! or ?

Para sa nakararami sa atin ang kahulugan ng tagumpay ay ang pagkakaroon ng isang magandang bahay, mamahaling kotse, mataas na posisyon, mataas na titulo o isang kalagayan sa buhay na marami ang humahanga at umiidolo. Kasama na rin dito ang pagkakaroon ng malaking pera sa bangko, negosyo at ari-arian.

Marami ang naghahangad na yumaman, magkaroon ng mataas na posisyon, maging isang sikat na artista at ginagawa ang lahat upang ito ay makamit, sa mabuti o masamang paraan man. Ngunit sa tingin ko ang tunay na tagumpay ay wala sa mga nabanggit. Mas simple o payak kaysa riyan. Ang kapangyarihan, kayamanan, katanyagan ay panlabas lamang, sa loob ay hungkag… ampaw.

Ang kabuluhan ng isang tao ang siyang basehan ng tagumpay. Ang pagiging makabuluhan ang siyang nagbibigay ng panloob na kasiyahan, kaluwagan ng loob… ng kapayapaan. Ang mabatid mo na ikaw ay nakagawa ng malaking marka.. positibo at maka Diyos na marka sa buhay ng iba.. diyan nagkakaroon ng kabuluhan ang buhay. Sa huling araw ay susumahin ang nagawa mo, hindi ang iyong nakamal.

“The interesting thing is you can be successful and not significant, but you cannot be significant without being successful.” ~ Darren Hardy

Ang pagiging makabuluhan ay ang patuloy na pagiging mapagpakumbaba, kasama ng maliliit na tao, pagtulong, pagdinig sa mga suliranin at hinaing, pagtataas sa iba kung sila ay nahihirapan o nakakaramdam ng pagkagapi.

Tayo ay hinubog ng Diyos sa kanyang hugis at hitsura, at binigyan ng kanya kanyang papel na gagampanan sa mundo. Tayo makabuluhang nilalang ng Diyos. Gawin nating makabuluhan ang ating buhay. Hindi ang kasikatan, kapangyarihan o kayamanan.

Lagyan natin ng tandang pandamdam ang ating buhay, hindi ng tandang pananong.

—-00000—-

“Look at the stars. Look how they shine for you. And everything you do.” – Coldplay

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s