Martilyo

Nakagawian ko na ang maglakad sa gabi papuntang bayan bilang exercise ko kapag ang oras ko ay medyo gipit na. Normally, nakakalabas ako ng office ng 6 to 7 at nasa bahay naman ako ng 7 to 8. Abnormally, 9 to 10 ako nakakauwi lalo na kung me mga hinahabol na proposals para sa bidding e ako ang last line of review. So, kung matapos ng estimation before maguwian ng 6pm, dadaan pa sa ilang kamay for review tapos, depende sa bilis ng review, makakarating sa akin ng mga 9 na. Pinakamaaga iyon.

Sa aking paglalakad papuntang bayan, di ko nakakaligtaan ang dalhin ang aking ever reliable na Diadora backpack at me laman itong martilyo, air freshener (iyong spray) at screw driver. Ito ay bilang pananggalang ko sa kung sino manalbahe. Although dito naman e bihirang bihira iyong me mananakit sa iyo. Ang martilyo, air freshener at screwdriver kasi ay di naman sitahin kahit na magrekisa ng bag. Ang martilyo pamukpok, ang air freshener pangspray sa mata kung magigipit at ang screw driver ay malakas na pananggalang kapag dikitan.

Naglalakad ako papuntang bayan dahil sa exercise, at para naman may motivation ako, bibili ako ng 3 riyals tinapay o gulay bilang purpose ko pagpunta ng bayan. Then, after that uuwi na ako. May 3 km na rin nalakad ko nun balikan.

Isang gabi, nasa me tapat ako ng isang arabic restaurant ng me sumabay sa aking isang Indian. Malaking lalaki ung Indian, pero nakangiti sa akin at sabi pa ay “how are you pare?” to which I answered “okay lang pare”. Then he followed with “it’s a humid night right?”. Bago ako nakasagot ay yumuko siya at me pinulot sa daanan namin. “It’s our luck pare. Look at this. Somebody could have dropped this. Don’t look pare and don’t tell anybody.” Isang bungkos ito ng saudi riyals, mga tig pa-500 siguro kasi ang nasa ibabaw ay 500.

“Pare, don’t tell anybody we found this. I will give you 10,000 riyals, half of this amount.” sabi niya sa akin. Bigla nagpaikot ikot ang utak ko. 10,000 riyals is P120,000 sa perang pinoy. Napulot lang. Sinagot ko siya na tuloy tuloy ang lakad ko”Awww pare, don’t fool me. You just picked a bunch of riyals and told me i can take half. How did you know that half of that bunch is 10,000 riyals. You even have not opened that bunch.” sabi ko sa kanya ng biglang me humarang sa amin. “Did you find a bunch of money that fell on my pocket?” Tuloy tuloy ako. Tapos kinausap uli ako nung Indian. “Pare, I have my car there, common, let us go to our office. It’s very near. I will give you the 10,000 riyals in our office so nobody can see.” Sabi ko, “Leave me alone or I will call the police.” Pero ang kulit.

Tapos iyong nagtatanong kung napulot namin iyong pera niya ay hinarang ako at ang sabi, “you go with us pare.” Inilabas ko ang martilyo at ang air freshener, sabay pukpok ko sa poste. “Okay, try coming near me and I’ll hammer you down like a 4 inch nail”.

Tumakbo iyong dalawa.

Ang leksyon dito ay hindi iyong pagdadala ko ng martilyo, air freshener at screw driver. Ang leksyon dito ay iyong hindi ako napatukso sa tawag ng pera, sa biglang pera. Kung nasilaw ako sa alok nila, malamang sumama ako sa kanilang opisina raw, at sinalbahe ako, kinuha ang wallet ko.

A month after this incident, I heard a similar story sa me fish market naman. This time, sumama iyong pinoy at natangayan siya ng 1,500 riyals na laman ng kanyang wallet. Nasilaw siya sa kalahati nung napulot kuno na pera.

