno na di mo matawaran, masusungit, mayayabang at mga kuwento ay puro reklamo sa trabaho, sa pamumuhay, lahat lahat na yata e irereklamo. Sasakit lang ulo ko. E sa hirap na ng buhay dito na malayo ka sa pinas, tapos puro reklamo pa ang iyong maririnig, parang unfair naman sa isang OFW na nagpapakahirap sa trabaho. All we want here is sumaya at mawala kahit sandali ang pangungulila sa pinas. 

Merong isang shop dito na pagawaan ng uniform.. basketball uniform, office uniform, etc na ang namamahal ay pinoy at ang mga nasa shop nila ay puro pinoy. Kahit gustuhin ko na tangkilikin ang shop na iyon ay sila na mismo ang gumagawa ng dahilan para hindi ko iyon tangkilikin kahit pa kapuwa pinoy. Pag nagsabi ka na “wala bang tawad?”, sasagutin ka ng pabalang na “e di sa iba ka magpagawa.” Minsan naman kasama ko ang manager ng team namin at nagfollow kami ng uniform which is supposedly makukuha na nga araw na iyon, ang sabi sa amin ay “di naman kami nangako a, sabi namin makukuha ngayon, e hindi pa nga tapos e, me magagawa ba kami, kung gusto ninyo sa iba kayo magpagawa.” Naginit ulo ng manager ng team pero pinigilan ko na lang siya. Sinabi ko na lang sa pinoy, “hayaan mo, pahirap pala kami sa inyo e, tapusin na lang ninyo iyan at di na kami uulit. Pasensiya na nahirapan tuloy kayo dahil sa amin. Kapuwa pinoy pa naman kayo.”

Balik ako sa gupitan. Talagang binusisi nung Bangla Deshi ang paggugupit sa akin at sabi ko pa e ahitan na rin ako nga bigote at balbas. He was so meticulous and kept washing his hands with soap and water everytime na he will touch another gamit sa paggugupit. Mas malinis pa kesa sa barberong pinoy. Makuwento rin sya pero tungkol sa masasayang bagay tulad ng kung paano sila magusap ng kanyang anak sa internet, kung gaano na ang iniuunlad ng kanilang tindahan sa kanilang bansa at nagtanong paano ang pasko sa pinas.

After the gupit at ahit, he gave me facial massage complete with facial balm na soothing talga ang pakiramdam. Then he gave me shoulder and arm massage and the final was the head massage. The head massage was so good, tanggal ang sakit ng ulo ko at labas ang nasa loob kong sipon.

I gave him 20 riyals, double than what he expected at panay ang thank you niya sa akin.

I said to myself while going out of the barber shop, “sometimes it is better to patronize other nationalities. Dito sa Bangla Deshi nawala ang sakit ng ulo ko, kung sa pinoy ako nagpagupit, lalo pang sasakit ang ulo ko.”

Besides, sa gupit, facial massage, ahit ng bigote at balbas, head massage, shoulder and arm massage,  i paid only 20 riyals, compared to gupit only for the same price kung sa pinoy with matching kasupladuhan pa.

Guwapo na ulit. Headache gone pa.

—00000—-

“Though your chin be smooth as satin. You will need me soon I know
For the Lord protects his barbers. And He makes the stubble grow.” (Man of La Mancha Soundtrack)

My first taste of being a DJ

Pagka-graduate ko ng High School, ako ay pinapag-aral ng tatay ko sa Lucena City sa tulong na rin ng Ninong Mike ko na nakatira sa loob ng compound ng Luzonian University (Enverga University ngayon). Kina Ninong Mike ako nakatira at nagsilbing older brother ng aking kinakapatid.

Napakaclose ng samahan namin ni Ninong Mike noon. Una, palibhasa at kami ni Ninong Mike ay bihirang magkita at iyon ang time na kami ay naging parang mag-ama. Ikalawa, nagtagpo ang aming mga ideologies. He is a writer noon sa mga magazines, at me aklat na ring nalatahala. Kadalasan kami ay naguusap sa mga paksang nauukol sa gobyerno at sa pamumuhay sa Pilipinas. Panahon iyon ng Martial Law at napakaraming mga katiwalian, paninikil sa karapatang pantao at mga pangaabuso na aming napapagdiskusyunan. Sa kanya ko unang natutuhan ang salitang Malakanya, Lutong Makoy, atbpa.

