Damayang pinoy

Ang ginaw ngayon. Pagbalik ko 10 days ago, after a 4 days business trip sa Dubai ay parang bumalik ang lamig. Nathermal shock yata ako at ako ay nilagnat, sinipon at inubo. Hanggang ngayon ay may ubo pa rin ako at sipon. Akala naming magkakasama ay papunta na sa tag-init. Pero iyon nga, 10 araw na na naglalaro sa 4 to 8 degrees ang pinakamalamig. At ang pinakamainit ay 18 to 21 degrees. Hah! Pinakamainit pa iyon. Temperature ng Baguio at Tagaytay iyon a.

Naalala ko ang dati kong kasamahan dito who joined us about 2 years ago. Siya ang Quality Control Manager namin at noong papalapit na ang taglamig, sabi niya maniniguro na raw siya. Bumili siya ng 2 sets of thermal underwear, 1 leather jacket, 1 makapal na jacket, 1 makapal na blanket, meron pang electric blanket, at 2 boteng malaking Efficascent Oil Anupa’t talagang palaban siya sa lamig. At 6 na makakapal na medyas, isang makapal na guwantes, 2 bonnet at 1 ear muff pa pala.

Dumating ang Disyembre, pinakamalamig ay 12 degrees. Hindi masyadong nagamit ang kanyang jacket at electric blanket. Dumating ang Enero ay ganun pa rin. At nang pumasok ang Pebrero, naguumpisa ng tumaas ang temperature. Ang ginawa niya, isang araw ay pumasok na suot ang thermal underwear, at ang leather jacket niya at pagdating ng opisina ay itinodo ang aircon. Masulit man lang daw ang ibinili niya.

Pero ang previous to that year ay kasinglamig ng ngayon. At sa pinas naman ay di naman ganun kalamig ang pagpasok ng Disyembre. Meron akong 3 kasamahan dito na dumating ng first week ng December at di nila inaasahan na ganun kaginaw, wala silang baong pangginaw. Kasi umalis sila ng pinas ay mainit. Nagkataon naman na ang susundo sa kanila ay nagpunta pa ng jubail. Dumating sila sa himpilan ng SABTCO (Saudi Bahrain Transport Co), kasi via Bahrain sila from Pinas, ng mga 11:45 pm na. Nagtext na ang isa using his roaming sa aming HR Coordinator na pinoy, pero wala pa nga ang driver. So, ginaw na ginaw sila, e wala pare parehong jacket. Ang ginawa nung tatlo ay naupo ng magkakatabi upang magbigay init sa isat isa.

At every 5 minutes, palitan sila ng puwesto. Ang isa naman ang pupuwesto sa gitna. Siyempre kasi, paborable ang puwesto ng nasa gitna dahil dalawa ang nagpapainit sa kanya. Ganun sila till 1:30 am nang dumating ang sundo.

Talk about “damayang pinoy”.

—-00000—-

“Pinagtagpu-tagpo kami ng tadhana. Kahit pinanggalingan namin ay iba iba. Walang pakialam kung sa’n mapadaan. Basta’t sabay-sabay kaming nagtatawanan.” (Parokya ni Edgar)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s