Si Mang Kurne

Si Mang Kurne ay ang sapatero sa aming baryo at kaklase ko ang anak niya sa Elementary. Siya ang isa sa mga taong hinangaan ko ang kakayahan at ang mga panuntunan sa buhay. Si Mang Kurne ay naging bahagi ng buhay ko ng mga late 60’s at early 70’s.

Sa kabila ng kahirapan ay nakita ko ang katatagan ng kanyang character at ang pagsisikap na maitaguyod ang kanyang pamilya. Hindi lamang sapatos ang kanyang inaayos kundi maging bag, at anumang kagamitan na kailangangang idikit o tapalan.

Kapag wala akong pasok o masyadong ginagawa  ay sa kanyang maliit na puwesto along the riles, sa me tapat ng bahay namin, harap nina Mang Dorting, ako nagpupunta at pinapanood ko siyang magayos ng sapatos. Hangang hanga ako sa pagtabas niya ng katad o goma na ipantatapal o ipapalit sa takong, suwelas ng sapatos. Bilib na bilib ako sa kanyang paghawak sa parang ice pick na pambutas pag tinatahi niya ang suwelas o ang sirang bahagi ng sapatos.

Sa isang bagay ako naging customer ni Mang Kurne at ito ay sa bolang pambasketball. Isa ako sa may sariling bola ng basketball ng panahong iyon at sa aming mahirap na lugar, kayamanan na ang magkaroon ng bola. Minsan ay nabutas ang bola ko at ito ay dinala ko kay Mang Kurne. Matiyaga niyang kiniskis ang parteng may butas, ganun din ang ginupit na gomang panapal at saka nilagyan ng rugby. Pagkaraan ng ilang minuto ay masusing inilapat sa parteng may butas, marahang pinukpok ng mallet at saka muling kinuskos ng liha ang tapal upang pumantay sa surface ng bola. Anupa’t di lang yata sampung tapal ang inabot ng aking Voit basketball bago ko ito tuluyang pinagretiro.

Pero may leksyon akong natutuhan habang pinapanuod ko si Mang Kurne, at ito ay naging gabay ko sa buhay.

Alam mo bata, ang buhay ay tulad ng pagtatagpi o pagaayos ng sapatos. Upang ito ay maging maayos at matibay, dapat mo munang kiskisin ng liha ang lugar na paglalapatan upang mawala ang dumi at maging matibay ang kapit. Sa buhay man, kung nais mo itong maging maayos at panatag, dapat kiskisin mo ang anumang dumi o masamang gawi at pagiisip. Sa paglapat ng tapal, makikita mo na pinupukpok ko para mas makapit. Sa buhay ay ganun din, sa paglapat ng solusyon o pagtahak ng pangarap, dapat pukpukin mo ng husto upang maging matatag. Makikita mo, katulad ng sapatos na ito, parang bago na uli, ang buhay ay palaging maayos at payapa.

Simpleng tao, payak na pamumuhay, pero punong puno ng aral. Siya ang original na Mr. Quickie. Pinakinis at pinatibay ang aking buhay sa kanyang mga turong aral.

—-00000—-

“Old man look at my life, I’m a lot like you were. Old man look at my life, I’m a lot like you were.” (Neil Young)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s