My first taste of being a DJ

Pagka-graduate ko ng High School, ako ay pinapag-aral ng tatay ko sa Lucena City sa tulong na rin ng Ninong Mike ko na nakatira sa loob ng compound ng Luzonian University (Enverga University ngayon). Kina Ninong Mike ako nakatira at nagsilbing older brother ng aking kinakapatid.

Napakaclose ng samahan namin ni Ninong Mike noon. Una, palibhasa at kami ni Ninong Mike ay bihirang magkita at iyon ang time na kami ay naging parang mag-ama. Ikalawa, nagtagpo ang aming mga ideologies. He is a writer noon sa mga magazines, at me aklat na ring nalatahala. Kadalasan kami ay naguusap sa mga paksang nauukol sa gobyerno at sa pamumuhay sa Pilipinas. Panahon iyon ng Martial Law at napakaraming mga katiwalian, paninikil sa karapatang pantao at mga pangaabuso na aming napapagdiskusyunan. Sa kanya ko unang natutuhan ang salitang Malakanya, Lutong Makoy, atbpa.

Sa kurso kong Radio Communications, isang vocational na aralin na lingid sa kaalaman ng Tatay ko ay iyon ang kinuha ko kahit na ako ay pina-enrol niya ng Civil Engineering. Naisip ko noon, ano ang ipantutustos ni Tatay sa aking pag-aaral, baka kalahating semester pa lang ay maglupasay na siya sa kursong Civil Engineering. I decided to shift to Radio Communications, isang 1 year course dahil ang balak ko ay kumuha ng Board Exam para ako ay makapagtrabaho bilang Radio Operator sa barko.

End of First Semester ay flat 1.0 ang lahat ng grades ko except sa Radio Laws where I was 1.25. Ang aking telegraphic transmittance ay above 80wpm, which is napakabilis at hindi na kayang ireceive ng professor namin. Sa receiving naman ay 60wpm, which is pinakamabilis din na transmittance ng aming professor. Kung merong mas mabilis doon palagay ko ay kaya ko pa. So, buhay na buhay ang pangarap ko dahil kahit sa Electronics Engineering subject at sa Trouble shooting ay angat na angat ako. Naging scholar ako ng school ng second semester dahil sa grades ko.

Part ng aming Radio Communications course ay ang subject sa broadcasting. Ito ay para praktikal na maintindihan namin ang mga sections ng isang istasyon ng radyo. At kasama rito ang isang educational trip sa isang Radio Station sa Lucena, ang DZLT. Excited kami lahat, dahil noong panahong iyon ay talagang popular ang mga programa sa AM stations na tungkol sa music. Those were the days of the Beegees, Tavares, Chicago, Spinners, at sa local naman ay Jose Mari Chan, Bunny Channel (Helen Gamboa), and of course Victor Wood. Ako ang pinaka-excited sa lahat dahil ako ang napili ng aming klase na uupo bilang co-DJ sa isang music program na panghapon. Ako raw kasi ang may boses pang DJ. So, naschedule kami ng sumunod na week for that educational trip.

That weekend, umuwi ako ng baryo namin (that time ay 3 hours bus ride from Lucena to our town, tapos 30 mins jeepney ride papunta sa aming baryo). Tuwang tuwa ako na sinabi ke Nanay at Tatay na magsasalita ako sa radyo, at sinabi kong mag-tune in sa DZLT ng 3:00 to 4:00 PM sa araw ng Martes. Pati kapitbahay, kabarkada, kasamahan ni Tatay sa school, halos buong baryo ay inaya namin na makinig. (Panahong iyon ay napakalaking honor iyon, sikat ka).

The day ng educational trip namin ay dumating. We arrived sa radio station ng 2PM at we were briefed on the equipment and its functions. Then, at about 3:15PM, I was asked to enter the DJ booth with Billy Regaza, the DJ. So nagpatugtog siya ng “Sideshow” ng Blue Magic” at “Charade” ng Beegees, pero di pa rin ako pinagsasalita. Siya lang ng siya. Habang tinutugtog ang “Refrain” ni Jose Mari Chan, sinabihan niya ako na humanda at magsasalita na ako. Pag senyas daw niya sa akin ay GO, magsalita ako. Bahala na raw ako. I was assuming na katulad ng sinasabi niya na “mga masugid na tagasubaybay, ang susunod na awitin ay…… etc, etc.”

So hintay ako. Immediately after ng “Refrain” nagsalita siya.. ” at iyan po mga tagasubaybay ang madamdaming awitin ni Jose Mari Chan na inihahandog po natin kay Myrna Coloma ng Rizal Street, Tagkawayan, Quezon. Ang paghahandog ay nagbuhat sa nagmamahal na si Abner Montes.” Tapos sabay senyas sa akin na humanda. Sinundan niya ito ng “at ang atin pong oras sa hudyat ay………” tuloy senyas sa akin na magsalita.

(TING) “Ikatlo at kalahati ng hapon”…….ang aking sinabi. Iyon lang pala ang sasabihin ko, naghanda pa naman ako ng husto.

Pag-uwi ko sa aming baryo, sabi sa akin ng Tatay at Nanay ko at ng lahat halos ng mga tao na di naman nila ako narinig sa radyo.

Sinagot ko na lang na. “Hindi po natuloy”

—-00000—-

“Sometimes I scream late at night in my head. In vain to release the frustrations
And I find no solace in the knowledge and lore. That is at the heart of my coping with life” (Soft Cell)

1 Comment

  1. Pingback: Marvin Agustin happy to be a freelance actor; has no plans yet to join Kapatid network | Freelance

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s