JUST GET THERE

Dalawang araw pagkatapos ng graduation ko ng College ay nagstart na ako ng trabaho  sa isang malaking kompanya sa Pilipinas. Una kong assignment ay as QA Inspector sa kanilang planta sa Manggahan, Pasig. Laking pasasalamat ko, dahil wala na akong magulang at ako pa rin ang inaasahan ng aking mga kapatid. Dahil siguro sa ipinakita kong sipag at tiyaga (ako yata ang original nun, hindi si Manny Villar) ako ay nalipat sa kanilang branch sa Tagaytay bilang OIC ng planta.

1536672_10201997533157549_370612453_n

Malaking challenge sa akin ang nalipatan ko. I have to take a strong hand so I can implement reforms. Mabuti naman at naging cooperative sa aking ang mga tauhan ko rito.

My secretary-coordinator-radio operator (radio pa nun, wala pang cellphone, ang mahal ng landline at di operator pa pag gusto mong tumawag sa Manila o sa ibang probinsiya) is a polio victim. Bata pa siya ay ganun na siya, nakabaluktot ang dalawang paa at ang kanyang mga kamay naman ay 3 daliri lang ang naigagalaw sa kaliwa at 4 naman sa kanan. Kung lumakad siya ay pauklo uklo ang ulo dahil nga sa di maituwid ang tuhod.

What I like most in him is his attitude. Napaka positive at results oriented. He finished Technical Course dahil gusto niya na makapagaral. Kahit na tinutukso siya sa school di iyon nakahadlang sa kanya. At nakuha niya ang respeto ng kanyang mga kaklase dahil na rin sa kanyang positive attitude at sa kanyang pagiging palakaibigan.

Image result for despite the odds quotes

Me isang instance na sumama ako sa kanila at kami ay pumunta ng Raon para bumili ng ilang electronic items dahil balak ko na ipipe in music ang planta. Sa paglalakad namin, nakakita sya ng isang namamalimos at ito ay kanyang nilapitan. Inabutan niya ng 5 piso (malaking pera na ito nung panahong iyon) pero kinausap niya at sinabihang “ang lakas lakas mo manong, wala kang kapansanan, maghanap ka ng trabaho, e mas me kapansanan pa ako sa iyo pero ayoko umasa sa pamamalimos.”

He is so hardworking, efficient at may malasakit. Nakatira siya sa Sta Ana at live in sa planta ang status niya. He goes home during Saturday after 12NN and he is in the office before 7 AM tuwing Lunes. Isang beses lang siyang nalate sa pagpasok ng Lunes and that was when the bus he was riding ay naaksidente at natumba. Actually, hindi naman siya talaga malilate noon. When the passengers were taken out from the window ng natumbang bus, ang mga may pinsala at sugat ay dinala sa pinakamalapit na ospital. Nang siya ay lumabas ng bus, wala siyang galos, pasa o anumang pinsala. Nung siya ay lumakad ay nakita ng mga tao na pipilay pilay kaya pinagpilitan siyang isakay sa ambulansya kahit na tutol siya. Sinabi niyang talagang pilay siya nung nasa ospital na kaya lang siya pinayagang makaalis.

He is a funny guy. Matatawa ka sa mga antics at mga kuwento niya. And a fighter too. Pag alam niya na tama siya, ipinaglalaban niya. How many times did he had a rundown with some of his colleagues at kahit ang Boss namin. In the end, he has proven na tama siya.

I broke my own rule when he asked me to be the Ninong of his child. Kasi nga dahil sa paghanga ko at dahil gusto ko na may strong bond ang aming pagkakaibigan.

One summer, we went for an outing sa Matabungkay. He joined us despite na hindi niya kayang maglangoy dahil sa kanyang kapansanan. We challenged him kung kaya nya lumipat from one balsa to another balsa na nakadaong. Kahit na mababaw lang, worried kami na baka siya malunod. An ordinary man can swim the 5 m distance in seconds. It took Boyet about 5 minutes of painot inot na paglalangoy.

I told him pagkarating niya sa isang balsa, “kinaya mo, kahit na ang tagal ha, akala ko bibigay ka na e.. ”

“Boss, kahit painot inot, kahit mabagal, kahit na may kapansanan, ang mahalaga ay marating mo ang iyong target..” ang sagot niya.