By the way, pag naglalakad pala ako papuntang bayan, sinisiguro kong ang laman lang ng wallet ko ay 5 riyals, barya pa.

—-00000—-

“Money, you’ve got lots of friends. Crowding round the door. When you’re gone, spending ends. They don’t come no more.” – (Billie Holiday)

Wag patutukso…

Nabasa ko ang tungkol sa isang OFW who was sentenced to five years at the Al Hair jail in Riyadh for picking up a lost Automated Teller Machine (ATM) card owned by an Arabian. Sinabi ng 34-year-old OFW na taga Caloocan City na nakita niya ang ATM card na nagjam sa ATM machine when he was about to withdraw his salary from his ATM account.

He was charged with stealing 75,000 Saudi rials, equivalent to P850,000, and according to him, he was tempted and tried to withdraw an amount. Nahuli siya sa pamamagitan ng pagkuha ng kanyang larawan through the surveillance camera ng ATM machine.

Nakakalungkot ang ganitong balita. Malaking dagok ito sa kanyang karangalan at ganun sa ating mga pinoy. Sa panig na ito ng mundo, ang pinoy ang nasa hulilhan ng line kung sa paghihinalaang gumawa ng pagnanakaw, o krimen. Kadalasan ay ang ibang lahi at ang pinoy ay lagi na lang napakataas ng pagtingin ng mga saudis. Medyo nabahiran ang ating pangalan dito.

Idagdag pa natin ang pagamin niya na siya ay natuksong magwithdraw sa hindi niya account. Kung atin kasing hihimayin, may dalawang basic na katanungan kung paano siya nakapagwithdraw:

1. Paano niya nalaman ang password? Di ba bako ka makapagpatuloy ng transakyon sa ATM ay tatanungin ka muna ng password mo?

2. Paano nakawithdraw ng ganun kalaking halaga sa isang bugso lang, e alam naman nating ang maximum na withdrawal sa isang araw ay 5,000 riyals.

Kaya tayo narito sa malayo ay upang magtrabaho. Bago tayo pumunta rito ay alam na natin ang kikitain natin dahil may negosasyon sa sahod bago tayo umalis ng pinas. Base dito, alam mo na kung paano ibabudget ang iyong sahod. Kaya nating mabuhay ng maayos, sagana at mapayapa kung tayo ay mamumuhay ayun sa ating kinikita… ika nga e “Live within you means.”

Ang tukso ay hindi confined lang sa Pilipinas dahil kay Eva Eugenio. Ang tukso ay nasa lahat ng sulok ng mundo. Kailangan natin ang ibayong paglaban dito, kailangan ang pagtitimpi, kailangan nakatuon ka sa objective mo sa buhay… at pagsisikap na ito ay makamit. Hindi sa madaling paraan.

Short cutting our dreams is sure cutting our dreams.

—-00000—-

Don’t let, don’t let, don’t let money rule you. For the love of money. Money can change people sometimes. Don’t let, don’t let, don’t let money fool you. Money can fool people sometimes People! Don’t let money, don’t let money change you, it will keep on changing, changing up your mind. – (The O’ Jays)

Habang tumatanda

Siguro, sa unang pagkakataon sa buhay ko, ngayon ko naranasan ang pagiging kung ano ang gusto ko. Hindi tungkol sa aking kaguwapuhan o sa aking katawan. Nakakalbo, may eyebags, me mga kulubot na sa noo, lumaki na ang tiyan.. at madalas akong nabibigla sa nakikita kong matandang lalaki sa salamin.