Sa kurso kong Radio Communications, isang vocational na aralin na lingid sa kaalaman ng Tatay ko ay iyon ang kinuha ko kahit na ako ay pina-enrol niya ng Civil Engineering. Naisip ko noon, ano ang ipantutustos ni Tatay sa aking pag-aaral, baka kalahating semester pa lang ay maglupasay na siya sa kursong Civil Engineering. I decided to shift to Radio Communications, isang 1 year course dahil ang balak ko ay kumuha ng Board Exam para ako ay makapagtrabaho bilang Radio Operator sa barko.

End of First Semester ay flat 1.0 ang lahat ng grades ko except sa Radio Laws where I was 1.25. Ang aking telegraphic transmittance ay above 80wpm, which is napakabilis at hindi na kayang ireceive ng professor namin. Sa receiving naman ay 60wpm, which is pinakamabilis din na transmittance ng aming professor. Kung merong mas mabilis doon palagay ko ay kaya ko pa. So, buhay na buhay ang pangarap ko dahil kahit sa Electronics Engineering subject at sa Trouble shooting ay angat na angat ako. Naging scholar ako ng school ng second semester dahil sa grades ko.

Part ng aming Radio Communications course ay ang subject sa broadcasting. Ito ay para praktikal na maintindihan namin ang mga sections ng isang istasyon ng radyo. At kasama rito ang isang educational trip sa isang Radio Station sa Lucena, ang DZLT. Excited kami lahat, dahil noong panahong iyon ay talagang popular ang mga programa sa AM stations na tungkol sa music. Those were the days of the Beegees, Tavares, Chicago, Spinners, at sa local naman ay Jose Mari Chan, Bunny Channel (Helen Gamboa), and of course Victor Wood. Ako ang pinaka-excited sa lahat dahil ako ang napili ng aming klase na uupo bilang co-DJ sa isang music program na panghapon. Ako raw kasi ang may boses pang DJ. So, naschedule kami ng sumunod na week for that educational trip.

That weekend, umuwi ako ng baryo namin (that time ay 3 hours bus ride from Lucena to our town, tapos 30 mins jeepney ride papunta sa aming baryo). Tuwang tuwa ako na sinabi ke Nanay at Tatay na magsasalita ako sa radyo, at sinabi kong mag-tune in sa DZLT ng 3:00 to 4:00 PM sa araw ng Martes. Pati kapitbahay, kabarkada, kasamahan ni Tatay sa school, halos buong baryo ay inaya namin na makinig. (Panahong iyon ay napakalaking honor iyon, sikat ka).

The day ng educational trip namin ay dumating. We arrived sa radio station ng 2PM at we were briefed on the equipment and its functions. Then, at about 3:15PM, I was asked to enter the DJ booth with Billy Regaza, the DJ. So nagpatugtog siya ng “Sideshow” ng Blue Magic” at “Charade” ng Beegees, pero di pa rin ako pinagsasalita. Siya lang ng siya. Habang tinutugtog ang “Refrain” ni Jose Mari Chan, sinabihan niya ako na humanda at magsasalita na ako. Pag senyas daw niya sa akin ay GO, magsalita ako. Bahala na raw ako. I was assuming na katulad ng sinasabi niya na “mga masugid na tagasubaybay, ang susunod na awitin ay…… etc, etc.”

So hintay ako. Immediately after ng “Refrain” nagsalita siya.. ” at iyan po mga tagasubaybay ang madamdaming awitin ni Jose Mari Chan na inihahandog po natin kay Myrna Coloma ng Rizal Street, Tagkawayan, Quezon. Ang paghahandog ay nagbuhat sa nagmamahal na si Abner Montes.” Tapos sabay senyas sa akin na humanda. Sinundan niya ito ng “at ang atin pong oras sa hudyat ay………” tuloy senyas sa akin na magsalita.

(TING) “Ikatlo at kalahati ng hapon”…….ang aking sinabi. Iyon lang pala ang sasabihin ko, naghanda pa naman ako ng husto.

Pag-uwi ko sa aming baryo, sabi sa akin ng Tatay at Nanay ko at ng lahat halos ng mga tao na di naman nila ako narinig sa radyo.