I found him in FB a couple of months ago, and added him. I wondered why he is not accepting me. Then I learned from a former colleague na pumanaw na siya.

Boyet is determination personified, tenacity epitomized.

Si Boyet, isang winner.

—–00000—–

“I’ve played all my cards. And that’s what you’ve done too. Nothing more to say. No more ace to play. The winner takes it all. The loser’s standing small. Beside the victory. That’s a destiny” (ABBA)

Advertisements

How do you keep the music playing?

Gandang ganda ako sa kantang “How do you keep the music playing” nina James Ingram at Patti Austin. Lalo na sa pelikulang “Best Friends” na kung saan ito ang soundtrack.

Ang “Best Friends” ay isang simpleng comedy-love story starring Burt Reynolds at Goldie Hawn as Richard Babson and Paula McCullen. Hollywood screenwriters sila who have lived and worked together for a number of years. Gusto ni Richard na magpakasal pero si Paula ay ayaw. Pero nung makatapos sila ng isang script para sa kanilang producer, the couple decides to get married without letting anyone else know. Alam ni Paula na mahalaga iyon ke Richard kaya she reluctantly agrees.

Ikinasal sila sa LA marriage bureau at ang pinakahoneymoon ay ang cross-country trip by train para ipaalam sa kanilang magulang na sila ay nagpakasal. The first stop is sa Buffalo, NY where they are met in a winter snowstorm by Paula’s parents. Old fashioned ang mga magulang ni Paula, kaya kailangan sila ay matulog ng separate. Naiinis si Richard na tinatratong parang bata, tapos malamig pa at laging bukas ang bintanan. From there they go to Virginia to visit Richard’s parents, who reside in a giant high-rise condominium. No window is ever opened there, and Paula, feeling increasing panic attacks, is in dire need of some fresh air. She also accidentally overdoses on Valium at napasubsob into a salad at lunch.

Natutuwa ang mga magulang ni Richard believing that they are engaged, but devastated to learn that they are already married. They throw a party at a restaurant, where Paula is upset by the comments of guests. Medyo dito na nagumpisa ang pagtatalo at ang pagiisnaban. Dumating ang Producer at sinabing kailangang kailangang mairewrite ang script. Paula insists that they return home to California immediately, but once there, their personal and professional relationship has soured.

Larry locks them in a room, where the writers bicker and get no work done. Paula again demands fresh air until Richard breaks a window. When they finally talk it through, they are in agreement that getting married might not have been the best idea. They finish the rewrite and then walk off into the sunset, which turns out to be a Hollywood prop.

Ang nagustuhan ko rito ay kahit na sila ay madalas na nagtatalo, malaki ang pagkakaiba ng kanilang ugali at gawi, when they realized it, they reached an agreement. Ito kasi ang kailangan natin sa ating buhay e, reach an agreement with everyone. Walang bangay bangay, iringan, patutsadahan, intrigahan. Be honest with your feelings and accept others.

This is the way to understanding. We exist for one another. We live for one another.

Eventually, we will love somebody.

—-00000—-

And since you know we’re always changing. How can it be the same? And tell me how year after year . You’re sure your heart won’t fall apart. Each time you hear his name? I know the way I feel for you is now or never. The more I love, the more that I’m afraid . That in your eyes I may not see forever, forever.
If we can be the best of lovers. Yet be the best of friends. If we can try with every day to make it better as it grows . With any luck than I suppose . The music never ends.” (James Ingram and Patti Austin) 

GALLSTONE CLEANSING KEPT ME CLOSER TO GOD

Noong September, 2007 isang linggo akong nakaramdam ng pananakit ng tiyan at napakasakit umihi. Pulang pula ang urine ko, at pandalas pero konti lang. I went to the doctor and after undergoing tests like KUB, etc napagalaman na me gallstone ako at binigyan ako ng gamot for 10 days. Pag di lumiit ang gallstones sabi ng doctor ay I will undergo surgery.

I got worried and prayed na sana ay di ako maoperahan, God is the great healer, and I know He will heal me. Mahirap kaya magiging kalagayan ko dahil nagsosolo ako. Bago pumasok ng clinic ay pinatay ko ang cellphone ko. Paglabas ko, I turned it on and immediately, I received a call from Marius, telling me they were worrying about me kasi di raw ako nakapaglaro ng weekend at nalaman pa nila nagpapacheck up ako.

