Martilyo

Nakagawian ko na ang maglakad sa gabi papuntang bayan bilang exercise ko kapag ang oras ko ay medyo gipit na. Normally, nakakalabas ako ng office ng 6 to 7 at nasa bahay naman ako ng 7 to 8. Abnormally, 9 to 10 ako nakakauwi lalo na kung me mga hinahabol na proposals para sa bidding e ako ang last line of review. So, kung matapos ng estimation before maguwian ng 6pm, dadaan pa sa ilang kamay for review tapos, depende sa bilis ng review, makakarating sa akin ng mga 9 na. Pinakamaaga iyon.

Sa aking paglalakad papuntang bayan, di ko nakakaligtaan ang dalhin ang aking ever reliable na Diadora backpack at me laman itong martilyo, air freshener (iyong spray) at screw driver. Ito ay bilang pananggalang ko sa kung sino manalbahe. Although dito naman e bihirang bihira iyong me mananakit sa iyo. Ang martilyo, air freshener at screwdriver kasi ay di naman sitahin kahit na magrekisa ng bag. Ang martilyo pamukpok, ang air freshener pangspray sa mata kung magigipit at ang screw driver ay malakas na pananggalang kapag dikitan.

Naglalakad ako papuntang bayan dahil sa exercise, at para naman may motivation ako, bibili ako ng 3 riyals tinapay o gulay bilang purpose ko pagpunta ng bayan. Then, after that uuwi na ako. May 3 km na rin nalakad ko nun balikan.

Isang gabi, nasa me tapat ako ng isang arabic restaurant ng me sumabay sa aking isang Indian. Malaking lalaki ung Indian, pero nakangiti sa akin at sabi pa ay “how are you pare?” to which I answered “okay lang pare”. Then he followed with “it’s a humid night right?”. Bago ako nakasagot ay yumuko siya at me pinulot sa daanan namin. “It’s our luck pare. Look at this. Somebody could have dropped this. Don’t look pare and don’t tell anybody.” Isang bungkos ito ng saudi riyals, mga tig pa-500 siguro kasi ang nasa ibabaw ay 500.

“Pare, don’t tell anybody we found this. I will give you 10,000 riyals, half of this amount.” sabi niya sa akin. Bigla nagpaikot ikot ang utak ko. 10,000 riyals is P120,000 sa perang pinoy. Napulot lang. Sinagot ko siya na tuloy tuloy ang lakad ko”Awww pare, don’t fool me. You just picked a bunch of riyals and told me i can take half. How did you know that half of that bunch is 10,000 riyals. You even have not opened that bunch.” sabi ko sa kanya ng biglang me humarang sa amin. “Did you find a bunch of money that fell on my pocket?” Tuloy tuloy ako. Tapos kinausap uli ako nung Indian. “Pare, I have my car there, common, let us go to our office. It’s very near. I will give you the 10,000 riyals in our office so nobody can see.” Sabi ko, “Leave me alone or I will call the police.” Pero ang kulit.

Tapos iyong nagtatanong kung napulot namin iyong pera niya ay hinarang ako at ang sabi, “you go with us pare.” Inilabas ko ang martilyo at ang air freshener, sabay pukpok ko sa poste. “Okay, try coming near me and I’ll hammer you down like a 4 inch nail”.

Tumakbo iyong dalawa.

Ang leksyon dito ay hindi iyong pagdadala ko ng martilyo, air freshener at screw driver. Ang leksyon dito ay iyong hindi ako napatukso sa tawag ng pera, sa biglang pera. Kung nasilaw ako sa alok nila, malamang sumama ako sa kanilang opisina raw, at sinalbahe ako, kinuha ang wallet ko.

A month after this incident, I heard a similar story sa me fish market naman. This time, sumama iyong pinoy at natangayan siya ng 1,500 riyals na laman ng kanyang wallet. Nasilaw siya sa kalahati nung napulot kuno na pera.

By the way, pag naglalakad pala ako papuntang bayan, sinisiguro kong ang laman lang ng wallet ko ay 5 riyals, barya pa.

—-00000—-

“Money, you’ve got lots of friends. Crowding round the door. When you’re gone, spending ends. They don’t come no more.” – (Billie Holiday)

4 Comments

  1. awwww… may ganung raket pala jan sir… buti na lang at hindi kayo sumama….. mahirap din pag dayo sa isang lugar, you always have to watch your back…. ingat jan sir… napaisip ako kung magdadala din ako ng martilyo??? hehehe

    • Marami ritong masasamang loob. Nangunguna na ang mga pakistani, afghanistans, bangla deshi, mga bedouins (Saudi Nomads – protected ng government kasi, parang aeta dyan sa atin), indians, syrians, jordanians, sri lankans, at least ang pinoy, di ganun. Kumbaga mga 5% lang ng crimes dito ay gawa ng pinoy. Ang importante ay iyong di ka nasisilaw sa pera, di ka napapatukso sa kahit ano. Focused sa objective: which is to work.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s