Pagtulong? O paggulong.

Noong bata pa ako, nakitaan na ako ng tatay ko ng pagiging altruistic. Hindi autistic ha. Iyon bang uunahin ko pa ang kapakanan ng iba kesa sa akin. At di naman sa pagmamayabang, nadala ko iyon hanggang paglaki. I would not divulge what I am doing to help others. Let it be mine and God only.

Pero ang aking gustong tumbukin dito ay iyong mga pagsisikap ng iba na tumulong sa kapuwa by setting up organizations na ang hangad ay magsilbi o tumulong nga sa kapuwa. I know of some groups na natatag dahil diyan. But, ang akin lang puna at una una kong iminungkahi sa group ay ang pagkuha nila ng legitimacy. Iparehistro sa SEC o sa anumang sangay ng gobyerno na nagkokontrol nito upang maging legal at legitimate ang kanilang samahan. Bakit ko ito iminumungkahi. Kasi, kung legitimate ka, meron kang magiging Constitution and By Laws na attested at legalized by the government. Me kakayahan ang samahan na anuman ang mangyari meron silang matatakbuhang batas na maglilinis o magaayos ng anumang gusot na mangyayari. Tanggapin na natin na kahit na anong pagkakaisa pa ang sabihin ng isang samahan, darating ang panahon na magkakaroon ng gusot. Isa pa, merong matatalagang pamunuan ang grupo na siyang itinakda ng nakakarami at empowered ng kanilang Constitution and By Laws.

Okay, pasok naman ang mga layunin at paraan para matupad ang layunin. I hate to say it, pero sa ating mga pinoy, talamak ang mendicancy. Ang panghihingi. Ang palaasa. Ano ba ang layunin natin? Matulungan ang ating mga kababayan, kabarangay, katugang, kakosa, atbpa. Paano ba ang tamang pagtulong? Long term dapat ang pananaw. Hindi ang panandalian. Okay, magsasagawa tayo ng isang Feeding Mission, Optical Mission, Dental Mission, magpapacontest, magpapakanta ng mga artista, magbibigay ng mga laruan, gamit, etc. But again these are panandalian. Pagkatapos ng mga ito, anong mangyayari sa ating mga binigyan? Balik sa paghihintay ng susunod na mission.

Come to think of it, iyong mga ipinamimigay nating pagkain, laruan, gamit.. hindi ba malaking halaga na iyon. Kung ang ating tingin ay hindi makabili ang ating mga kabarangay, kababayan, katugan, etc, ang tingnan natin ay kung paano sila magkakaroon ng pambili. We are short cutting the process e. We are not helping them and the whole community. That is economics, you know. Ang perang pinambibili ng mga gamit, laruan, etc na ito ay bakit di natin gastusin upang maturuan silang maghanapbuhay. Para magkaroon sila ng pambili. At para makabili ng mga gamit, laruan, etc at masustenahan ang mga pabrika na gumagawa ng mga ganitong produkto.

I have often told one group over and over again na ang aming paghandaan ay ang long term na solution. We are promoting mendicancy with this. Lalong nagiging palahingi ang mga kababaryo namin.

Isa pa, hindi ko kayang tignan ang mga kapwa ko Pilipino, no matter how poor they are, na PUMIPILA at NAGSISIKSIKAN para maabutan ng isang bowl ng lugaw o noodles at isang basong juice. It is the height of making them look miserable. Oo nga, nakakatulong tayo. Sasabihin natin na nabusog natin sila at me ngiti sa kanilang labi. Pagalis ng grupo, anong mangyayari na sa kanila? At isa pa, bakit natin ipopost ang mga donasyon sa FB. Bakit natin ilalagay pa ang mga photos na nagpapakitang tayo ay namimigay ng mga gamit, etc. Hindi na kailangan iyan. That is pamumulitika. That is pagpapasikat. We are putting those we are helping into a more miserable and helpless condition. Inaunder natin sila. We are trampling on their dignity. We are making them virtual slaves sa paanan natin. THAT IS NOT CHARITY. Aminin ko. Nagdugo ang puso ko at ako ay labis na nalungkot ng makita ko sa FB ang letrato na nakapila ang mga kababayan ko. It is really disgusting. They are the kababayans that I love. They should not be treated like that.

Alam na alam naman natin ang kasabihang “Give a man a fish, and he will eat for a day. Teach a man to fish and he will eat for a lifetime.” Hindi ko na kailangang ipamemorize iyan.

Iyon pang magisponsor ng mga artista o mga contest contest. Merong talagang committe ang barangay o ang bayan para diyan. Pinaghahandaan nila iyan. Bakit natin aagawin ang opportunity na sila ang mamahala sa mga iyan. Let the Comite de Festijos o ang Sangguniang Barangay na gawin iyan. Isang araw, hindi na nila iyan gagawin at iaasa sa iba. At papaano kung dumating ang panahong iyon na wala na nagdodonasyon?

Maging malikhain tayo. Inventive. Creative. Think of ways how to help them in ways that they will be respected and maintain their dignity. Maraming magagawa na pagalalay sa kanila. Huwag nating kawawain ang ating mga kababayan, in the guise of charity. Kung tayo ay nakakaangat sa buhay, iangat natin sila. Hindi ambunan.

Okay, me exception naman. Kung sinalanta ng bagyo, binaha, nagkaroon ng kalamidad. Then that is okay. Because that is called for at that moment. Sa sitwasyon iyon kailangang kailangan. They need relief. Kaya nga ang tawag ay Relief Goods e. Pero after that, alalayan na sa pagbangon.

When I visited my hometown last year, more than half of bumati sa akin ay ganito ang linya “ambunan mo naman kami ng blessings mo, mamigay ka naman.” Which is bad. Naging habit na ang manghingi. Hindi ang magsikap.

Let us help by teaching and leading them how to magsikap.

And let us help anonymously. Hindi natin kailangang ipagsabi iyan.

—-00000—-

“Does anybody hear her? Can anybody see? Or does anybody even knows she’s going down today. Under the shadow of our steeple. With all the lost and lonely people. Searching for the hope that’s tucked away in you and me. Does anybody hear her? Can anybody see? She is yearning. For shelter and affection. That she never found at home.” (Casting Crowns)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s