Tinanong ako what’s wrong… and I told him I have gallstones and maybe operated pag di gumaling. He told me that why don’t I take the Apple and Olive Oil Cleansing (AOOC) process. He added that aside from himself si Ceferino Olandez Manuel at Geronimo Caesar Ramirez ay nagkaganun din but gumaling sila dahil sa AOOC.

I went to the accommodation nina Ceferino Olandez Manuel at itinuro niya sa akin ang paraan and I also researched sa internet. Sabi sa akin ni Ceferino ay tiyaga daw talaga, mangangawit daw ang panga kakakain ng apples for 4 days at masakit pagka nagkicleansing na. I decided to schedule my first day on of apple munching activity on a Saturday since that is the first day of work here. That means sa Wednesday ako magkicleansing, which is fine, dahil walang pasok kinabukasan.

I asked my friend, si Jorge Ogalesco na sa bahay matulog in case nga me mangyari sa akin e at least me kasama ako. Mahirap nga pala ang cleansing lalo na sa last day when you have to drink the olive oil. Noong 6 hours after drinking it, hilong hilo ako at humihilab ang tiyan parang may nagkakaratehan.

At 4am the following morning, takbo ako sa CR… buhos ang laman ng tiyan. I noticed brown pellets and lots of parang malunggay, which sabi sa nabasa ko at ganun din ang sabi nina Ceferino, ang kulay brown ay gallstones at ang parang malunggay ay cholesterol.

Naulit ng 5:30 am, then 8am. At 10am pinakain ako ni Jorge Ogalesco ng mami.

At 2pm full meal na ako at ang lakas na ng pakiramdam ko.

At 7pm, I coached and played sa laro ng basketball team namin sa Inter Church, where I scored 8 points (end of 3rd quartern na nakalaro kasi graduate na 2 players ko, e 7 lang sila na dumating).

When I returned to the hospital, the doctor told me I was cured. I told him about the cleansing, but he would not accept it. Okay gumaling daw ako pero hindi pa rin ito medically accepted.

Inulit ko ang cleansing April, 2009, 2011 and in 2013 and hindi na naulit ang gallstone ko.

Then, a friend, si Manny, suffered the same symptoms at 3 beses nalipat ng ospital. Una ang sabi ay ulcer, then inilipat siya dahil wala raw facility, naging appendicitis naman, tapos nagpalipat siya at ang sabi naman ay sa liver.  I advised him to do the cleansing and instructed him the final night ng cleansing.

Gumaling siya at balik work immediately. But that is another kuwento.

I feel God healed and continuously heals me. When I prayed to Him to heal me, he immediately made my friends call me (amazing talaga na si Marius at Ceferino ay tumawag sa akin and had an alternative treatment).

Having friends to cheer you up and God to help and guide us ang nagpapagaling sa atin sa karamdaman.

God…. you’re awesome!

—-00000—-
“If religion were a thing that money could buy. The rich would live and the poor would die. All my trials lord, soon be over.” (Peter, Paul and Mary)

Batikos, Puna, Pula, Pintas, atbpa

Tuwing ako ay nagbabasa ng online newspapers like Philippine Star, Inquirer, atbpa nakukuha ang pansin ko ng mga comments sa ibaba ng mga balita. Honesty, I am not amused at those who make comments and there are times when my blood boils.

It is okay to give your piece of thought sa mga comments, pero di ko nilalahat, ang mga pinagsusulat ay kadalasang out of bounds na. Karamihan ay political at issue sa showbiz ang nakikita ko. Halimbawa, isang balita tungkol sa impeachment o tungkol sa mga pulitiko, 95% of wha t I read ay mga puna, kritisismo, pula, at worse pa ay umaabot na sa punto na nanlalait. Okay, we are living in a free world, malaya ka magexpress ng sarili mo. But, ang notion is that, WHAT YOU EXPRESS IS THE LEVEL OF YOUR MENTALITY. Lalo na kung nagreresort na sa name calling … PeNoy, Abnoy, Pandak, etc. That is the height ng kawalan ng pangunawa ng isang tao. When you resort to name calling, ibig sabihin noon NAUBUSAN KA NA NG REASONING. You do not understand nor cannot hold on to what you are arguing about.

At hindi lang iyan, mismong sa comments ay nagaaway away. Pansinin sa forum ng Pinoy Exchange, makikita mo na nagmumurahan, nagpipintasan. Pag pulitika naman, talamak ang name calling at ang paglalagay ng mga laws and ethics kuno.

