Amigo. Pheuxin. Freund. Sadik. Yujin. Chingu. Pengyou. Paano man sabihin, magkaibigan tayo.

Last month na nasa bakasyon ako, I had the chance to meet old friend, former classmates at mga kamag-anak. Ang kuwentuhan, balik tanaw sa nakaraan at ang mga tuksuhan ay talagang napakasarap sa pakiramdam. Ngunit wika nga e, may kanya kanya na kaming buhay at may mga buhay pa na tatahakin. Ang mga pagsasamahan noong araw ay sa ala-ala na lamang, subalit ang init pa rin ng pagkakaibigan, ang kasabikan sa pagkikita at ang pakikipagtalastasan ay naroon hindi nawawala.

May isa akong kasama noong College, ibang kurso nga lamang siya na nitong mga nakaraang ilang taon ko lamang naka-close. Medyo nahihiya siya sa aming mga batchmates/schoolmates dahil nga sa kalagayan niya sa buhay. And I remember pa nga, na ang aming samahan ay nagkaroon ng parang search for most outstanding na kasama. I will not mention kung ano ang aming samahan, for the sake of keeping our modesty.

Naroon na ang mga pangalang nababanggit ay mga pulitiko, mga nagkaroon ng mas mataas na kurso (Ph D, MBA, etc) o mataas na puwesto sa gobyerno at sa kanilang mga pinapasukang kompanya. I commented na para sa akin, ang pinakamatagumpay na kapaaralan (schoolmate, co students) sa aming grupo ay iyong mga katulad noong mga naging Guro, naging isang Researcher sa Department of Agriculture, o naging isang empleyado sa DWSD. Kasi ang mga ito ang mas maraming kaluluwang naakay, mga isipang nahubog at mga contributions na aanihin ng mga susunod na generation. Ang pagiging outstanding ay di nakukuha sa yaman, sa position, sa taas ng pinagaralan o sa power. Nawala na ang panukalang most outstanding na iyon.

Balik tayo sa aking kasama. He is very talented at multiskilled. At hanga ako sa kanyang maybahay na naiintindihan ang kanilang kalagayan. Kung may isang lalong nagbuklod sa amin, iyon ay ang musika.

May binili akong gitara sa Cebu noong isang taon, at ibinilin ko sa panganay kong anak na itago ito at this year ko nga ibibigay sa kasamahan ko. Napakasaya niya ng iabot ko ang gitara, ngunit higit na saya ang naramdaman ko habang kinakalabit niya ito. Dahil kahit papaano ay nabigyan ko siya ng pagpapahalaga at alam ko na nabubuhay na ang tiwala niya sa kanyang sarili.

Paguwi ko sa bahay, nakita ko ang PM ng kanyang maybahay at sinasabing  naboost ko ang ego ng asawa niya.

I told her that I am just doing what I know is good for my friends. At isang wonderful person ang husband niya. She is lucky to have him at ako ay extremely luck to have a friend like him.

—-00000—-

“And friends are friends forever. If the Lord’s the Lord of them. And a friend will not say never. Cause the welcome will not end.” –  Michael W. Smith

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s