Habang ako ay tumatanda, napansin ko na nagiging mas mabait ako sa aking sarili, di na ako nagiging mapunahin sa sarili ko at kaya ko nang palampasin ang mga napupuna kong hindi maganda dito. Hindi na ako masyadong maselan sa paliligo, kahit sa pananamit di tulad noong una na konting lukot lang ay ayaw ko nang isuot. Hindi na rin ako nagagalit sa sarili ko kung hindi ko kayang bumili ng magagarang damit o kumain ng masasarap na pagkain. May karapatan na ako ngayon na maging magastos ng konti, maging di maayos sa aking higaan, o sa pinagkainan o maging sa aking kagamitan. Hindi na rin ako nagiging kalaban ng sarili ko kapag nais kong medyo magpatanghali ng bangon. Marami na akong mga kaibigan at kababata na nawala at alam ko na naiintindihan ng iba ang kalayaan na kakambal sa pagkakaedad.

Sinong may pakialam kung ako man ay nagbabasa, nagbabasketball, naglalaba o nagkcomputer kapag walang pasok? O kaya ay magvideoke at magsayaw ng nagiisa sa saliw ng mga tugtugin noong dekada 70 and at the same time, alalahanin ang kabataan, ang karanasan sa barkada, magka crush at ang mga kapilyuhan noong bata pa. Sino ang papansin sa akin kung ako man ay kasama ng mga katrabaho ko rito sa tabing dagat na kahit na nakausli ang tiyan sa pagtakbo ay puro paggalang ang aking naririnig instead of pagbati. “Kumusta po sir? Ay si Kuya o. Nagdyajogging ka rin pala rito Tatang? Palagi ka ba rito Lolo?” Oo, isang araw mga lekat kayo, tatanda rin kayo.

Oo, totoo na over the years the heart has been broken. Bakit hindi mabibiyak ang iyong puso sa pagkakahiwalay mo sa iyong mahal sa buhay, o kaya ay kung ang iyong anak ay nasaktan noong masagi ng tricycle at minura pa ng tricycle driver, o noong mahulog kayo sa hagdan nung sanggol pa ang panganay mo habang kalong mo ito at pinoprotektahan mo para di masaktan (masakit ang puwet ko noon sa pagtama sa bawat baytang, pero ang lekat na bata at pagtayo ko ng sahig ay tawa pa ng tawa) o noong ang iyong mahal na alagang aso ay nasagasaan ng sasakyan. Lahat tayo ay nangyayari ito? Nasasaktan tayo, nababasag ang puso sa ibat ibang sitwasyon at pamamaraan. Ngunit ang pusong nababasag ang siyang nagbibigay sa atin ng lakas, understanding, compassion at pagpapatawad. Ang isang puso na di nakaranas ng kabiguan ay matigas at manhid at hindi mararamdaman ang kaligayahan of being imperfect.

Ako ay labis na pinagpala na ako ay binigyan ng buhay  long enough to have my hair turn gray, makalbo at ang aking mga kasiyahan at pagtawa nang aking kabataan ay nakamarka sa aking mukha. Marami ang di naranasan ang tumawa at di na nila naabutan na magka uban o makalbo, at marami rin ang hindi nakalampas sa kalahating siglo ng buhay. Marami rin ang sa edad kong ito ay di na kaya ang makipagsabayan sa paglalaro ng 3 games of basketball, o 2 sets of tennis, jog for 2 km non stop at magswim ng continuously for 5 laps.

Habang ikaw ay tumatanda, nagiging madali ang pagtuon mo sa mga bagay na positibo. Nagiging focused ka at di mo na iniintindi kung ano ang sasabihin ng iyong kapuwa. Hindi mo na tinatanong o binabatikos ang iyong sarili. You have earned the right to be wrong and you are given the benefit of being wrong to be right.

Ang pagtanda ay hindi kinatatakutan. Hindi rin ito dapat na pagtakpan. Marami sa atin ang pinipilit itong pagtakpan sa pamamagitan ng pagmi-make up, pagsusuot ng wig, pag papaopera.. pero ang mga ito ay paimbabaw lamang. Meron pa nga riyan na mga 30 na lang hibla ng buhok, papahabain pa at pilit itatakip sa bandang tuktok. Hindi mo pa rin matatakasan ang iyong katandaan. Hindi mo pa rin kayang pagtakpan. Dahil ito ang katotohanan ng buhay… nang anumang bagay na may buhay. Diyos lamang ang hindi tumatanda.