I will give one example. Sa impeachment proceeding kay CJ Corona, makikita na ang maraming ebidensya ng katiwalian, ng unexplained wealth, at wala na talaga ang trust sa kanya ng bayan. Pero, ang dami pa ring nagtatanggol at nagmamarunong. Hindi mag stick sa issue na “karapat dapat  ba siyang pagtiwalaan na maging punong mahistrado?” Kita naman natin na inilagay siya ni GMA sa puwesto kahit labag sa batas para mailigtas si GMA sa mga kakaharapin niyang kaso.

At ito pa ang isa, ang intensyon ng Pangulo na linisin ang ating gobyerno, ihabla ang mga kurakot at alisin ang mga tiwali ay hindi sinusuportahan. Marami sa mga comments ang nanalalait pa kay PNoy. Okay, maaaring mga brigada ni GMA o ni CJ Corona ang mga ito. Ang iginaganti nila ay ang kaso ng Hacienda Luisita na di pa naipapamahagi sa mga magsasaka since Cory’s time.

Teka nga. Tignan natin ang pagkakaiba ng dalawa. Ang mga nais nating ilantad na katiwalian nina CJ Corona, GMA et al ay ang mga NINAKAW NA PERA NG BAYAN, ng mamamayan. Whereas, ang ipinanlalaban na katuwirang paghahati ng Hacienda Luisita ay PAGAAARI NG MGA COJUANGCO na ididistribute sa magsasaka. They are entirely two different things. Hindi mo puwedeng iequate. Ang una ay PAGAARI NG MGA MAMAMAYAN (MAGSASAKA) NA NADISTRIBUTE SA MGA KAWATAN/KURAKOT/BUWAYA NG GOBYERNO, while ang ikalawa ay PAGAARI NG ISANG MAYAMAN NA IDIDISTRIBUTE SA MGA MAMAMAYAN (MAGSASAKA). The first is a criminal act, while the second is a philantropic act, mandated nga lang ng batas.

Kakalungkot isipin, at madalas ay nagtatanong ako sa sarili ko.. “ano kaya ang nagawang kabutihan na sa kapuwa ng mga taong ito na malakas at nanggigigil kung makapagcomment sa mga babasahin.”

What if they spend their time sa mga makabuluhang bagay.. or sa paggawa ng makakabuti para sa bayan.. like simply doing their job / trabaho, instead of being in the internet at comment ng comment.

Pansinin natin ang mga oras na ang mga iyan ay nagkocomment.. at makikita natin na ito ay oras ng trabaho.

Where do we go from here, pinoys?

—-00000—-

“Come writers and critics. Who prophesize with your pen. And keep your eyes wide The chance won’t come again. And don’t speak too soon. For the wheel’s still in spin And there’s no tellin’ who. That it’s namin’. For the loser now. Will be later to win. For the time they are a-changin.” (Bob Dylan)

ASHES TO ASHES

Ashes will be traced, in the form of a cross, on foreheads today, Ash Wednesday, that starts the season of Lent. No matter who you are, we all get the same reminder: “Remember man that you are dust. And unto dust you will return.”
All year round, we all dodge the reality of mortality. Quit shilly-shallying and get real, Ash Wednesday drills into us. We’re all flawed and “journeying …to the grave.”

“Presume not to promise yourself the next morning,” 14th-century writer Thomas a’ Kempis counsels. “And in the morning, consider you may not live till nightfall… Many die when they least think of it… A man is here today. And tomorrow, he is gone. And when he is taken out of sight, he is also quickly out of mind.”

“Ask therefore “what if this day were to be my last?” suggests Augustine “Og” Mandino II, World War II bombardier turned author. “This day is all I have… Each hour cannot be banked today to be withdrawn on the morrow, for who can trap the wind or the day from stopping?”

“Today, I shall embrace my children and my woman. Tomorrow, they will be gone. And so will I. Today, I will lift up a friend in need. Tomorrow, he will no longer cry for help. Nor will I hear his cries… Tomorrow, I will have nothing to give. And there will be none to receive. Each minute of today must be more fruitful than the hours of yesterday… I will live today as if it is my last. And if it is not, I shall fall on my knees to give thanks.”

Three things we do with these Lenten ashes, we confess. We promise. We hope… in a journey towards renewal. And the Lenten ashes give us the confidence to do so.

