Dat’swanprendsarepor

Sa isang Sunday Kiddie Bible Class, ang lesson ay tungkol sa paglalakbay sa Egypt nina Joseph, Mary and Jesus because si Haring herodes becomes paranoid hat the child called “King of all Jews” will threaten his throne, and seeks to kill him. After the story telling and discussions, inatasan ng Bible Teacher ang mga bata na magdrawing ng kanilang interpretation ng Flight to Egypt.

Isang bata ang may drawing ng eroplano at 4 na tao.

Tanong ng Teacher: “So, ito bang eroplano mo ay ang sasakyan nina Jesus papuntang Egypt?”
Sagot ng bata: “Oooooppppooooo!!”
Tanong uli ng Teacher: “At malamang ang tatlo rito sa 4 na tao ay si Joseph, si Mary at si Jesus?”
Sagot uli ng bata: “Ooooooppppoooo!”
Huling tanong ng Teacher: “E sino naman iyong pang-apat?”
Sagot ng bata nakataas pa ang kilay: “Sii PONCIO PILOTO po! E sino po magpapalipad ng ariplane?”

Nakakatuwa at nakakagaan ng kalooban ang pakikipagusap sa mga bata. Ganun din sa ating mga kaibigan, anak at asawa. Ngunit kadalasan sa ating pagmamadali na makamit ang ating mga ninanais, o pangarap na materyal, nakakaligtaan natin ang mas mahalagang bagay. Sila. Naaisolate tayo and nararamdaman natin na ang ating buhay ay ampaw. We are not as happy as we originally planned and wanted to be with the people in our lives. We may stand there, wondering what happened to our relationships.If all people suddenly disappeared we would understand that to be really happy – we need other people.

Kailangan natin ang ibang tao upang ating maramdaman ang tunay na kaligayahan. Ang bawat relasyon ay ibinabalik sa atin ang kung ano ang ibinigay natin. Parang halaman lang iyan. Each plant needs watering, care, weeding, sunshine and yes – rain too. Sa ating pagmamadali ay nalilimutan natin ang kahalagan ng ibang tao sa atin.. and vice versa. Madalas naalala lang natin sila kung nakakaranas tayo ng mga kahirapan o kabiguan.

 Sabi nga ni Oprah Winfrey: “ Lots of people want to ride with you in the limo, but what you want is someone who will take the bus with you when the limo breaks down.”

Take time to reach to people. Take time to talk to them, listen to them, touch them.. be happy with them. Kilala ninyo kung sino ang mga ito.. They are our family. They are our friends. (Awit 127:3-5 “Kaloob nga ni Yahweh itong ating mga anak, ang ganitong mga supling, pagpapalang mayroong galak. Ang lalaking mga anak sa panahong kabataan, ang katulad ay palaso sa kamay ng isang kawal. Mapalad ang isang taong mapalasong tulad niyan, hindi siya malulupig at malayo sa kahihiyan, kung sila man ng kalaban ay magtagpo sa hukuman.”}

—-0000—-

“In good times, in bad times. I’ll be on your side forevermore. That’s what friends are for.” – (Dionne Warwick and Friends)

Polt Paynder

Me isang mangangaso, si Froilan, ang nakabili ng isang sidekick na aso na me kakaibang talento. Nakakalakad ito sa tubig. Di siya makapaniwala sa swerte niya at gusto niya itong ipakita sa kany…ang kaibigan.

He invited his friend, Juan to go duck hunting at sinabi nya ang kaalaman ng kanyang aso. After some time, they shot a few ducks and the man ordered his dog to run and fetch the birds.

All day-long, ganun ang ginagawa ng aso…ran on water and kept fetching the birds. Inaasahan ni Froilan na bibiliban ang kanyang kakaibang aso, but never got one from Juan. Dedma si Juan.

As they were returning home, he asked Juan kung wala itong napansin sa kanyang aso. Abot abot ang ngiti ni Froilan habang hinihintay sumagot si Juan.

“Ay oo, me napansin nga akong kakaiba. Mahinang klase ang iyong aso, hindi marunong lumangoy!!!”

