A Father’s Pride

Umalis ako ng pinas to work abroad ng mga late 2006. I left behind a successful career as the VP Marketing and Business Development ng isang multinational company, ang pagiging part time professor (Marketing Management, Business Policy for MBA) and lecturer (corporate lecturer in Team Building, Leadership and Management), isang lumalakas na educational foundation and a committed church. Me offer sa akin ang kalaban ng dati kong kompanya na mas maganda pa nga ang benefits kesa sa ibinibigay ng dati kong kompanya. Pero ayaw ko kalabanin ang dati kong kompanya at iba pang personal na dahilan including my safety, and I accepted the offer nga to work abroad.

One day in December, 2006 isinabay ko sa paggrogrocery ang pagbili ng babasahing pinoy tulad ng Philippine Star, Liwayway at Abante (pero di dahil ke Xerex Xaviera hehehe). Nung panahong iyon ay dumadayo pa kami sa internet cafe para makapaginternet at makapagbasa ng mga balita sa pinas. Kaya ang mga babasahing pinoy ay welcome na welcome sa aming magkakababayan. Mahal pa nung panahong iyon ang mga computers at ang magpakabit ng internet.

Nung sinundang araw, nagtext ang bunso kong anak na bumili raw ako ng Liwayway at meron daw akong mababasang ikakagulat ko. He was in second year High School that time at medyo popular siya dahil ma PR, makuwento, marunong din naman sa klase, athlete at higit sa lahat, sangayon sa kanya ay “gwaping”.

Pagkabayad ko ay binuklat ko ang Liwayway at hindi lang ako nagulat, kundi natuwa at naluha dahil naroon sa page 29 ang isang maikling kuwento na me pamagat na “Rubber Shoes” at nakasulat na ang me akda ay ang aking bunsong anak.

You should have seen my joys that very moment. Ang bawat pinoy na makasalubong ko papalabas ng grocery ay ipinakita ko ang page ng Liwayway na naroon ang kuwento niya at sinabi ko na “kabayan, bili kayo ng Liwayway, basahin ninyo ang kuwento ng anak ko, heto o”

That moment defined my pride to have sons like him at ang kuya niya.

N.B. – Synopsis ng Rubber Shoes

Ang maikling kuwento ay inilahad ng pasalaysay ng may-akda (first person account). Second year high school ang nagkukuwento at meron siyang isang kaklase at matalik na kaibigan, si Berting, anak mahirap pero matalino at masikap. Naging magandang impluwensiya sa kanya ang kaibigan dahil dito niya natutuhang magsikap at mahalin ang pagaaral.

Nagkaroon ng tryout ang second year level para bumuo ng volleyball team at alam ng nagsasalaysay na magaling si Berting kaya ito ay kanyang inaya. Noon una ay ayaw ni Berting dahil tiyak na di papayag ang kanyang ama. Isa pa ang gagastusin para dito at wala siyang magagamit na rubber shoes. Inako ng nagsasalaysay ang pagpapaalam sa ama ni Berting at ang isusuot na rubber shoes. Dinala nga nang nagsasalaysay ang rubber shoes ke Berting at sinabing sabay silang magtryout pagdating nga alas kuwatro. Pero nawala si Berting pagkatapos ng klase at ang ginawa ng nagsasalysay ay pinuntahan ito sa kanilang bahay sa sapantahang ito ay umuwi na.

Narating ng nagsasalysay ang barong-barong na tirahan nina Berting at naantala ang kanyang pagkatok ng marinig ang boses ni Berting at ng kanyang kapatid. Sinilip niya sa bintana at nakita niya na ang rubber shoes na ibinigay niya kay Berting ay ipinasusuot sa kanyang kapatid na may polio at sinabing may magagamit na ito pagsimba sa Linggo. Ang ibinigay niyang rubber shoes na panlaro ni Berting ay naging isang simbolo ng pagasa para sa kuya nito na may kapansanan.

—-00000—-

“Hayaan mong bigyan na lang ng pagmamahal. Katulad ng sinadya ng maykapal. Mahirap man o may kaya
Maputi, kayumanggi. At kahit ano mang uri ka pa. Sa ‘yo ang mundo pag bata ka” (Apo Hiking Society)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s