Eerie Airy (in Tagalog – “Makapanindig Balahibong Kayabangan)

I was invited by a friend sa birthday party ng kanyang anak na lalake mga 9 months na nakakaraan. Hindi ko sana gustong pumunta kasi tiyak na puro pahangin na naman kako sa sarili ko ang gagawin nito sa akin.

He is one of those who we call isang continuously surviving when they were still in Pinas. But then, nakakuha ng maayos na work dito sa abroad at guminhawa ang pamumuhay. Kasama niya ang pamilya niya rito at choice din ang circle of friends nila. But one thing na napuna ko sa kanya, kung gaano siya kahumble sa Pinas, kabaligtaran ang ugali niya pagdating dito.

True to what I feared, pagpasok ko sa bahay nila, ipinagparangya niya sa akin ang kanyang bagong 40 inches na LCD TV at ang bagong Videocam. Ganun din pinilit niyang mapansin ko ang kanyang bagong cellphone by sunod sunod na pagtitext sa kanyang mga friends. Nang di ko pinansin, ipinakita talaga niya sa akin at sinabing ang galing daw ng kanyang cellphone, Android 2.3 na. Sagot ko naman, I am so contented with my 3 years old HTC-S20 kahit Windows system ito.

Another friend came, and I saw it as a chance to come out of our conversation and went to the table. Kumuha ako ng pagkain and I sat down in a corner at bumira ng kain.

His wife came with a friend in tow and sat down beside me. Ipinakilala sa akin ang kaibigan na misis daw nang isa kong kakilala. Ang sumunod na paguusap ang nakapagpadugo sa aking tenga.

“Mare, alam mo nag-open ako ng another account sa Pinas. Inilipat ko iyong P2 Million namin from Metro Bank to BDO. Magaling daw ang BDO e”

“Ay uu nga mare, magaling sa BDO. Meron na nga kaming P4.2 Million nakadeposit doon”

(Sa isip isip ko, how can they have such amount e alam ko ang sahod ng kanilang asa-asawa. Besides, ang kanilang buong pamilya ay narito and they were only 3 and 4 years respectively dito sa Saudi. Sinagot ako ng isip ko: Pakialam mo!)

“Alam mo mare, pagbakasyon namin sa March, pababakuran ko na iyong nabili naming 4,000 sq meters property sa Antipolo.”

“Kami rin ni pare mare. Balak namin patayuan na ng bahay bakasyunan iyong nabili naming half hectare property sa Bulacan. Naghahanap lang kami ng mahusay na arkitekto.”

Ang lakas ng boses nung dalawa, which I am sure ay dinig ng halos lahat ng naroroon. Ang dami pa nilang pinagusapan na mga tungkol sa mga luxuries, vacation sa ibang bansa, atbpa na aakalain mong si Jinkee Pacquiao at Ruffa Gutierrez ang naguusap. Nakakalula ang mga halaga ng mga pinaguusapan. Aayaw patalo sa isa’t isa. Pag nagsabi ng kayabangan iyong isa, magsasabi ng mas malaki o mas mataas iyong isa.

A case of KSP? Or nag-ilusyon lang?

Buti walang kidnaper o holdaper na nakarinig ng pinaguusapan nila.

After eating, nagpaalam na ako. Mahirap na.  Baka magka – indigestion.

By the way, my friend was kicked out by their company 3 months ago while his friend’s contract was not renewed 4 months ago. Nasa pinas na sila ngayon pati pamilya nila.

—-00000—-

“Early man walked away. As modern man took control. There mind’s weren’t all the same (and) to conquer was their goal. So he built his great empire. And he slaughtered his own kind (and) he died a confused man (he) killed himself in his own mind. We’re all gonna die, with our own arrogance.” (Sublime)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s