Maraming tao ang ganyan, na sa pagtatakip sa kanilang kakulangan, kamangmangan, inggit o mga failures ang pinagtutuunan ng pansin ay ang mga negatibong bagay, hindi ang positibong (like kabutihan, pagtulong, motivation) nagawa o ipanapakita ng kanyang kapuwa. Sabi nga sa Philippians 4:8 “Finally, brothers, whatever is true, whatever is honorable, whatever is just, whatever is pure, whatever is lovely, whatever is commendable, if there is any excellence, if there is anything worthy of praise, think about these things.”

—00000—

“I can tell them lies ’til you’re left in disgrace. Kick you when you’re down, and spit in your face
Lead you on ’til you’re lost without a trace. I think bad thoughts.” – (Danko Jones)

Ang akala natin ay mga kasawian, pero pagpapala pala ng Diyos

Ang kaisaisang tao na nakaligtas sa lumubog na barko ay napadpad sa isang maliit at uninhabited na isla. He prayed feverishly for God to rescue him, at araw araw siyang tumata…naw sa dagat pero mukhang walang makapagliligtas sa kanya.

Kahit pagod, ay nakagawa siya ng maliit na habong out of driftwood to protect him from the elements and to store his few possessions. But then one day, isang araw, pagkatapos maghanap ng makakain, nakita niyang nasusunog ang kanyang maliit na habong, the smoke rolling up to the sky.

The worst had happened; everything was lost. He was stunned with grief and anger. “God, bakit mo ginawa ito sa akin? Ano ba ang kasalanan ko at ako ay pinarurusahan mo ng ganito.

Nagtipon siya ng ilang kahoy at dahon na pansamantalang matutulugan. Early the next day, however, he was awakened by the sound of a ship that was approaching the island. It had come to rescue him.

“Paano ninyo nalaman na narito ako?” asked the weary man of his rescuers.

“We saw your smoke signal,” they replied. Dahil sa nasunog na habong at possessions siya ay naililgtas.

Kadalasan napakadali nating mawalan ng pagasa when things are going badly. But we shouldn’t lose heart, because God is at work in our lives, even in the midst of pain and suffering. Remember, next time your little hut is burning to the ground–it just may be a smoke signal that summons The Grace of God.

—-00000—-

“So when I’m thinking it’s a bad day. Feels like nothing’s going my way. Pass a wreck on the freeway. And pray that they survive. There but for the grace of God.” – Clay Aiken

Amigo. Pheuxin. Freund. Sadik. Yujin. Chingu. Pengyou. Paano man sabihin, magkaibigan tayo.

Last month na nasa bakasyon ako, I had the chance to meet old friend, former classmates at mga kamag-anak. Ang kuwentuhan, balik tanaw sa nakaraan at ang mga tuksuhan ay talagang napakasarap sa pakiramdam. Ngunit wika nga e, may kanya kanya na kaming buhay at may mga buhay pa na tatahakin. Ang mga pagsasamahan noong araw ay sa ala-ala na lamang, subalit ang init pa rin ng pagkakaibigan, ang kasabikan sa pagkikita at ang pakikipagtalastasan ay naroon hindi nawawala.

May isa akong kasama noong College, ibang kurso nga lamang siya na nitong mga nakaraang ilang taon ko lamang naka-close. Medyo nahihiya siya sa aming mga batchmates/schoolmates dahil nga sa kalagayan niya sa buhay. And I remember pa nga, na ang aming samahan ay nagkaroon ng parang search for most outstanding na kasama. I will not mention kung ano ang aming samahan, for the sake of keeping our modesty.

Naroon na ang mga pangalang nababanggit ay mga pulitiko, mga nagkaroon ng mas mataas na kurso (Ph D, MBA, etc) o mataas na puwesto sa gobyerno at sa kanilang mga pinapasukang kompanya. I commented na para sa akin, ang pinakamatagumpay na kapaaralan (schoolmate, co students) sa aming grupo ay iyong mga katulad noong mga naging Guro, naging isang Researcher sa Department of Agriculture, o naging isang empleyado sa DWSD. Kasi ang mga ito ang mas maraming kaluluwang naakay, mga isipang nahubog at mga contributions na aanihin ng mga susunod na generation. Ang pagiging outstanding ay di nakukuha sa yaman, sa position, sa taas ng pinagaralan o sa power. Nawala na ang panukalang most outstanding na iyon.