Renewal is the keyword.

—-00000—-

“Ashes to ashes, dust to dust it will never be the same. But we’re all forgiven, we’re only living. To leave the way we came.” (The Fifth Dimension)

Swey swey

Iyon pang 50 - 100 m ang layo ang sasakyan from the traffic light ang nauunang bumusina pag Green ng light.

In this country, when you hear the word swey swey kapag ikaw ay may hinihingi, nirerequest, pinapipirmahan o anumang bagay na kailangang ibigay kaagad sa iyo, iyan ang maririnig mo. Me kasama pang senyas ng kamay, iyon bang ang lahat ng daliri ay samasama na nakataas, parang susubo ng kanin, at mabilis na taas baba na isesenyas sa iyo.. swey swey. Ibig sabihin ay maghintay ka, o sandali lang. Kaya lang kadalasan ang sandali nila ay oras o araw ang bibilangin.

Sa oras ng trabaho, lalo na kung sa opisina ng gobyerno, madalas mo ito marinig lalo na kung oras ng pagtsatsaa (which is buong maghapon yata). At kapag tinawag mo ang kanilang pansin ay swey swey ang isasagot sa iyo. Walang kilalang deadlines dito. Mga pinoy at puti lamang yata ang stickler to deadlines e. Maging ang ibang lahi, mga swey swey na rin.

Pero, kabaligtaran ito kapag nasa kalsada na. Lalo na kung nasa stop light. Immediately, pag turn Green, businahan na ang mga iyan. As if, nakaabang na sa busina ang mga kamay at automatic na pag turn Green ay magbubusina. Ang nakakatawa lang, iyong mga 50 to 100 meters ang layo sa traffic light ang nauuna pang bumusina pag turn Green.

Swey swey sign

Ganun din sa manner ng pagmamaneho. Ang tataas ng mga testosterone level ng mga drivers dito. Puro paharurot kahit na nasa bayan, at mga reckless. Kaya pag may naaksidente dito at galos lang, di iyon aksidente. Ang aksidente dito talagang paduguan, balian ng buto at wasak ang sasakyan.

Which brings me to my first remark.. swey swey. Sa trabaho, swey, swey.. they can wait.. Sa kalsada, walang swey, swey.. Kailangan mabilisan.. Patey kung patey.

Nakakalungkot lang isipin na maraming kapwa Pinoy ang nagiging ugali na rin ang ganito. Lalo na iyong mga dito lang nakahawak ng husto ng sasakyan at puwesto sa upisina.

Swey swey… dapat Sure, sure..

—–00000—–

“You can’t be too careful anymore When all that is waiting for you Won’t come any closer You’ve got to reach out a little more More, more, more, more.” (Paramore)

 

SHARING

Isang araw ng Sabado, buwan ng Abril, late 90s, papunta ako sa Branch Office namin sa San Pablo. Ang aking bunsong anak ay sumama sa akin at ang itinuturing kong anak na babae, pamangkin ko sa aking bayaw. Si panganay kasi ay may praktis sa church kaya di nakasama at si misis naman ay busy sa clinic. Since parang humabol lang iyong dalawa sa akin, dali dali silang nagpalit ng damit na pamasyal. Ang aking bunsong anak na lalaki ay mga 7 taon noon at si babae naman ay 4 na taon. Actually, di naman ako obligadong pumasok pag araw ng Sabado, pero gusto ko kausapin ang isang customer sa San Pablo.

Tuwang tuwa sila habang daan at nakipaglaro sa anak ng aking Secretary at Sales Representative sa San Pablo habang ako ay pumunta sa customer namin upang makipagusap. Bumalik ako sa opisina na natutulog ang dalawa, napagod siguro sa paglalaro pero nagmeryenda raw naman. Ginising ko sila at kami ay sa Calauan dumaan pauwi. Pagdating namin sa Bay, Laguna sabi ng aking bunsong anak na gusto raw nilang magswimming. Kaso mo, wala naman silang dala kahit anong gamit na pangswimming. Ang ginawa namin ay dumaan kami ng South Supermarket at bumili sila ng shorts, tshirt, tuwalya, sabon at kumuha na rin ako ng paper plates, softdrinks at ilang makakain. Bago pumasok sa resort sa Los Banos, dumaan kami sa Joey and Kempees Restaurant (parang mag-ama ni Joey at Kempee de Leon ano?) at bumili ng pagkain, adobong manok, menudo, relyenong bangos at kanin ang napili nung dalawa. Ako naman ay kumuha ng 1 kilong mangga.