Gusto ko ang aking pagtanda. Ako ay nagiging malaya. Gusto ko kung ano ako. Alam ko na hindi ako mabubuhay ng walang hanggan. Pero, habang ako ay narito sa mundo, hindi ko sasayangin ang aking panahon na panghinayangan ang mga lumipas ng panahon. Hindi ko pagsisisihan ang mga kabiguan at ang mga bagay na na di ko nagawa. Itutuon ko ang aking mga panahon sa pagiging masaya, pagiging reconciliable, pagiging matulungin, may respeto sa kapuwa at ibabahagi ko ang aking karanasan.. upang magsilbing gabay at leksyon sa mga kabataan. Siyempre rin, sa pag-aalaga at pananaway ng mga apo. Ang pananaway ang daan upang maging aktibo.

At patuloy kong kakainin ang paborito kong enseymada at pakinggan ang awiting IF.

—-00000—-

“And oh when I’m old and wise. Bitter words mean little to me. Autumn winds will blow right through me. And someday in the mist of time. When they asked me if I knew you. I’d smile and say you were a friend of mine. And the sadness would be lifted from my eyes. Oh when I’m old and wise” (Alan Parsons Project)

Kalayaan ng sarili

Sino ang nagapapatakbo ng buhay mo? Sino ang nagdidikta sa iyo ng maga dapat gawin? 

Karamihan sa atin ay ibang tao.. ang ating mga kamag-anak, kaibigan, katrabaho, ang lipunan ang ating simbahan maging ang ating sariling pamilya. Alam natin ito mula pa pagkabata, dahil tayo ay iminulat sa paniniwalang ang maramdaman mo na importante ka at tanggap ng iba ay napakagandang karanasan. Kaya ginagawa natin lahat ng paraan para tayo ay maging katanggap tanggap at hahangaan ng ibang kapuwa. Ayaw natin na tayo ay maetsa puwera sa pagiging kakaiba dahil ito ay di maganda sa pakiramdam. Ang ganitong kalagayan ay ating nadala hanggang sa tayo ay tumanda, nagiging dahilan upang tayo ay mainsecure sa buhay, lalo na sa a achivements ng ating kapuwa. .

Sabi nga ni Oscar Wilde, “Most people are other people. Their thoughts are someone else’s opinions, their lives a mimicry, their passions a quotation.”  Lahat tayo ay reflection ng ibang tao. Worse pa nga ay kung me inaidolize tayong tulad ng mga artista, mga sikat na personalidad..We want to be like them.

Gumagalaw ito ng  dalawang direction. Una, tayo ay takot na hindi tanggapin. TAma ba ang damit ko? Pagtatawanan ba ako ng ibang tao sa aking bisayang accent? Magmumukha ba akong tanga sa get up ko. Pag naramdaman natin na di tayo approved ng iba, nasasaktan tayo at iniiwasan natin na maulit na pagtawanan tayo na ating kapuwa.

Ikalawa, nais natin na maramdaman ang pagiging importante kung kaya ang ating laging gusto ay ang bigyan tayo ng pansin ng ibang tao. Kasama kasi ang mabigyan ng importansiya sa emotional needs ng tao. Kaya kung tayo ay napupuri ng ibang tao, nahahaplos ang ating ego at nasisiyahan tayo roon. Kaya lang parang drugs ito na napapailalim tayo at hinahanap hanap natin palagi kahit nasaan tayo.

Nagiging desperado tayo sa pagtanggap ng ibang tao at tayo ay gumagawa ng adjustments sa ating sarilli, na bagama’t di natin gusto ay napipilitan tayo dahil natatakot tayong maging isang outcast. Katulad ng mga adik sa drugs at alcohol, na nakakaligtaan ang matuwid na pamumuhay, nagiging kawawa ang ating lagay sa mundo makamit lang ang pagtanggap ng iba.

