Habang tumatanda

Siguro, sa unang pagkakataon sa buhay ko, ngayon ko naranasan ang pagiging kung ano ang gusto ko. Hindi tungkol sa aking kaguwapuhan o sa aking katawan. Nakakalbo, may eyebags, me mga kulubot na sa noo, lumaki na ang tiyan.. at madalas akong nabibigla sa nakikita kong matandang lalaki sa salamin.

Habang ako ay tumatanda, napansin ko na nagiging mas mabait ako sa aking sarili, di na ako nagiging mapunahin sa sarili ko at kaya ko nang palampasin ang mga napupuna kong hindi maganda dito. Hindi na ako masyadong maselan sa paliligo, kahit sa pananamit di tulad noong una na konting lukot lang ay ayaw ko nang isuot. Hindi na rin ako nagagalit sa sarili ko kung hindi ko kayang bumili ng magagarang damit o kumain ng masasarap na pagkain. May karapatan na ako ngayon na maging magastos ng konti, maging di maayos sa aking higaan, o sa pinagkainan o maging sa aking kagamitan. Hindi na rin ako nagiging kalaban ng sarili ko kapag nais kong medyo magpatanghali ng bangon. Marami na akong mga kaibigan at kababata na nawala at alam ko na naiintindihan ng iba ang kalayaan na kakambal sa pagkakaedad.

Sinong may pakialam kung ako man ay nagbabasa, nagbabasketball, naglalaba o nagkcomputer kapag walang pasok? O kaya ay magvideoke at magsayaw ng nagiisa sa saliw ng mga tugtugin noong dekada 70 and at the same time, alalahanin ang kabataan, ang karanasan sa barkada, magka crush at ang mga kapilyuhan noong bata pa. Sino ang papansin sa akin kung ako man ay kasama ng mga katrabaho ko rito sa tabing dagat na kahit na nakausli ang tiyan sa pagtakbo ay puro paggalang ang aking naririnig instead of pagbati. “Kumusta po sir? Ay si Kuya o. Nagdyajogging ka rin pala rito Tatang? Palagi ka ba rito Lolo?” Oo, isang araw mga lekat kayo, tatanda rin kayo.

Oo, totoo na over the years the heart has been broken. Bakit hindi mabibiyak ang iyong puso sa pagkakahiwalay mo sa iyong mahal sa buhay, o kaya ay kung ang iyong anak ay nasaktan noong masagi ng tricycle at minura pa ng tricycle driver, o noong mahulog kayo sa hagdan nung sanggol pa ang panganay mo habang kalong mo ito at pinoprotektahan mo para di masaktan (masakit ang puwet ko noon sa pagtama sa bawat baytang, pero ang lekat na bata at pagtayo ko ng sahig ay tawa pa ng tawa) o noong ang iyong mahal na alagang aso ay nasagasaan ng sasakyan. Lahat tayo ay nangyayari ito? Nasasaktan tayo, nababasag ang puso sa ibat ibang sitwasyon at pamamaraan. Ngunit ang pusong nababasag ang siyang nagbibigay sa atin ng lakas, understanding, compassion at pagpapatawad. Ang isang puso na di nakaranas ng kabiguan ay matigas at manhid at hindi mararamdaman ang kaligayahan of being imperfect.

Ako ay labis na pinagpala na ako ay binigyan ng buhay  long enough to have my hair turn gray, makalbo at ang aking mga kasiyahan at pagtawa nang aking kabataan ay nakamarka sa aking mukha. Marami ang di naranasan ang tumawa at di na nila naabutan na magka uban o makalbo, at marami rin ang hindi nakalampas sa kalahating siglo ng buhay. Marami rin ang sa edad kong ito ay di na kaya ang makipagsabayan sa paglalaro ng 3 games of basketball, o 2 sets of tennis, jog for 2 km non stop at magswim ng continuously for 5 laps.

Habang ikaw ay tumatanda, nagiging madali ang pagtuon mo sa mga bagay na positibo. Nagiging focused ka at di mo na iniintindi kung ano ang sasabihin ng iyong kapuwa. Hindi mo na tinatanong o binabatikos ang iyong sarili. You have earned the right to be wrong and you are given the benefit of being wrong to be right.

Ang pagtanda ay hindi kinatatakutan. Hindi rin ito dapat na pagtakpan. Marami sa atin ang pinipilit itong pagtakpan sa pamamagitan ng pagmi-make up, pagsusuot ng wig, pag papaopera.. pero ang mga ito ay paimbabaw lamang. Meron pa nga riyan na mga 30 na lang hibla ng buhok, papahabain pa at pilit itatakip sa bandang tuktok. Hindi mo pa rin matatakasan ang iyong katandaan. Hindi mo pa rin kayang pagtakpan. Dahil ito ang katotohanan ng buhay… nang anumang bagay na may buhay. Diyos lamang ang hindi tumatanda.

Gusto ko ang aking pagtanda. Ako ay nagiging malaya. Gusto ko kung ano ako. Alam ko na hindi ako mabubuhay ng walang hanggan. Pero, habang ako ay narito sa mundo, hindi ko sasayangin ang aking panahon na panghinayangan ang mga lumipas ng panahon. Hindi ko pagsisisihan ang mga kabiguan at ang mga bagay na na di ko nagawa. Itutuon ko ang aking mga panahon sa pagiging masaya, pagiging reconciliable, pagiging matulungin, may respeto sa kapuwa at ibabahagi ko ang aking karanasan.. upang magsilbing gabay at leksyon sa mga kabataan. Siyempre rin, sa pag-aalaga at pananaway ng mga apo. Ang pananaway ang daan upang maging aktibo.

At patuloy kong kakainin ang paborito kong enseymada at pakinggan ang awiting IF.

—-00000—-

“And oh when I’m old and wise. Bitter words mean little to me. Autumn winds will blow right through me. And someday in the mist of time. When they asked me if I knew you. I’d smile and say you were a friend of mine. And the sadness would be lifted from my eyes. Oh when I’m old and wise” (Alan Parsons Project)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s