Ang Kahulugan

On my second day here in the gulf, I was feeling down and defeated. Tinanong ko ang Diyos, what am I doing here. Ano ang pagkakamali kong nagawa at ako ay napatapon (yes, iyan ang feeling ko.. napatapon) sa lupaing ito na ang ibang lahi ay di nakakakilala ng paggalang sa kapuwa at ng kalinisan ng katawan.

Binalikan ko ang aking work life sa pinas. Ako ay may magandang trabaho, VP sa Sales, Marketing and Business Development ng isang malaking kompanya, may masayang komunidad na kristiyano, iginagalang sa educational community (professor sa MBA at lecturer sa mga corporate seminars), me naitatag na educational foundation para sa mahihirap at maraming mga social activities lalo na at nauukol sa kawanggawa. Hindi man kalakihan ang sahod ko kahit na mataas ang puwesto, idagdag pa ang maraming mga deductions at taxes, ngunit di ko naman nakakaligtaan ang mga tungkuling pangkawanggawa at nabubuhay ng maayos ang aking pamilya.

Ito ang aking labis na ikinalungkot, to the point na parang nanunumbat na ako ke Lord. I have been fighting mga katiwalian at mga panglalamang sa aming kompanya eversince. And when another group entered our company, I became a marked man because in their words “I don’t care about your HIB – Honesty, Integrity and Brilliancy or how good you are in the job. Sagabal ka sa aking mga plano” Lumaganap ang mga kalokohan hanggang ito ay di ko na kayang labanan, dahil mismong ilang mga tao na ang tingin ko ay loyal sa akin ay “nabili” na. I felt so disappointed at myself. Bakit ako tinalo ng masama?  Tinatanong ko ang Diyos “bakit ako narito?”. But like a true follower of God, I know na mayroon siyang role na ibibigay sa akin dito.

Then, it came to me that ang Diyos ay ibababa ka upang ikaw ay tumaas, basta sundin lang ang kanyang mga utos or simply put: “Just Do Good”. So tutok ako sa work, pinagaralan ko ang merkado, ang mga kalaban, ang kompanya, ang produkto, nakipagkaibigan sa lahat, nakakuha ng mga impormasyon sa mga projects, at iniapply ko ang aking natutuhan, karanasan at expertise sa work. Maraming kontra at balakid, ang mga kontra una una ay sa dahilang ayaw nilang lumabas sa kung saan sila komportable. Ang masakit pa, kapuwa pinoy ang una unang balakid dahil matagal na siya rito, naging MBA na rin sya tulad ng mga ibang lahi (MBA – Manager By Accident). In short, maiexpose na wala silang alam dahil sa aking mga makabagong approach at stratehiya. Resistance sa pagbabago dahil sa kakapusan ng kakayahan at katamaran na matuto ng bagong pamamaraan.

For 1 month, ganun ang pakiramdam ko. Depression caught me. Then, in one Intercessionary Prayer (IP) session, I requested my prayer partner to ask God to give me sign for the answer sa aking question. Para kasing gusto ko nang bumigay. Although, the fighter in me kept going on. Ang tanong ko kasi ke God, paano na ang aming Church, ang aming Foundation, paano ako makakatulong sa kapuwa ko, iyong mga umaasa sa akin. Namimiss ko ang pamilya ko. Somehow, after that prayer lumuwag ang pakiramdam ko.

Two weeks after that IP meeting, I managed to get a big project in a developing city west  of this country. Noong una, maraming komontra when I was negotiating for the contract. Kasi nga malaking project, mataas na technology ang involved at mataas ding antas ng pamamahala ang kailangan, which I felt hindi nila kakayahin kaya me nangongontra. I explained that bakit kami nagtitiyaga sa maliliit na projects, say 5 small projects to be handled by 1 project manager, when we can have 1 big project to be handled by the same project manager with a huge return. Law of cost dilution ang iniapply ko , i.e. pinasahod mo ang project manager mo for a small return, so malaking return kunin mo, you dilute the cost attributed to your project manager and other fixed costs. Good that the owners were supportive at nakita nila ang objective ko.

The answer to my questions, kung ano ang papel ko rito, at kung paano ako makakatulong sa kapuwa ko came when we got this big project, and the first big project ng company namin (at nasundan pa, now we are catering only to big projects).

We employed about 100 Filipino employees for this project. 100 pinoy na nabigyan ng pagasa ang pamilya, makapagaral ang anak, maipagamot ang me sakit, makaipon para sa bahay, atbpa.

Ito pala ang ibig sabihin ng pagkakalagay ni Lord sa akin sa lupaing ito. I felt meaningful ang buhay ko rito. On top of that I became involved in a number of community activities, di lang sa kapuwa Filipino. I also found mga kalaro sa basketball, sa tennis, sa swimming at marami ang guston ipahandle sa akin ang team nila ng basketball. And the best of all, I was tasked to spread the teachings of God. Through the church and through my examples.

Nang dumating ako rito ay about 250 pa lang ang pinoy sa kompanya namin. Ngayon ay about 800 na.

—-00000—-

“For the world You love. Your will be done. Let Your will be done in me. Like the rising sun that shines. From the darkness comes a light. I hear Your voice say. This is my awakening” (Hillsong United)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s