Parking please..!!

Noong ako ay nagwowork pa sa isang Multinational Company sa pinas as VP ng Sales, Marketing and Business Development, madalas ay nakakasama ko ang Manager ng aming Technical Support sa mga meetings sa customers. He is such a nice person, magaling at matalas. Mabilis siyang umaksyon at madalas pag me problema o trouble sa mga installations naming sa customer, nauuna pa siya sa mga tauhan niya.

Kakalipat lang namin noon sa Philippine Stock Exchange (Tektite) West Tower sa Pasig, at siyempre, nakakapanibago ang environment kesa dati naming office sa West Avenue. It was considered as the second Makati that time, at talagang ang area ay nagkalat sa mga modern facilities.

 One of the bago sa paningin ay ang Parking Area ng building, which is in the 3rd Floor. Me automatic gate railguard na pipindutin mo ang button ng parking ticket dispenser bago umangat ang railguard pagkalabas ng ticket. Ang ticket na iyon naman ay iyong isusurrender sa cashier, isuswipe sa machine para makita kung ilang oras ka nagpark at correspondingly iyong bayad mo for your length of stay sa parking.

One day, tinawagan ko sa planta si Manager ng Technical Support para patingnan ang problema na isa naming customer sa may Cainta. That time ay beeper or pager pa ang IN na gadget. Me cellphone na rin iyong Motorola Microtac. Tumawag siya sa akin noong nasa parteng Mandaluyong na siya (wala pa ang C5 noon) at sabi sa akin ay samahan ko raw siya. Sabi ko bababa na lang ako, huwag na siya magpark, maghintay ako sa harap ng lobby.

Nakarating kami sa customer, naayos ang problema at pabalik na kami sa Tektite when he told me, kailangan niya pumunta sa HR dahil me isubmit siyang mga papers. Pagdating naming sa me Tektite sabi ko sa kanya e sa 3rd Floor na magpark, para makita naman  niya ang bagong style ng parking.

Pagakyat namin ng Driveway to 3rd Floor, huminto siya sa tapat ng ticket dispenser at sinipat sipat ito. Then, he exclaimed: “Ah, okay nakita ko na.” Sabay turo sa butas butas na parang speaker. Tapos, nakita ko inilabas niya ang ulo niya sa bintana ng sasakyan, itinapat ang bibig niya sa butas butas at narinig ko siyang pasigaw na nagsalita.

“THIRD FLOOR PLEASE!!”

—-00000—-

“I wouldn’t change a thing about it. This is the best feeling. This innocence is brilliant, I hope that it will stay.” – Avril Lavigne

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s