Purong Tuwa

Ang pamumuhay ng isang OFW ay malungkot at mahirap. Mabuburyong ka kapag hindi mo alam gugulin ang oras mo sa mahalagang bagay. Maraming mga pinagkakaabalahan na lalo pang nakakadagdag buryong. Halimbawa, pagiinom, pagsusugal. Oo nga nageenjoy ka, pero paano pag nahuli ka na nagiinom dito sa bansang bawal ang maginom. Pag nahuli ka ring nagsusugal, o kaya ay natalo ka sa sugal. Nagiging tuliro ang isip at nakakaisip gumawa ng di maganda.

Bukod sa mga pampisikal na pinagkakaabalahan ko tulad ng paglalaro ng basketball, tennis, magswimming at magjogging sa corniche o kung minsan ay sa apat na kanto sa paligid ng aking tirahan, kailangan din ang ispirituwal, ang meditation at oras para sa Panginoon. Ganoon din sa pang sosyal na relasyon, naryan ang mga kaibigang kasakasama sa photography, pamamasyal, panghuhuli ng alimango, halaan at isda, ganun din ang mga trips to “Judas”Cave, Marjun Island, malls, atbpa.

Isang gawain ko na ayaw ko ipagsabi, pero ishare ko na rin dahil sa magandang karanasan ko rito, ay ang pagdalaw “anonymously” sa mga hospital dito. Pumupunta ako sa mga hospital dito at nagtatanong ng mga nakaconfine na pinoy, na di ko kakilala. Dinadalaw ko sila dahil ang nasa isip ko kailangan nila ng makakausap, madadaingan, o basta makikinig lang sa kanilang mga kuwento.

Isang araw ng Huwebes, mga 3 buwan na ang nakakaraan, pumunta ako sa isang malaking hospital sa bandang gitna ng Alkhobar at nagtanong sa information kung me pinoy na pasyente na inoperahan sa tiyan. Tinanong ako kung ano ang pangalan ng hinahanap ko, e natural di ko naman kilala kaya sinabi ko na lang na iyong me bigote. Dalawa ang ibinigay na pangalan at room number. Pinuntahan ko ang unang room na binanggit at ako ay kumatok.

Napagalaman ko na siya ay nabypass at hindi pala sa tiyan ang problema. Tinanong ko kung alam na ng kanyang pamilya. Ipinasabi na raw niya sa kasamahan. Kako, gusto ba niya makausap ang asawa niya. Sabi niya, gusto nga niya makausap pero wala siyang load. Tinanong ko kung Mobily siya o Sawa, at nang sabihin niyang Sawa, naglabas ako ng 2-20 riyals na card at sabi ko iload natin. Pagkaload, tinawagan niya ang asawa niya at nakita ko ang kasiyahan at ang luha niya. Pandalas ang sabi niyang okay na ako sa telepono at nung ang bunsong anak ang kausap ay umiyak na siya. Pinakausap niya ang asawa niya sa akin at sinabi ko na huwag magalala dahil tinitignan ko naman ang kanyang asawa.

Nagkuwentuhan pa kami, at ang mga problema niya ay sinabi niya sa akin, personal at sa trabaho. Pinayuhan ko siya na laging magdasal at maglaan ng time para magexercise at iwasan na ang Kabsa (Roasted chicken with oily yellow rice), sigarilyo, broasted chicken (ala Chicken Joy), at baka. Mas mura pa at mas sisigla siya sa gulay, prutas at isda.

Nagiwan ako ng munting halaga at nagpray kami bago ako umalis.

Nagkita kami kahapon sa Ramaniyah Mall, inaya niya ako magtanghalian pero kako ay nakakain na ako at nagmamadali. Di niya mabitiwan ang kamay ko at panay ang pasasalamat.

Nang magkahiwalay kami, noon lang niya nalaman ang pangalan ko.

—-00000—-

I came upon a doctor who appeared in quite poor health. I said “I am terribly sorry but there is nothing I can do for you that you can’t do for yourself.” He said “Oh yes you can. Just hold my hand. I think that would help.” So I sat with him a while and then I asked him how he felt. He said, “I think I’m cured. No, in fact, I’m sure. Thank you Stranger, for your therapeutic smile.” (Bright Eyes)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s