Balik tayo sa aking kasama. He is very talented at multiskilled. At hanga ako sa kanyang maybahay na naiintindihan ang kanilang kalagayan. Kung may isang lalong nagbuklod sa amin, iyon ay ang musika.

May binili akong gitara sa Cebu noong isang taon, at ibinilin ko sa panganay kong anak na itago ito at this year ko nga ibibigay sa kasamahan ko. Napakasaya niya ng iabot ko ang gitara, ngunit higit na saya ang naramdaman ko habang kinakalabit niya ito. Dahil kahit papaano ay nabigyan ko siya ng pagpapahalaga at alam ko na nabubuhay na ang tiwala niya sa kanyang sarili.

Paguwi ko sa bahay, nakita ko ang PM ng kanyang maybahay at sinasabing  naboost ko ang ego ng asawa niya.

I told her that I am just doing what I know is good for my friends. At isang wonderful person ang husband niya. She is lucky to have him at ako ay extremely luck to have a friend like him.

—-00000—-

“And friends are friends forever. If the Lord’s the Lord of them. And a friend will not say never. Cause the welcome will not end.” –  Michael W. Smith

Ang bilis ng isip

During my flight home in one of my vacations, I was with a group of OFWs from Oman who had their connecting flight through Bahrain. They were all first time OFWs and that was also the first time they were going on vacation. I heard lots of stories I from them,. About the hardships, loneliness, boredom, complaints about their Bosses, their colleagues at work (other nationalities), the food, accommodation, however, the excitement and the happiness of finally going home after two years showed in the tone of their voices and in their faces.

Mga eleven (11) silang magkakasama at nagmula sa ibat ibang panig ng Pilipinas. Maingay sila pero di naman nakakairita ang kaingayan dahil nga dala ng excitement, nakakaengganyo pa nga makinig sa kuwentuhan nila. Mga pangarap, mga balak sa bakasyon, mga pananabik, at meron pa ngang kung paano nila masosolo ang misis nila sa unang gabi ng bakasyon.

During the flight ay kuwentuhan pa rin sila ng kuwentuhan, magkakatabi kasi silang lahat ng upuan e. Ang katabi ko ay medyo naiingayan at nagrereklamo. Pero nung tinanong ko kung ilang taon na siya nagaabroad, sabi niya ay 8 years na, sinagot ko ng “di ba ganyan ka rin kaexcited noong unang bakasyon mo?” Tumigil na siya sa kakareklamo, nagplug ng earphone sa tenga at naglagay ng piring sa mata.

I learned that this group ay nagwowork sa isang oil drilling company at offshore ang assignment, kaya kako lalong malungkot at di ko sila masisisi kung ganun sila kaexcited. Mahirap ang magtrabaho na puro dagat ang nakikita mo sa paligid buong araw. Buong flight ay kuwentuhan sila ng kuwentuhan habang ang ibang pasahero ay nagsitulog after ng dinner.

Noong makalanding na ang eroplano sa NAIA and taxiing papunta sa arrival chute, nagtayuan ang grupo. Kapansin pansin na sila lang ang nagtayuan. Sinaway sila ng stewardess and was told “Please sit down, the plane is still moving and the seat belt sign is still on.”

E talaga yatang excited na excited, di umupo at binubuksan ang overhead compartment. The Pinay stewardess asked them to sit down “mga kabayan, maupo po muna tayo, maya na po tayo tumayo kapag nakahinto na ang eroplano, kapag nakaoff na po ang seat belt sign saka po tayo magsitayo”

Still the group did not sit down, and by this time marami na ring pasahero ang nagtatayuan. Ginagaya na sila.

Then came the announcement ng Pinay stewardess over the PA system.

“Mga kabayang pasahero, nakikiusap po kami na kayo ay magsiupo muna. Tayo po ay umaatras at ang ating piloto ay di makita ang likuran dahil nakatayo po kayo.” ang announcement ng Pinay stewardess.

Ang tawanan ng mga pasahero ganun din iyong mga nakatayo. Nagsiupuan silang lahat.

What a smart and creative Pinay stewardess that was. You could imagine what she can do in case of emergency.

Makes me proud of being Filipino.

—-00000—-

“Discover us. We’re innocent now. Deliver us. Ingenuity right now
Discover us. They’re amateurs now
Deliver us. Ingenuity right now” – Ultravox