Longsilogatsam – Longganisa Sinangag Itlog Atsarang Ampalaya

My friend Rodel requested me to prepare Longganisa para raw siyang food after the Bible Study ng Saturday evening. But then, I decided na gumawa na rin ako ng Atsarang Ampalaya para kako match na match talaga sa Longsilog.

Unknown sa marami, expert ako sa meat processing. I gained my expertise way back in early 90’s noong ako ay nagwowork sa farm ng kapatid ng university president naming. Napadpad ako sa meat processing, generalize na natin na food processing kasi nung dumating ako sa farm niya, nakita ko ang difficulties ng pagbibenta nila ng produkto nila. Angmga baboy na binibili ng mga magkakatay ay pipintasan tapos babaratin na. Me makita lang na isang medyo pangit ang hitsura na baboy ay pipintasan na lahat at doon na maghahaggle ng presyo. Another factor ay ang mga itlog at fruits na harvest sa farm. Ang mga basag na itlog ay murang mura na nabibenta, ang mga mangga ay nabubulok na lang.

So first order of the day, ay katayin ang mga mukhang pangit na baboy at huwag nang isama sa ibibenta para di bumaba ang presyo. Ang kinatay na baboy ay ginawa naming tocino, at longganisa. Noong una, suwerte na naming makabenta ng 10 kgs isang araw. Then, I decided to learn processing. Punta sa NMIC, sa DOST, at dalaw sa dati kong kaibigan way back my RFM days, si Aling CDO. Mga tips sa paghahandle ng karne, pagkatay at pagkucure. Tapos, sa NMIC sa Valenzuela mga pageexperiment ng timpla.

To cut the story short, natuto ako at namaster ko ang pagpaprocess ng meat. I left that company na ang benta namin ng processed meat ay umabot ng 500kg a day, plus ung by products ng processing like ribs, ulo, laman loob ay niluluto sa itinayong Cafeteria, ang basag na itlog ay sa Bakeshop.

Noong narito na ako sa bansang ito, wala akong mabilihan ng ingredients. So I have to innovate. Wala Anisado Wine, e sa pangalan pa lang Wine na agad.. bawal na bawal dito. Even the meat, walang baboy. So make do with whatever are available.

Longganisa muna ang ishare ko.. Skinless muna. Iyong Longganisang Supot ay next time na.Sukatin ko ang ingredients using household measure baka bumili pa kayo ng mga mamahaling pangsukat ng ingredients. Ang me xxx ay puwedeng wala sa bansang bawal ang baboy or kung ayaw mo ng baboy. Ang ipalit ay 1 kg na ground beef or ground chicken. (NOTE: kung baka o manok ang gagamitin, dahil wala itong taba ay dagdagan ng 1 kutsarang baking powder ang ingredients, in place of the taba)

  •  Laman ng baboy, giniling – ¾ kilo (xxx)
  • Taba ng baboy, giniling – ¼ kilo (xxx)
  • Asin – 1 kutsara
  • Curing salt , Sodium Nitrite – ½ tsp (Optional ito, puwede wala basta within 2 weeks na frozen ay kakainin na ninyo) (xxx)
  • Phosphate blend – 1 tsp (tunawin sa konting tubig) (xxx)
  • Asukal, refined – mga 8 hanggang 12 kutsara, depende sa gusto ninyong tamis
  • Bawang, tinadtad – ½ tasa
  • Anisado wine – 2 kutsara (dito sa bansang ito wala niyan kaya ginagawa ko iyong Star Anise ay ilalagay ko sa mainit na tubig, then papalamigin at sasalain) (xxx)
  • Toyo – 4 na kutsara
  • Paminta – 1 kutsara
  • Cornstarch – 2 kutsara

Ayos na. Paghaluhaluin lang. Halukayin. Kalikawin. Ichill sa ref for half day. Tapos iwrap na sa plastic wraps ng 1/2 inches diameter by 4 inches haba.

Me skinless longganisa ka na.

Pag dito sa bansang ito ay ground beef or minced chicken ang substitute sa baboy. Ang aking tip: ang bilhin ninyo ay iyong Americana Brand na ground beef, iyong square at sa Al Watania Brand naman sa minced chicken.

TIP pa: Sa Pinas naman, makakabili ng ingredients sa meat processing sa J – Channel Ingredients Corporation sa Reina Regente Binondo at natatandaan ko doon sa pangatlong building sa Apacible St, sa may tapat ng PGH. Ilalim lang ng hagdan ung tindahan ng ingredients na iyon.