Kapag tayo ay pinupuri o iniidolo ng kapuwa, tayo ay nagkakaroon ng ilusyon, ang dating ay talagang matindi. Katulad ng drugs mayroon itong kabayaran. At ito ay ang kalayaan… kalayaan sa ating sarili. Kalayaan na gawin at umakto ng naayon sa gusto ng sarili. Sa palagay mo ba ay may kalayaan ka kung alipin ka ng drugs? Sa palagay mo ba ay may kalayaan ka kung sa bawat gagawin mo ang iniisip mo ay kung tatanggapin ito ng iba..Ang iyong power ay nagmumula sa iba kapag ganito, at madali kang mamanipula sa kung ano ang gusto nila. Halilmbawa: Ikaw ay likas na di umiinom ng alak. Pero ang iyong barkada o ang mga nakapaligid sa iyo ay mga manginginom. Kung ikaw ay malaya, di ka magaattempt na pagbigyan sila. Ang tingin mo kasi di ka nila tanggap.. so aalis ka sa sarili mong identity.. gagawin mo ang kung ano ang makakasiya sa kanila. Iyong matatanggap ka nila. Life is not about being accepted by others, but by doing what you think is right in the eyes of God.

The truth is that it’s all an illusion anyway – you cannot control what other people think. People have their own agenda, they come with their own baggage and, in the end, they’re more interested in themselves than in you; in fact, they’re thinking about themselves ‘morning, noon and after dinner,’ ang sinulat ni Dale Carnegie.

If we try to live by the opinions of others, we will build our life on sinking sand. Everyone has a different way of thinking, and people change their opinions all the time. The person who tries to please everyone will only end up getting exhausted and probably pleasing no one in the process.

Paano mo makakamit ang kalayaan ng iyong sarili? There’s only one way – make a conscious decision to stop caring what other people think.

This doesn’t mean that you should start to treat people badly, step on them or use them. Why would it? I read somewhere recently that the world would be terrible if nobody cared what other people thought of them. But why so? Alam natin ang tama at mali. You have to guide your life with a set of values – values that you think is best for you and will not hurt anybody. Not values imposed from the outside by others, but innate values which come from within. If we are driven by these values and not by the changing opinions and value systems of others, we will live a more authentic, effective, purposeful and happy life. We will be actualized and successful. And people will learn to be respectful of each other.

Gusto mo bang palayain ang iyong sarili?

—-00000—-

“Control binds all. Under restraits . Hidden motives. Dictate a way to live.” (Sacrifice)

Air freshener defense

Sometime ago, I was doing the rounds of Saudi Aramco facilities and observe in what way can we supply them with our products and services. Education and familiarization din para sa akin on what are the activities involved in the Oil and Gas Industry. Disyerto ang location ng mga Gas Oil Separation Plants (GOSP) at Water Injection Pumping Station (WIPS) at mahina ang mga 100 km na tatakbuhin mo. Mahalaga na puno ka ng gasolina at nasa kondisyon ang sasakyan.

I was looking for the location of a WIPS under construction in Ain Dar area after the town of Abqaiq. Naroon kasi ang isang contractor and iyong kanilang manager ay kaibigan ko. He asked me to visit the site and evaluate kung kaya namin ang E&I and Loop Checking project nila. He emailed me a sketch of the site and early morning I drove to the area which is about 47 km from Abqaiq. Abqaiq is 95 km from our office.

