Slipped away

Noong ako ay nasa dati kong kompanya sa pinas, I required Sales Managers and Sales Engineers na maassign sa bawat sales areas. Merong dalawang sales areas na hindi nafill up ang required na tao, so, natural bilang Boss ay ako ang naging Sales Manager nung isang area at doon sa isang area ay tulong kami ng Sales Manager sa pagiging Sales Engineer.

Maganda ang benta ng area at naging mas mataas pa kaysa dati, but it was eating up my time. Patuloy naman kaming naghahanap ng tao para roon, dahil talagang kailangang may nakatutok nang Sales Manager doon.

Every first Wednesday of the month ay nirerelease ang commission ng mga tao ko (Sales Managers and Sales Engineers). Ako ay nagulat ng tawagin ako ng Cashier at sinabing may Check ako roon for my commission. Actually, ako ay hindi tumatanggap ng commission. My position is not entitled to a commission being in the top management. Pinuntahan ko ang Cashier at ibinigay niya sa akin ang Check at pinasasign ako sa Voucher, pero sabi ko di ko muna pirmahan. The check was worth P 48,250 at during that time (1999) napakalaking halaga nito. Nakalagay doon sa Voucher ay “Commission for the Sales Manager of the area for the month of June” at me dagdag pa “for performing the duties of the Sales Manager”. Which also means sa mga susunod pang buwan ay magkakaroon pa ako ng ganitong halaga. Natukso tuloy akong huwag nang maghire ng Sales Manager for the area.

Matagal kong tinitigan ang check, at ang halagang nakalagay dito. Mga 15 minutos na nagisip. Kumuha ako ng yellow pad (ito pa ang usong writing paper sa mga opisina nung panahong iyon) at sumulat ako sa aming company President na Hapon. Sinabi ko na with full respect ay hindi ko matatanggap ang check na iyon dahil bahagi ng aking responsibilidad ang mag-take over sa anumang bakante o kakulangan sa aking area of responsibility. Ewan ko ba kung ano ang naisip ko at nung oras na iyon din at ang sulat ay pina photo copy ko sa aking Secretary.

Ibinalik ko ang check sa cashier with my sulat at sinabi ko na isoli sa Finance.

Magaan ang kalooban ko ng araw na iyon. Masaya at panatag.

After 2 days, nalaman ko na ang mga kasamahan ko sa management ay nagkakalat ng balitang makapal daw ang mukha ko at kumuha ako ng commission samantalang di raw naman ako entitled.

Di na ako kumibo. Ang Secretary ko ang di nakatiis. Ang photocopy ng aking sulat ay kinopya uli niya at ipinakita sa mga taong iyon at sinabing “hindi ninyo katulad ang Boss ko na pera pera lang ang hangad.”

Pinayuhan ko siya na kanya kanyang buhay, kanya kanyang paniniwala, kanya kanyang dinidiyos. Huwag siyang bumaba sa level ng mga taong ganun.

Sabi naman ng kaibigan ko, “tinanggap mo na lang sana, ang laking pera nun, hayaan mo silang magtsismisan, inggit lang mga iyon.”

I let the opportunity ng kumita ng malaki kahit hindi dapat passed away.

 But I have maintained my integrity and dignity in the eyes of God.

—-00000—-

 “Look, if you had, one shot, or one opportunity
To seize everything you ever wanted, one moment
Would you capture it? Or just let it slip, yo.” (Eminem)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s