Beyntedose

Sa taong ito, marami akong bagay na nais gawin. Mas gusto kong sabihin na nais gawin, kesa nais baguhin. At iyan ang talagang objective ng resolution. Pag resolution kasi, ang dating sa atin para mo nang sinabi na mali ang pamumuhay mo nang nakaraang taon. Alam naman natin na walang perpektong buhay, walang sinuman na hindi nagkakamali. Ang mga pagkakamali natin ang siyang nagbibigay sa atin ng drive para lalo tayong magexcel… and we often mistook this drive as corrections. You cannot correct a mistake na nangyari na. Puwede mo lang itong maiwasan at maimprove. And doon nga papasok ang “To Resolve”. Resolve is a verb, i.e. “determined” to do something. So pag sinabing determined, me action, gagawin.. at me resulta. Walang ginawang something na walang resulta.

1. Magiging mas pasensyoso ako – di na ako bumabata. Ang danger ng hypertension ay naryan lagi sa isang tabi at ang heart attack ay naghihintay na sumunggab. Life is wonderful. So, stay happy and positive. Parte na ng buhay ng tao ang makasalumuha ang mga siraulo, mga alaskador, masungit, mayabang, matakaw, intrigero, inggitero at mananapak ng tao.

2. Magiging mas matiyaga ako – hindi naman sa kulang ako sa tiyaga nung 2011, it is just that dadagdagan ko ng pagiging analytical ang pagtitiyaga ko. Napakatiyaga ko sa work ko, kaya lang napansin ko na madalas ay mali ang taong kinakausap ko, binibigyan ng assignments, kinukunan ng information kaya kahit na matiyaga ako, di ako satisfied sa resulta. I would now be more analytical sa aking pagtitiyaga.

3. Pipiliin ko ang mga makakahalubilo ko – liks na kasi sa akin ang palakaibigan at matulungin, di naman sa pagyayabang. Meron akong altruistic behavior, I would look at others welfare first bago ang sa aking sarili, at kadalasan ito ay aking ikinapapahamak. Halimbawa na lang. Meron akong isang team na talagang hinubog ko, pinakisamahan, pinakiusapan, tinulungan. Di namin nakuha ang tagumpay dahil may nakialam at may nanghimasok na minura ako at kulang na lang ay sakalin ako. Kaya ako ay umalis na lang sa gitna ng mainit na laban para makaiwas lang. Pero ano ang iginanti sa akin ng team? Mas pinuna ang single actuations ko ng pagalis sa laban, kesa iyong pagtitiyaga ko at pagtitiis na dalhin sila sa kampeonato. Mas pinaboran nila iyong nanggulo at nagmura sa akin. Tapos, the same group of people, me mga kaso dito sa kompanya or gustong lumipat ng departamento, ang lumalapit pa sa akin at gusto ako ang magayos ng gulo at paglilpat. At pag di mo naman tinulungan ikaw pa ang masama.

4. More communications with God – although umaattend ako ng Bible Study, Worship Services ng regular  pero ang pakikipagusap ke Lord ay bihira ko nang magawa.Ang lagi kong idinadahilan ay ang aking work at ang aking mga pagaaral. Kahit bago matulog ay nakakalimutan ko na ang magpasalamat sa kanya. Ang aking favorite na upuan sa tabing dagat na kung saan ako nagmumuni muni at nakikipagusap ke Lord ay malamang na puro alikabok na.

5. More time for exercise – mas nagconcentrate ako this year sa pagkcoach. Nakuha nito ang time ko para maglaro ng basketball at tennis. Hindi na rin ako nakakapagswimming. I’ll have more time for this.

6. Dagdag na gawaing pagtulong – nakakaligtaan ko magcommunicate minsan sa aming foundation at lumiliban ako sa aking mga ministries like pagbisita sa me sakit.

7. More frequent talks with my children – at babawasan ko na ang topic tungkol sa trabaho ng panganay ko at pagaaral ng bunso ko. Mas ipofocus ko sa mga worries, problems at mga insecurites na nararamdaman nila upang mapalakas ko ang kanilang mga loob.

Ang mga nabanggit ko ay hindi plans, kundi must do’s.

Welkam beyntedose.

—-00000—-

“I’m alive. And I don’t need a witness. To know that I survived. I’m not looking for forgiveness
Yeah, I just need light. I need light in the dark. As I search for the resolution.” (Jack’s Mannequin)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s