Ayaw umuwi

Pagdaan ko sa lobby papunta sa parking ng office ay nakasalubong ko si Yul at tulad ng dati abot tenga na naman ang ngiti niya.

“Anong paraffle mo naman ngayon?” ang tanong ko na pabiro. Si Yul kasi ay isang mahusay na Welder – Technician dito sa kompanya namin at madiskarte sa buhay. Bibili siya ng isang item (kadalasan ay electronic item tulad ng laptop o cellphone), tapos magaassign sya ng numero 1 to 100 at papatayaan niya ito na ang halaga ng bawat numero ay depende sa halaga ng item na tatamaan. Halimbawa, kung laptop na binili niya ng 2,000 riyals, hahalagahan niya ang bawat numero ng 30 riyals. So, more or less ay may 3,000 siyang koleksyon, minus 10% na factor para sa manunuba. Ito ang ibig kong sabihin ng paraffle niya. Dito kumikita siya kahit papaano.

“Wala muna Sir. Walang puhunan ngayon. Kailangan ni Misis ng pera. Ipinadala ko lahat. Ikaw Sir? Baka gusto mo mamuhunan?” ang sabi niya sa akin.

“Ikaw na lang. Ayoko pumasok sa ganyan. Ikaw ang ekperto diyan. Monopoly mo na. O e kelan ka ba babakasyon?” ang sagot at tanong ko.

“Next month sana Sir, pero baka di na ako tumuloy. Perahin ko na lang ang ticket ko at iyong vacation pay. Maipadala na lang sa mag-ina ko. Tiisin ko na muna. Kailangan, kasi gagraduate anak ko ng March, tapos kelangan ng pera sa enrolment ng May.” ang malungkot niyang tugon. “Gusto ko makasama pamilya ko Sir, pero mas kailangan na magtiis ako para makapagpatapos ng anak sa College.”

Tinanong ko siya kung pang-ilang taon na niya di makakauwi. Sinagot niya ako na naka – 2 taon na at since every 2 years vacation niya, hintay pa uli siya ng 24 months dito.

Lihim akong humanga ke Yul. Siya ang larawan ng isang mapagmahal at responsableng  ama na walang hinangad kundi ang kabutihan at kaginhawahan ng pamilya. 

“Sir, laro tayo sa Huwebes ng umaga ha. Galaw galaw (exercise) para di mastroke. Kailangan tayo ng pamilya natin, kaya kailangan malusog tayo, sa isip, sa wika at sa gawa ” ang huli niyang sabi sa akin na me kasamang saludo ng boy scout bago ako lumabas ng lobby.

—-00000—-

“Cause when you are with me I am free. I’m careless, I believe. Above all the others we’ll fly. This brings tears to my eyes. My sacrifice, My sacrifice” (Creed)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s