We want to go home!

Sa pakikisalamuha ko sa mga kapuwa ko pinoy dito sa bansang ito, marami akong nakuhang mga aral at puna sa mga kapuwa pinoy. Karaniwan na reklamo ay ang tungkol sa sahod at ang pagkukumpara sa ibang lahi partikular na ang mga Indian, na kung tawagin dito ay itik. Itik, kasi marahil ay napakadaldal at napakaingay ng kanilang lenggwahe, para ngang itik pag naguusap.

Unang kadahilanan kung bakit daw mababa ang sahod nila ay dahil ito ang kanilang napagkasunduan noong sila ay nirerecruit. Ang payo ko, sa susunod na magapply ka, be sure alam mo kung paano ka makipagbargain, alam mo ang kakayahan mo. Ang sagot naman sa akin, e paano kailangang kailangan ko na nang trabaho e. Ang balik kong tanong ay, bakit kailangang kailangan mong magtrabaho e samantalang halos 10 years ka nang nagtatrabaho sa abroad. Ubos na raw naipon.

There lies the problem. Sabi nga nung isang manager ng Aramco na nakausap ko.  “You know you Filipinos are the best workers, that is why you will observe that when we require manpower, we always put Filipinos as our priority. The problem lies in your dependability. You see, Filipinos will work like horse for 2 years, earn and save money, then go home rich. Then, spend the saved money as if there’s no tomorrow, then 1 day will decide again to come back and work. But, he has already wasted precious time and could have been promoted or have received increase in salary. You Filipinos just leave.” Puwede akong makipagtalo sa kanya, pero, I respect his opinion of us.

Isa pang problema na madalas kong marinig ay ang pamilya sa pinas. Okay lang kung iyong pamilya mo, pero naiextend ito dahil bukod sa nanay, tatay, asawa at mga anak, ayan pa si utol na lalake, utol na babae, na kahit may mga pamilya na ay ke saudi boy pa umaasa. Idagdag mo pa si tiyo, si tiya, si pamangkin, and eventually you will have the whole baranggay na umaasa sa pobreng manggagawa.

The workers here have promoted indolence, a culture of mendicancy. Naghihintay na palagi ng padala from kuya, tatay o tiyo na nasa abroad. Si kuya pabaskebasketball, patambay tambay, si ate pagimik gimik, me panggastos naman e. Galing sa abroad. Lumalala pa ito kapag nalaman ng barkada ni kuya, ni ate, ni tatay o ni tito na nasa abroad si kuya-anak-pamangkin.

Kaya di mo rin puwedeng sisihin ang ating gobyerno sa kahirapan ng buhay. We become manghihingi, palaasa, mendicants and indolents. Maraming factors kung bakit ang mga pinoy ay naging indolhente. Una na ang talamak na pulitika. The politicians themselves are creating this culture through dole-outs, pamimigay ng kung anu ano, instead of mapping out platforms for creating jobs. Ikalawa ay ang kultura ng pagiging subservient (tagasunod) natin dahil sa mga sumakop sa atin. Ikatlo ay ang teknolohiya. Ginagawa tayong lahi na “obsessive”. Dahil dito, nais lagi natin ay ang pinakamadaling paraan, ang manghingi o ang magnakaw. At panghuli ang kultura ng pagtitiis na ipinamana sa atin ng relihiyong katolisismo. Tiis tayo at darating din ang biyaya, pero di naman gumagawa. At again back to no. 1 ang pagsasamantala ng mga pulitiko sa matiising mga pinoy.

Jose Rizal in his essay “The Indolence of the Filipino People” remarked:

“How then, and in what way, was that active and enterprising infidel native of ancient times converted into the lazy and indolent Christian, as our contemporary writer’s say? We have already spoken of the more or less latent predisposition which exists in the Philippines toward indolence, and which must exist everywhere, in the whole world, in all men, because we all hate work more or less, as it may be more or less hard, more or less unproductive. The dolce far niente of the Italian, the rascarse la barriga of the Spaniard, the supreme aspiration of the bourgeois to live on his income in peace and tranquility, attest this.

……..We can reduce all these causes to two classes: to defects of training and lack of national sentiment.”

Totoo iyon, una na ang edukasyon, ikalawa ang iisang damdamin sa bansa.

Maraming mga OFWs ang kulang ang edukasyon sa tamang paggasta, pamumuhay at paghahanda sa kinabukasan. Edukasyon din ang kailangan ng kanilang mga pamilya upang lubos na maunawaan ang paghihirap at lungkot na dinaranas ng kanilang ama, kuya o pamangkin.

Iisang damdamin? Watak watak tayo diyan. Tingnan mo na lang sa mga dyaryo, sa mga columns, sangkatutak ang mga comments. At pag babasahin mo, bangay bangay, to the point na nagmumurahan, naglalaitan. Lahat sinasabi na gustong umunlad ang pinas, pero kung magdiskusyunan. At maging ang mga isyu tungkol sa kasarian ni Piolo Pascual at ang kabuktutan ni DJ Mo ay pinagtatalunan. (Sabagay, kung sa padapuan nga ng langaw o away gagamba, katalo na e).

Nalulungkot ako sa nakikita ko sa mga kasamahan kong OFW dito. Ang hirap sa trabaho, pakikitungo sa mga katrabahong ibang lahi, idagdag mo pa ang pagtitiis sa amoy ng ibang lahi, ang kalungkutan pag nasa accommodation, ang pagkain na walang kasalo, pagdyajogging na solo, pagkakasakit na walang nagaalaga at maging ang hirap sa pagpila sa pagpapadala ng pera (that is another story).

Pinoy’s at home, tulungan natin ang mga OFW na makauwi na. Wala nang bangayan please. Let us work together na. Enough of talks. Let us now have the attitude of richness. Not of mendicancy.

—-00000—-

“Now I’ve grown to aware of my mortality. To let go and forget about dying
Long enough to drop the hammer down. And let the indolence go wild and flying through. Because we had to.” (The Avett Brothers) 

2 Comments

  1. well, people ALWAYS strive for superiority. hindi lang po jan, kahit dito din sa Pinas, madami ding matakaw sa posisyon, hindi naman kaya ang responsibilidad. and ang tendency is to blame other people for their own mistakes. 2nd, people here think that working overseas will lift them from the miry situation they are in… or improve their lives…. un nga lang po, ang nangyayari ay ganyan, banker ng buong baranggay at pag uwi mo, madami ka nang kumpare… hehehe

  2. Tumbok na tumbok ninyo. Sa aming baranggay na lang, sa Biyernes – Sabado – Linggo pagdating ng hapon, makikita mo na maglalabasan na ng mesa sa harap bahay. Akala mo me fiest. Pero inuman na pala. Si Tatay, si Kuya, barkada, kumpare… at mamahalin pa ang iniinom. Kanino galing ang ipinang-iinom? Kay anak na nasa abroad. Tapos mga anak ni abroad boy nasa galaan, nasa gimikan. Pagdating ng mga petsa 28 na ng buwan, mga nakatunganga na. Hinihintay ang a-uno para sa padala ni abroad boy. At dahil sa may inaasahan, hindi maghahanap ng trabaho. Tapos, dahil tambay, ang pakikialam sa iba ang gagawin. Babatikusin na ang lahat. Tama kayo, pumunta ka lang sa Philstar o sa Inquirer page, pagkabasa mo ng balita, makikita mo ang mga damuho. Ang gagaling bumatikos at nagmumura pa. Kailan kaya titino ang mga Pinoy.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s