Gone Fishing. Have Dinner.

Isang araw ng Huwebes, wala kaming pasok, nakasabay ko sa pagbaba ng hagdan ng accommodation ng mga empleyado ng aming kompanya na nakaassign sa Saudi Aramco si Mang Nick, isang Safety Officer at magpipitong taon na sa kompanya.

“Mukhang hipon ang bitbit mo a Mang Nick, ” ang bati ko sa kanya.

“A oo Sir. Bumili ako ng isang kilo. Pamain. Mamimingwit kasi kami ngayon. Galing ka ba ke Ricky?” ang sagot niya sa akin. Si Ricky ay ang una kong nakasama sa kompanya nang ako ay bagong dating dito. Sa kanyang flat muna ako tumira ng ilang linggo bago ako napalipat sa accommodation ng mga officers ng kompanya. Paminsan minsan ay dinadalaw ko si Ricky, katulad ngayon dahil namimiss ko ang samahan namin at ng mga pinoy sa kanilang accommodation. 630am pa lang ay nasa kanila na ako at nagalmusal kami.

“Oo Mang Nick, pero sandali lang ako kasi paalis siya. Me iniutos ang Boss niya. Balik na lang ako mamaya.” Ang sagot ko sa kanya.

“Sige Sir. Balik ka ng Dinner Time. Sa amin ka maghapunan. Tiyak na sa dami ng hipon na ito, marami akong mahuhuli. Iyon ang iuulam natin.” Ang alok niya sa akin.

“Sige Mang Nick, babalik ako mamayang mga 7pm.” Ang sagot ko sa kanya.

Since maaga pa naman, ay umuwi muna ako sa aking flat at naglinis ng buong kabahayan. Apat na kanto ang layo ng tirahan nila sa amin kaya madali lang lakarin ito. In fact, tuwing umaga ay sa apat na blokeng ito ako nagjojogging dahil baka malate pa ako kung dadayo pa ako sa tabing dagat. Si Mang Nick nga pala ay kalapit ng flat nina Ricky at siya ang nagpahiram sa akin ng 300 riyals noong ako ay bagong dating, dahil alam daw niya na wala pa akong sahod.

Alas sais ng gabi ay lumakad na ako papunta sa accommodation nina Ricky. Nasa 3rd Floor ang flat nina Ricky, pero bago pa ako makarating sa kanya ay sinalubong na ako ni Mang Nick at sinabing maghapunan muna bago ako pumunta ke Ricky. Pumayag ako at naisip ko na sariwang huli tiyak ang aming hapunan.

Masarap ang aming hapunan.

SINIGANG NA HIPON ang ulam.

—-00000—-

“Sari-saring pangyayari pa ang iyong makikita. Sari-saring bagay-bagay pa na mas mahalaga.
Ngayo’y sabihin mo kung hindi ka pa kuntento. Marami pang magaganap dito sa pagikot ng mundo.” (Siakol) 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s