I could not locate the area and I came upon a small village, saw two Indians walking and asked them if they know the place. I showed them the sketch of the location but they said they don’t know the place. While I was showing it to them, a group of mga batang saudis, mga 14 to 18 years old siguro, 5 lima sila approached us (I was inside the car, engine running and doors closed). Then ung isa sa mga batang saudis ay lumapit sa akin at in arabic tinanong kung anong problema. isinara ko ang bintana at kapiraso lang ang aking binuksan. I observed through the rear view mirror na ang isa niyang kasama ay dumaan sa likuran papunta sa passenger side ng kotse. I engaged the transmission ng sasakyan, ready to run anytime.

Then, all of a sudden, ung kumakausap sa aking saudi ay dinukot ang door lock ng aking kotse at inunlock. Natural central locking iyon, kaya lahat ng pinto ay nabuksan. Ginawa ko, siniko ko ang kamay nito at kaagad na inilock ang pinto bago niya mabuksan, sabay tapak sa accelerator. Di ko napansin, iyong isang batang saudi ay nakapasok pala sa passenger side, at hawak na ang cellphone ko. Tumatakbo na ang sasakayan at humahabol ang apat nitong kasamahan. Inagaw ko ang cellphone ko at agad kong dinampot ang air freshener na nasa door pocket. Inisprayan ko sa mata ang batang saudi (mind you, malaki siya, mga 5′ 8″) at nagpipiglas sa pagkusot sa kanyang mata, inihinto ko ang sasakyan at hinawakan ko siya sa kamay. Balak ko na suntukin, pero baka makasuhan pa ako. Itinulak ko siya palabas ng sasakyan, habang ako ay minumura niya.

Pinaharurot ko na ang sasakyan habang nakita ko na lumalakad pabalik at sapo ang mata ng batang saudi. Anyway, water based lang naman iyong air freshener. Di madadamage ang mata niya.

Naging gawi ko ang magdala ng air freshener sa sasakyan at martilyo bilang pananggalang sa sarili, kahit sa pinas. Ang air fresher ay pampabango. Ang martilyo ay di sitahin katulad ng balisong o baril.

And ang mahalaga, presence of mind.

—-00000—-

“Out along the edges. Always where I burn to be. The further on the edge. The hotter the intensity.
Highway to the danger zone.” (Kenny Loggins)

A CREED FOR SELF DISCIPLINE

Ang buhay natin ay nakadepende sa kung paano natin ito patatakbuhin o didesisyonan. Kaya nga me kasabihang “ginusto mo iyan e” or “buhay mo desisyon mo” or “buntot mo hila mo”. Me mga bagay tayong gustong makamtan ngunit kadalasan ay short tayo sa ating nakamit. And irephrase ko na lang ang sabi ng Bagong Lipunan (in fairness ha, this is true, kaya lang sina Marcos, et al ang di ito sinunod)… ” sa ikauunlad ng sarili, disiplina ang kailangan. I will follow a creed for self discipline that can bring me realization to my objectives.

Willpower:
Recognizing that the power of will is the supreme court over all other departments of my mind, I will exercise it daily, when I need the urge to action for any purpose; and I will form habits designed to bring the power of my will into action at least once daily.

Emotions:
Realizing that my emotions are both positive and negative I will form daily habits which will encourage the development of the positive emotions, and aid me in converting the negative emotions into some form of useful action.

Reason:
Recognizing that both my positive emotions and my negative emotions may be dangerous if they are not controlled and guided to desirable ends, I will submit all my desires, aims and purposes to my faculty of reason, and I will be guided by it in giving expression to these.

Imagination:
Recognizing the need for sound plans and ideas for the attainment of my desires, I will develop my imagination by calling upon it daily for help in the formation of my plans.

Conscience:
Recognizing that my emotions often err in their over-enthusiasm, and my faculty of reason often is without the warmth of feeling that is necessary to enable me to combine justice with mercy in my judgments, I will encourage my conscience to guide me as to what is right and what is wrong, but I will never set aside the verdicts it renders, no matter what may be the cost of carrying them out.