Part 2 naman tayo. At ito ang healthy healthy naman.

Di ko na lang matandaan kung si Ma’am Grace Gupana, founder ng ABS Bitter Herbs ang nakaringgan ko ng salitang ito way back in 2003: “kung alin ang mapait, ung ang nagbibigay ng sustansya sa ating katawan, at ang masasarap at matatamis ang nagdudulot ng mga sakit at kapansanan..” (Di ko na lang tinanong kung iyong papaitan ay maganda rin sa katawan.) Ganun din naman sa buhay e. Pag puro ka sarap, tamis at ginhawa, nagiging mahina ang iyong pundasyon para sa hinaharap. Ang mga pait at kabiguan ang siyang nagpapatibay sa atin at nagpapaangat ng ating pagkontrol sa emosyon at pagpapatatag sa pakikibaka sa buhay.

At dito na papasok ang ating Atsarang Ampalaya. (I can make Atsarang Ampalaya in 30 minutes, to borrow Boy Logro). Madalas kong gawin ito dito sa bansang ito at ang aking mga kasama at kaibigan ay nagustuhan naman. Kaya nga ishare ko ang aking recipe. Madali lang gawin ito, basta enjoy ka lang habang piniprepare mo ito.

Mga sangkap:

  • 1 kg ampalaya
  • 1 pirasong luya, mga 3 in ang haba
  • Asin
  • 2  tasa asukal
  • 2  tasa suka
  • paminta, durog
  • 1/2 tasang tubig
  • 2 pc carrot katamtaman (pangdekorasyon lang ito)

Paghahanda:

  1. Balatan at hiwain ang luya ng mga 2 in by 1/4 in (teka, hindi ganyan.. medyo nipisan mo ng konti)
  2. Hatiin ang ampalaya, tanggalan ng buto (dapat nakangiti ka para di pumait.. ayan, parang magpapakodak)
  3. Balatan ang carrot at ukitan ng 3 times pahaba sa tagiliran (paikot.. hindi tabi tabi. 120 deg ika nga sa geometry)
  4. Hatiin ang carrot ng pahalang mga 1/8 in ang kapal (iyan ganyan.. o di ba, parang bulaklak ang hitsura)
  5. HIwain ng pahalang ang ampalaya, mga 1/8 in din ang kapal (huwag aalisin ang ngiti iyong labas ang dimple)
  6. Budburan generously ng asin ang ampalaya at lamasin.. (generously sa asin ang sabi ko, hindi sa paglamas) set aside mo muna
  7. Ilagay sa isang kaserola ang tubig, luya, asukal at ½ kutsaritang asin,  tapos 2 kurot na pamintang durog (kurot kako, hindi dakma)
  8. Pakuluan for 10 minutes para ang luya ay lumasa (teka, 9 minutes pa lang, huwag mo muna patayin)
  9. Idagdag ang suka, saka patayin ang apoy ng kalan (patay agad ang kalan, ewan ko pero pag ganito ang ginagawa ko, napakacrispy ng ampalaya)
  10. Palamigin ang mixture. (i said palamigin, hindi papaypayan para lumamig)
  11. Lamasin ang ampalaya at pigain (mild lang, pambihira ka namang maglamas)
  12. Rinse the ampalaya.
  13. Kapag malamig na ang mixture, ihalo ang ampalaya at carrots.. (sige….halo.. halo.. sige halo pa!)
  14. Isalin sa garapon na glass trying na ilagay sa tabihan ang carrots  para magandang tignan, (ayan ganyan, o di ba, me decorationg carrot flowers..)
  15. Pag puno na ang garapon ng ampalaya, punuin ng sabaw.. iyan.. ganyan…dahan dahan

Let it stand sa room temperature for 12 hours, bago ilagay sa ref.. puwede na iyang kainin.. ..so crispy…

Teka di pa tapos…

Bago kainin, magsaing ka na muna. At habang nagpapainin ng sinaing, isalang mo na ang kawali at magprito ka ng ginawa mong longganisa.

Yum yum yum!!!

—–00000—–

“I’ve got life , I’ve got my freedom. I’ve got the life. And I’m gonna keep it
I’ve got the life. And nobody’s gonna take it away. I’ve got the life” – Nina Simone 

4 Comments

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s