Tuwentieliben

Ang 2011 ko ay maididescribe ko sa tatlong salita, Inglesin ko kasi mahirap isalin kung minsan sa tagalog e.. 1. Fruitful, 2. Educational, 3. Fulfilling.

Ang aking definition ng fruitful ay hindi iyong marami kang naachieve na tagumpay at narating. Sa taong 2011 ay marami akong nakitang bunga ng mga payo at pagtulong ko. Isang kababayan ang dinalaw ko sa ospital at doon lang kami nagkakilala ang ngayon ay magaling na at napromote pang supervisor sa kanilang kompanya. Isa rin naman na katulad nito ang case ang nagakaroon ng increase at naging aktibo sa mga gawaing pang kristiyano. Ang iba ay ang mga nakakasama ko lagi sa paglalaro ng basketball, tennis at pagdyajogging. Dati rati raw ay napakatamad nilang magexercise at laging kasakasama ng kanilang mga katrabaho sa pagiinuman o di kaya naman ay tulog lang pag walang pasok. Naikuwento nila kung paano sila naging malusog ang pangangatawan, samantalang ang kanilang mga kasamahan ay mga nagkasakit at ang iba ay napauwi pa dahil nahuli sa pagiinom.

Ang isa pang maituturing kong mabunga ay ang pakikipagkaibigan sa mga indian o saudi nationals na mga shopkeepers. Malaki ang discount na nakukuha ko sa kanila. Halimbawa na lang ay ang sapatos na pambasketball. Kung ang iba ay pinakamura na nabibili sa tindahan ng kaibigan ko ng 250 Riyals, sa akin ay ibinibigay ito ng 150 Riyals lamang. Paano? Di ko kinakaligtaan na batiin o tambayan ng kahit 10 minuto ang shop ng mga ito. Kuwentuhan, at pag me pinoy na kustomer, tinatanong ko sa Pinoy kung magkano ang tawad. Tapos ako na ang nakikiusap ke shopkeeper at sinasabi kong kaya ko pinapunta ang mga customers na pinoy dahil alam ko na ibibigay niya ng mura. Makukuha ni Pinoy sa gusto niyang presyo at siya ay masaya, panibagong kaibigan para sa akin, at suki naman para ke kaibigang shopkeeper.

Naging educational naman para sa akin sa dalawang bagay, una ay ang kaalaman ko sa trabaho at ang ikalawa ay ang experience sa pakikisalamuha sa kapwa. By profession, isa akong Agricultural Engineer na nakatapos din ng Master in Business Administration sa Colegio de San Juan de Letran at isang  Sales, Marketing at Business Development professional. Narating ko rin ang tuktok ng aking profession at patuloy akong nagsasaliksik ng lalo pang ikauunlad ng aking kaalaman. Nagkaroon kami ng pagkakataong makilahok sa bidding ng malalaking projects sa Saudi Aramco, SABIC at SATORP at sa akin naassign ang mga Technical Proposals. All disciplines ang sinalunga ko… Civil, Mechanical, Electrical, Instrumentation at maging Chemical Engineering.. kaya aral, research at tanong tanong. Nagawa naming maipanalo ang 4 na malalaking projects na puro 10 years ang duration (out of 8 bids, not bad). Natuto ako sa iba’t ibang larangan ng Engineering.

Naging edukasyon din sa akin ang mga karanasan ko sa kapuwa ko pinoy dito. Maraming nagsasamantala lamang, magaling pag ikaw ay napapakinabangan, at kaya kang talikuran kapag may mas magaling o mas may kapakipakinabang na alternative. Mayroon ding manggagamit lamang. Pero kahit na, still I would not get tired of helping and supporting others. Iiwas na lang ako kung alam ko na mapapahamak lang ako.

Fulfilling, dahil napatunayan ko ang kakayahan ko, ang mga targets na pinanindigan ko ay aking nameet at ang mga mga pagsubok ay nalampasan. Naging matiyaga at pasensyoso at naging mapagpatawad. Ang charities ko ay patuloy, ang foundation na itinatag ay lalong umuunlad at marami ang nabibiyayaan.

Ang lahat ng ito ay dahil kay Lord. Siya ang nagbigay sa akin ng mga pagsubok upang ako ay lumakas, ng mga balakid upang ako ay tumatag, ng mga kalumbayan upang ako ay sumaya at ng mga taong makukulit upang ako ay lalong maging maunawain.

Thank you 2011.

—-00000—-

“Everybody partys on a New Year’s Eve. Waitin’ for the countdown. Make alot of promises they never keep.” (The Eagles)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s