Memory:
Recognizing the value of an alert memory, I will encourage mine to become alert by taking care to impress it clearly with all thoughts I wish to recall, and by associating those thoughts with related subjects which I may call to mind frequently.

Subconscious Mind:
Recognizing the influence of my subconscious mind over my power of will, I shall take care to submit to it a clear and definite picture of my major purpose in life and all minor purposes leading to my major purpose, and I shall keep this picture constantly before my subconscious mind by repeating it daily.

 
 
 
 
 
   
My Signature

—00000—

“Don’t wanna be a boy, you wanna be a man. You wanna stay alive, better do what you can. So beat it. Just beat it.” (Michael Jackson)

 

 

 

Remittance

Nakapila ako sa bangko para magremit ng pera sa pinas ng magkaroon ng konting kaguluhan. Me isang pinoy na nagagalit sa isang Indian dahil sumingit ito sa pila. Nagtaas ng boses ang Indian at nagalit pa. Doon na nakisali ang lahat ng nasa pila.

Ganyan dito sa lupaing ito lalo na ang ibang lahi at ipartikular ko na ang mga Indians at Bangla Deshis. Walang disiplina, walang hygiene, walang quality sa trabaho at marami ang fake ang mga credentials. Di pipila. Magaabang ng tyempo para makasingit. At kung nakapila naman ay nanunulak at dikit ng dikit sa iyo. Kaya after mo makapagpadala ng pera ay amoy putok ka na. Isa sa advise ko sa mga kapuwa pinoy pag magpapadala, magbaon ng Vicks Inhaler, para panlaban sa amoy ng mga Pakistanis, Bangla Deshis, Indians, Sri Lankans, Sudanese, Nepalis, Arabs (in that order of sangsang ng amoy).

Dusa ka talaga.  Ang bawat magpapadala ay 10 to 15 minutes bago matapos maserve. Imagine kung pang 10 ka sa pila e mga 1.5 hours kang nakatayo bago ka maserbisyuhan. Mas lalo pa madadagdagan ang inip mo kung me babae o arabo. Dahil uunahin nila ang babae o arabo. At isa pa, kung ang masusundan mo ay mga 4 or 5 ang pagpapadalhan.

One day, isa kong kaibigan ang nakasabay ko sa pagpapadala at siya ay nasa hulihan ko. Inirereklamo niya ang amoy nung nasa likuran niya at ganun din ang paniniksik sa kanya. E taginit pa naman, kaya ang amoy ay talagang di lang putok, kundi sabog na. Sinabi niya sa akin na nasasaktan na siya sa paniniksik nung Indian sa kanya. Papatulan na raw niya. Kako, pasensiya ka na lang.

Nabigla ako ng makita ko ung Indian sa likod niya ay bigla napaatras, nawala sa pila at sapo ang tagiliran sa sakit. Tapos walang imik na bumalik sa pila at di na naniksik. Nang lumabas kami ng bangko, tinanong ko ang kaibigan ko kung anong nangyari. Sabi niya sinabihan daw niya ung Indian na huwag maniksik, dahil darating naman ang turn niya. Look at Filipinos, sabi pa niya, we keep distance from the next person. Show respect. Nung ayaw daw makinig, tinantiya niya na ung siko niya ay tatama sa tadyang nung Indian saka niya siniko. Iyon pala ang dahilan kaya napaatras iyong Indian at sapo ang tagiliran. Karamihan naman sa mga Indians ay takot makipagaway sa Pinoy, dahil ang tingin nila sa bawat Pinoy ay si Manny Pacquiao.

Naisip ko nga, kawawa talaga ang mga OFW dito. Hirap na hirap na sa pagkita ng pera, tapos pag pera na, hirap na hirap ka naman sa pagpapadala.

Sana maintindihan ito ng mga kaanak ng mga OFWs na narito.

—-00000—-

“I tell you one lesson I learned. If you want to reach something in life. You ain’t gonna get it. Unless you give a little bit of sacrifice.” (The Roots)