Business Development 101

Masarap na mahirap ang aking trabaho na nakalinya sa Sales, Marketing and Business Development. Masarap dahil very challenging, future focused ka at maraming bagay at pangyayari sa merkado ang iyong iaanalyze para sa development ng kompanya, lalo na at isa kaming industrial product oriented na organization. Idagdag pa ang diversity ng aming product at service line. Lagi kang bukas ang isip, ang tenga at ang mata sa mga pangyayari di lang sa isang maliit na lokalidad, kundi sa buong bansa at sa buong region ng GCC.

Mahirap naman, in the sense na ang paggalaw sa nais mong direction ay nakasalalay sa maraming mga personalidad, maraming groups at positions. Ang daming variables at demographics internally. I am just talking about “internal” which is ang pinakamahirap na kontrolin.

Nariyan ang iba’t ibang lahi, na ang kultura ay different from the gogogo, walang di puwede at madiskarte na attitude ng mga Pinoy. You will find it hard to convince them to adopt a new system, new product, new technology, lalo na at ito ang diktado ng merkado. Next ay ang position. Ay naku, dito ako talaga natutuyuan at tinutubuan ng varicose veins sa leeg at ulo. Ang dami kasi incompetents, ang walang alam at puro utos lang ng utos, maging ang kanilang iniuutos ay di nila alam. Nagkakandaihi sa galak matawag na manager, specialist, consultant, pero wala namang alam. At sila ang napakahirap na pagalawin, more so sa isang bagong product, service, strategy o technology. Katuwiran ng mga iyan, I am the Boss, my people will do things for me. I don’t care what you are saying, kahit na iyan ay future ng ating business. As long as I receive my salary on time, receive my cup of tea every 30 minutes, I don’t give a damn.

Next ay ang competency. Mga Most Valuable Players (MVPs) ang mga incompetents when it comes to “Claim and Blame Game”. Pag credit, kanila, isushoot nila, free throw na 10 footer pa. Pag blame na, ipapasa na nila, di na iyon ididribble man lang. “Everybody is to blame, except me, I always do my best and I am always the best” ang kanilang golden rule. Sila iyong ang mga isinasubmit na mga credentials ay mahihiya ang pinagpatong patong na 4 volumes ng encyclopedia sa kapal (which is logarithmically proportional sa kapal ng kanilang mukha).

In late 2008, sa aking pagsasaliksik sa merkado, nakita ko na dapat kaming magreorient ng focus ng aming capability para sa paghandaan ang malaking pagbabago ng demand. Technology, mode of service at packaging ay magbabago sa susunod na dalawang taon. May produkto kami na magiging obsolete na, parang Betamax na papalitan na ng ilang salin ng teknolohiya until DVD BluRay. Sa serbisyo naman ay mula sa Construction patungo na sa Operations and Maintenance. I submitted several research and position papers, defended it to management and was given the signal to proceed discussing with the execution groups. Nobody paid attention. Kasi siguro

1. Di na aabutin ng kanilang kakayahan, ayaw mag-aral,

2. Katamaran. Kung maaari lang ay walang trabaho para masarap ang buhay, sumasahod pero walang projects o benta,

3. Ready excuse. Kung noon nga ay di nila mameet ang target at nahihirapang magdahilan, pagpasok ng bagong technology may rason sila kung bakit bagsak.

4. And the favorite at gasgas na gasgas na, “we don’t have the manpower”… (dadagdagan pa ng we are still grooming our people, hehehe 5 years na grooming pa rin, kaya di na nawala ang amoy ng mga lekat e)

To cut the story short, kahit na anong pukpok ko, away away, taasan ng boses (pero ako ay umaarte lang, dating artista e, pang Best Actor na galit galit kuno, ano ako magpapahighblood, let them mahighblood at maatake sa puso), walang nangyari. Hahaha. Daming pinagdaanan ano?

Napagtulungan pa ako. Nagkaroon ng reorganization at ako ay parang itinapon sa isang tabi. Nagkampi silang mga buktot ang hangarin. But, I delivered noong ako ay nagsolo. Kasi kako, I have to do something dahil babagsak ang grupo na hawak ng mga buktot. Me mga long term contracts akong nakuha, to somehow tide us over the critical years pag pumutok na ang kalokohan ng mga bloody buggers, ika nga ng mga British.

Thank God, may 4 pinoy at 1 isang Indian (1 out of 1,000,000) ang naniniwala sa aking mga pananaw. They were with me, morally, emotionally and “culinarily” (pagkain).

It happened na nga. We are experiencing drought na. Then, this week, I was told to plan a recovery roadmap para sa mga nawalang opportunities.

Salamat ke Bien. Salamat ke Rey. Salamat ke Rodel. Salamat ke Marino. At ke Sathish.

—-00000—-

“I’m convinced that what’s needed here. Is not more sympathy but a little more discipline
Your egos wrappin’ itself round my long thin neck. I am surrounded by incompetence. Why can’t all these people understand.” – Foetus

2 Comments

  1. I simply want to say I am just very new to blogging and certainly liked this web site. Likely I’m likely to bookmark your website . You actually come with exceptional articles. With thanks for sharing with us your web site.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s