Pumasok kami sa Batobato, nagrent ako ng isang maliit na hut at naligo na nga ang dalawa habang ako ay nagbabasa ng Robert Ludlum na pocketbook. Napansin ko ang isang mag-anak na hindi sa isang hut nagumpukan kundi sa damuhan sila at ang mga gamit ay naroon din. 2 batang babae, 1 batang lalaki mga 6 hanggang 8 taong gulang, at ang kasama nila ay dalawang matanda, lolo at lola siguro nila. Then, ang bunso kong anak ay nakita ko na kinausap ang isa sa batang babae at maya pa ay kasa kasama na sila nang mga bata sa paliligo.

Umahon ang mga anak ko at sinabing pahinga lang muna. Tinanong ko kung gusto na nilang kumain. Oo raw. Sabi ko ay gagabihin kami, kaya magbanlaw na at magbihis bago kumain, at sumunod naman sila sa akin. Nang bumalik ang dalawa ay nakabihis na, at nakita namin na kasama na rin ng Lolo at Lola ang mga bata, at naglatag ng mantel sa damuhan. Narinig ko (at alam ko rin na narinig ng dalawang bata), habang inilalatag ko ang pagkain sa mesa, na sinabi ng Lolo nila, “u kakain na tayo ha, sabay sabay tayo, kailangan na mapagkasya natin ang ating baon.”  Nakita namin na ang inilabas na pagkain ay isang maliit na container ng spaghetti at isang maliit na kalderong kanin. Naisip ko, spaghetti iuulam sa kanin. At di iyon magkakasya sa kanilang lima.

Napatingin ako sa aking mga anak. Nagkasulubong kami ng tingin ng mga anak ko. Walang salitang namagitan….Napatango ako sa bunso kong anak at hawak kamay niyang hinila ang itinuturing kong anak na babae papunta doon sa maganak. Naulinigan ko na sinabi ng bunso kong anak ke Lolo “Tang, doon na po kayo kumain sa aming mesa, marami naman po kaming pagkain. Sobra sobra po sa amin.” Nagulat ako sa aksyon ng aking mga anak, although ng tumango ako sa kanya, alam kong humihingi siya ng pahintulot sa akin. Ang matanda naman ay parang nahihiya, kaya lumapit na ako. “Lo, tara na po. Para po makaupo rin ng maayos ang mga apo ninyo. Luwag na luwag po kami doon sa hut namin.”

Napag-alaman ko na ulila na sa magulang ang mga apo nila. Ang magasawa na ang umaaruga sa mga ito. Tinutulungan naman sila ng iba nilang mga anak pero kailangan pa rin nilang maghanapbuhay. Si lolo ay ang pagrerepair ng mga lumang upuan, sulehiya kung tawagin, iyon bang webbed rattan ang sahig ng upuan, ang hanapbuhay at si lola naman ay pagtitinda ng kakanin. Ang spaghetti pa nga nilang baon ay tira sa paninda ni Lola. Pangako raw nila iyon sa mga bata kaya kahit na wala silang baon at naipambayad na nila sa entrance ay tumuloy sila. Ang mga bata raw ang dahilan kaya malakas pa rin sila sa edad nila. Dahil sila ang nagdadrive sa kanila para patuloy na mabuhay. Walang patid ang pasasalamat nila sa dalawa kong anak.  

Napakagaan ng pakiramdam ko nang pauwi na kami. Sa murang edad ng mga anak ko ay nakita ko na marunong silang tumulong at magshare sa ibang kapuspalad.

Ipinaubaya na sa maganak ni Lolo at Lola ang mga pagkain. Mas kailangan daw ng mga ito, at uminom na lang sila ng softdrinks.

Pagdating namin sa Sta. Rosa, hindi pumayag ang dalawa na hindi kumain sa Jollibee sa Waltermart.

Nagutom.

—-00000—-

“It’s always been fun. To share with everyone. If you’ve got one sandwich Cut that thing in half. If you know a secret joke. Tell it and share a laugh. If you’ve got one drumstick. Give one to your friend. Make one beautiful rhythm. Share a beat that never ends.” (Jack Johnson)