Raket

When I was in High School (in the 70s), me and my best friend Dennis hatched a scheme so we can accumulate pad papers. Noon kasi, pad papers ay kayamanan. Pag me quiz, labasan ng 1/4 or 1/2 na intermediate pad paper. Pagandahan pa iyon, pamahalan, paputian ng pad. Sometimes nga, naikoconnect namin sa me ari ang pad paper e. The more puti the me ari, the more puti his/her pad paper.

At sari-sari ring pabonggahan ng 1/4 or 1/2 na pad papers. Those who can afford ay iyong ready cut nang 1/4 or 1/2 pad papers, iyon namang katulad ko na nanggaling sa linang (iyan ang tawag sa baryo), anak ng maglulukad (magkokopra) ay nagtitiyagang punitin dahan dahan ang whole size na pad into 4 or into 2.

At iyan ang inaabangan namin, iyong me magpuputol. Kasi siyempre saan niya dadalhin iyong 3/4 kung 1/4 lang kailangan or ung 1/2 kung 1/2 naman ang kailangan. So, ready lagi ang aming pandinig sa mga nagpupunit at sasabihing, akin na ang 1/4  or 1/2 ha. In short, nakakapasa kami sa quiz sa panghihingi ng papel.

But, later nahahalata na kami ng aming mga kaklase, kaya medyo nagtatago na or ready na ang kanilang mga papel. Kahit na anong linis namin sa aming tenga talagang di na kami makarinig ng nagpupunit ng papel. Kaya umisip kami ng raket.

E nung panahong iyon me jueteng na. Ang ginawa namin ay nagpataya kami ng pad paper, style jueteng. Ang 1/4 mo manalo ng 5 whole pad papers at ang aming bangkero ay ang pinsan ni Dennis na si Ikee. Ang numero ng tumama ay kung ano ang tumama sa lokal na jueteng.

Nanagana kami sa pad paper for 2 weeks kasi walang tumama. Then, ayaw na tumaya ng mga kaklase namin after that.

That early, I found I have a knack for sales and marketing.

—-00000—-

“Shall we agree that just this once I’m gonna change my life. Until it’s just as tiny or important as you like?” Elvis Costello and Aimee Mann

1 Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s