Di nangangailangan ng pera?

Nabasa ko sa isang article ang tungkol  kay Heidermarie Schwermer isang mamamayan ng Hamelin, Germany na namuhay sabi niya, na hindi nangailangan ng pera. Naengganyo akong basahin ang article tungkol sa kanya dahil sa titulo nga nito na Living Without Money at gusto ko malaman paano siya namuhay ng walang pera.

Isang refugee noong World War II, isa silang may kayang pamilya sa Prussia noong 1940s.Naalala niya na mayroon siyang yaya at isang full time gardener. Nawala ang lahat noong magkaroon ng digmaan. Napadpad sila sa Germany at doon nagsimula uli sa buhay hanggang maibalik ang dating antas ng kanilang kabuhayan. “We became rich again and we had to defend it. I’ve always had to justify myself, whether we were rich or poor.” Ang sabi niya.

Sa dokumentaryo tungkol sa buhay niya, makikita siya na kumukuha ng mga tirang produkto, at ipaglilinis ang isang tindahan kapalit ng pagkain. Nakakatanggap siya ng dami mula sa mga kaibigan at ang din a magkakasya sa hila hila niyang tampipi ay idinodonate niya.

Bahagi ng pilosopiya niya ay ang magkaroon ng pananalig sa di nakikita. Hindi siya nagpaplano ng kanyang buhay. Ipinapaubaya niya ito sa tadhana maliban sa small notebook she uses to keep track of her scheduled speaking engagements and housing arrangements.

“I see a lot of miracles in my daily life. For example, in the beginning I found food. I thought about things and then I found them in the street or people came to bring them to me,” she explains. “Now, more and more young people want to change something in their lives and often they don’t know what they can change,” she says. “I changed something in my life.” She turned down invitations to extend her stay sa mga pinakikipanuluyan niya, kasama na rin ang permanenteng paninirahan.  Mayroon siyang pamilya at tanggap ng mga ito ang kanyang pamumuhay.

Maganda ang kanyang ipinakitang halimbawa, pero katulad ito ng ideyalismo ni Karl Marx na di nagtagumpay sa komunismo. Namumuhay siya sa pera ng iba. Kung sa pagtitipid ang paguusapan, puwede pa itong pumasa sa akin. At kung paguusapan ay ang diwa ng pagdamay ng ibang tao, pasado pa rin. Pero, ang hindi pasado sa akin, ay ang iasa sa iba ang iyong buhay. Habang binabasa ko ang article tungkol sa kanya, unti unti na nawala ang aking paghanga, dahil taliwas ito sa ipinaguutos ni Lord, “sa iyong pawis manggagaling ang iyong kakainin, “ at sinabi ng Beatles..”that a man must break his back to earn his day of leisure”.. Ang tunay na diwa ng pagtulong ay naroon sa IKAW mismo ang dapat magpaunlad ng sarili mo, upang MAKATULONG sa kapuwa. Hindi iyong lahat tayo ay aasa sa iba. Sino pa ang magsisikap?

Dumarami ang kanyang tagahanga, at ako ay natatakot that they miss out the philosophy of what she is doing. Na baka gayahin sila at “irequire” ang mga kaibigan, kamaganak, kahit sino na sila ay pakainin at bigyan ng tirahan. Then, if that happens, who will work now? This world has become a charity institution.

Isa pang worry ko, maayos at tinatanggap siya sa ngayon, dahil malusog siya.. paano kung siya ay magkasakit? Paano siya magpapagamot? Sino ang gagamot sa kanya? The idea expressed in Matthew 6:26 “Look at the birds of the air; they do not sow or reap or store away in barns, and yet your heavenly Father feeds them. Are you not much more valuable than they?” is not that of indolence or aasa sa Diyos, kundi, faith in God. Pananalig na tayo ay may makakain, kahit na ano pa ang iyong work. Importante ang work. Ang ibon, hindi iyan kakain KUNG HINDI TUTUKA. Hindi sinabi sa verse na iyan na isusubo ng Diyos ang pagkain.

Mas maganda sanang tingnan kung si Madame Schwermer ay kasama ng kanyang pamilya, doing work for them, being happy with them and sharing all the blessings that come her way sa ibang tao.

Perhaps the true philosophy is not Living Without Money, but Living and Earning Money to be able to help others. Hindi ang magpayaman, magkamal ng salapi upang maging makapangyarihan.. that is what others think. That is their philosophy, to have more money to enjoy the luxuries of life. Luxuries of life is found in simple things. It is just a matter of appreciation. You can feel the luxury of life by just walking in the park, eating kwekkwek, pisbol, having picnic sa bundok, or praying inside a church. Luxury of life is being happy, not with material things and pinakamahalaga, nakakatulong ka at nagiging mabuting halimbawa sa iyong kapuwa. Dapat bawat isa sa atin ay iyan ang attitude.

Then, each one has the capacity to help. And this world will be a happy, loving and peaceful place to live in.

I’m willing to be criticized for what I said above. But I will never waiver on my belief that “each one of us were given life, skills and talent by God, use it to improve EACH OTHER’S lives.” That is the law of coexistence. That is the law or God.

—-00000—-

“Workin’ for a livin’, livin’ and workin’. I’m taking what they giving ’cause I’m working for a livin’.” – Huey Lewis and the News

1 Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s