Nang isilang ka sa mundong ito…

Our children are our treasures. They are our jewels. Kaya minsan nalulungkot ako pag nakakabasa ako ng mga balita tungkol sa mga minamaltratong bata, sinasaktan at pinapabayaan. Kanina, pagbukas ko ng FB, bumungad sa aking newsfeed ay iyong ke Casey Anthony, ang nanay na allegedly ay pinatay ang kanyang anak. Pag scroll down ko, ang photo naman ng isang batang may pasa at sugat sa mukha dahil binugbog ng magulang. At ang mga larawang ito ay nasasalitan naman ng mga photos ng bagong baby ng isa kong friend, makulit na anak naman nang aking pamangkin, at iba pa.

It makes one wonders, how could some people not show love and respect to a child? Ang iba ay ipinagmamalaki pa ang kanilang mga anak, to the point na mas mayabang pa ang magulang kahit na ba “Best in Recess” ang anak nila, ipopost pa sa mga social networking sites.

Children are also what our Lord cares for. At tayo ay binigyan pa nga ng payo na “Whoever humbles himself like this child is the greatest in the kingdom of heaven. Whoever receives one such child in my name receives me.”

Naalala ko ang tatay ko. Sa kagustuhan niya na mapag-aral ako ng kolehiyo, humiga siya sa riles ng tren at iniumang ang kaliwang kamay. May makukuha daw siya sa insurance pag naputol kamay niya at ito ay maipapanustos ko sa aking pagaaral. Pero di nangyari iyon, dahil pinigilan ko siya, and God made way para makapag-aral ako at makapagtapos.

A child takes it’s first breath
A father soon holds it against his chest
The love of the child has awoken
The father knows the words to be spoken

As time moves on and the child grows
A father’s love is always there to show
He works to take care of the child
Giving love and care all the while

He teaches right from wrong
He guides how to be strong
Holding the child when it’s scared
Keeping secure through his caress

Carrying the child on the shoulder
When there’s a thing to see that’s taller
Being wrapped in Father’s arm

Naiisip ko, paano naman kaya ang mga anak natin? Sisitahin din ba kaya nila tayo halimbawang nagpabaya tayo sa ating trabaho, katulad ng paninita natin sa kanila kung sila ay nagpapabaya sa pagaaral? Nararamdaman din kaya ng aking mga anak ang sidhi ng lamig na nararamdaman ko sa gabing tulad nito na bumababa ng 6 degrees Centigrade ang temperatura? Napapaiyak din kaya sila kung kumakain ng hapunan na nagiisa tulad ko? Paano kaya ang buhay nila after ng graduation?

Ah, di ko muna iyon iisipin. Ang alam ko lang namimiss ko ang mga anak ko ngayon.

—-00000—-

“For tomorrow belongs to the children. The children are our lives.” (The Fifth Dimension)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s