Bulag na masahista

Tuwing bakasyon, ako ay nagpapamasahe sa mga bulag na masahista sa Robinsons. Una, magagaling talaga sila despite the fact na hindi sila nakakakita. Pangalawa, nakatulong ka sa kanila. Instead of sa mamahaling Spa or mga propesyonal na PT’s na ang tataas sumingil, e dito na sa mga bulag na nagpipilit mamuhay ng normal ako magpamasahe.

Envigorating at talagang nakakatanggal ng stress ang masahe nila. What continuously amazes me is that iba’t iba ang kanilang mga nasisirbisyuhang taon, iba’t ibang taas, laki at physical built pero they are able to locate where to apply pressure and rubs.

This time around, ay whole body ang pinamasahe ko, and I was led to a room na kung medyo berde berde utak mo ay aakalain mong sa ibang masahihan ka nakapasok. Mga late 40s na ang naassign sa akin at kako sa sarili ko, beterano ito, mahusay lalo.

True to my expectations, mahusay talaga. At sabi pa niya na parang marami daw akong lamig lamig sa katawan. Tiyak daw na didighay ako, or uutot after na ako masahehin niya. I asked him how did he learn pagmamasahe and for how long na. Sagot niya ay me nagturo lang sa kanyang kaibigan niya, tapos paextra extra lang daw siya noong una. Tapos kumuha siya ng license at naging regular na masahista na siya, both sa puwesto, sa bahay or home service. Mas maganda raw pag sa bahay or home service dahil buong buo ang bayad sa kanya. Kaya lang pag daw ganun, madalang daw naman ang kustomer. E sa puwesto na pinapasukan niya, pag pangkaraniwang araw ay nakaka 5 pasyente siya, at kapag sabado at linggo ay 10 hanggang 15. Depende sa nature ng masahe (upper body sitting, upper body lying, whole body sitting or whole body lying), ay kumikita siya ng 50 – 80 pesos bawat pasyente.

Paano mo naman nalalaman na tama ang binabayad sa iyo. Tiwalaan lang daw at ang kanilang amo sa puwesto ay isang Kristiyano, wala pa silang karanasan na nadaya sa bayaran. Ang mga tips naman na sa cashier iniaabot ay buong buo ring ibinibigay sa kanya.

I asked him about his family, ang he told me na nakapagpatapos na siya sa college ng 3 anak, 2 nasa highschool at 2 nasa elementary. Iyong 3 anak na tapos na ay nakakatulong na nila sa pagpapaaral ng mga bunso. Humanga ako sa kanya at sabi ko sa sarili ko na “heto ang isang tao na pinagkaitan ng paningin, pero napakalaki ng pananalig sa Diyos, sa kapuwa at ginagawa ang paraan upang siya ay mabuhay ng marangal at di umaasa sa iba.”

Sinabi ko na bilib ako sa kanya at nagawa niyang itaguyod ang kanyang pamilya at mukhang napakasaya ng buhay niya kahit na siya ay ganoon. “Ay totoo ka po, mabait ang Diyos. Alam ko po na pinagkaitan ako ng paningin, pero ang Diyos ay binigyan ako ng katawan, isip at puso upang mamuhay ng normal, kontento at maligaya.”

Pahabol na tanong ko sa kanya nang matapos ang masahe…. “anong sikreto mo at kahit na kahit na bulag ka ay nakapito (7) kang anak?”

Masigla niyang sagot, “Bulag po o hindi, pareho lang po na sa dilim gumagawa ng anak….”

I gave him a generous tip.

—-00000—-

“Di nalalayo sa ‘yo ang tunay na mundo. Marami sa ami’y nabubuhay nang tulad mo. Di makita, ‘di madinig, minsa’y nauutal. Patungo sa hinahangad na buhay na banal” – Freddie Aguilar

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s