Sinagot ko na lang na. “Hindi po natuloy”

—-00000—-

“Sometimes I scream late at night in my head. In vain to release the frustrations
And I find no solace in the knowledge and lore. That is at the heart of my coping with life” (Soft Cell)

Kanta, handa, awit…

Another pagkakalibangan dito ay ang makinig ng music. With the new technology and the ease of communications brought by the internet, ang dali nang makapaghanap at makapagdowload ng music na iyong gusto. Ika nga ay nariyan ang ITunes, Google Music, mSpot Music atbpa. Naryan din ang You Tube na mapapanood mo pa ang performance ng mga paboritong singers kahit noong una pang panahon.

My car FM radio is set sa 6 english stations, 91.4 Studio 1 Dharan, 96.5 Radio Bahrain, 101.0 BBC World, 101.4 Studio 2 Dharan, 101.9 MBC FM, and 107.9 AFN. BBC World at AFN ay mostly commentaries, features at news and the rest ay music. Easy Listening, old songs and classical ang 101.4 while the rest ay rock and new songs.

One day, while travelling to Jubail for a meeting sa isa naming Division, I was treated to a trip sa 70’s and this really brought back lots of memories.

Naalala ko ng marinig ko ang “Hurting Inside” by DC5 ang pagtugtog namin ng mga classmates ko nung HIgh School, with Lito as our drummer, Andy as the Lead guitarist, Nonoy as the Lead singer. “I will always think about you” ng Colony Six reminded me of the mga tuksuhan sa klase, pinagpaparepareha kaming lahat, sa pangunguna ng aming teacher. “You’re so vain” ni Carly Simon brought back the memory of one of my friend na nuknukan ng yabang, pero mabait siya ha at talagang magaling makisama. “My Love” by Paul McCartney and Wings ay nagpaalala sa akin ng aking kaibigan at kaklase na si Val, di ko lang matandaan ngayon kung bakit niya paborito ito. “Traces” ni Dennis Yost and Classic IV ay sa isa kung teacher na matandang dalaga. Theme song nila ng boyfriend niya na nawala na lang sukat. “Bell Bottom Blues” brought back the days na kami ay naghihintay ng tren sa istasyon sa Lopez at ito ang pinapatugtog namin sa jukebox together with “Apple of my Eyes” ng Badfinger.

Then, magkasunod pa na pinatugtog ang two songs na pinakapaborito ko. “It’s only love” ni AMB Junior, a song which I play in the guitar and sing during my days sa pari sa amin. I consider those days as the greatest moments in my life, those moments na ako ay nachallenge at naglubid ng mga pangarap. Then and “If” by Bread… my lifetime favorite, story of my life and the song that spelled my sufferings, sacrifices and triumphs.

Para sa akin, singing sad songs ay nakakapagpagaan ng dalahin, naieexpress ko ang mga pains at ito ay naiibsan.

When I was working with RFM in the early ’80s, nagsasideline ako sa pagkanta sa isang Music Bar sa Cubao at Buendia and signature song ko ang  “If”. Pero ang most requested na pinapakanta sa akin noon ay “If I keep my heart out sight” ni James Taylor. There was this one guy who frequented the bar and lagi naman niyang request ay “Travelling Boy” ni Art Garfunkel. Acoustic ako noon, di pa laganap ang karaoke. Naging friend ko siya, and ipinakilala niya ako sa GF niya. Then, nawala siya for one month yata, so natigil ang “Travelling Boy”. Strainful kaya sa lalamunan iyon. Ang taas sa huling part. Later, one night, me nareceive ako request for “Travelling Boy” and I was so happy, dahil kako naroon na uli ang kaibigan ko. After the song, I looked for him, nakita ko ay ang GF niya. After ng toka ko, I approached her, she cried and told me, wala na ang kaibigan ko.

Totoong ang music ay kasama natin sa buhay. Kahit anong lahi ka pa o anong paniniwala. Sabi nga ni Friedrich Niestzche “without music, life would be a mistake.”

—-00000—-

“If a man could be two places at one time, I’d be with you. Tomorrow and today, beside you all the way.If the world should stop revolving, spinning slowly down to die. I’d spend the end with you, and when the world was through.” (Bread)