Teamwork opportunity

There were these three Salesmen

Sent to a remote place by their Manager

“I want you to produce sales

On our line of shoes.” he firmly ordered

“Our Market Researcher reported

There’s a big potential in that place”

Off the three Salesmen went

After three days, the fist one reported

“Sir, I cannot find the place.

Your Market Researcher did not indicate

Whom to contact and what’s his address”

The next day the second one called

“Sir, we don’t have a market here

People live so backward, I can’t seem to sell

Your Market Researcher did not analyze it well”

The Manager after hearing did some thinking

Maybe they are right, I must fire my researcher

It is when the third salesman rings

“Sir, send ALL of our available stocks here

Our competitor will find it hard to travel here,

People live backward; they will not like to come here

And the people DON’T wear shoes,

That’s a HUGE MARKET waiting.!”

Teamwork starts from the way

We appreciate team mates’ effort

Not making them an excuse for failure

Thought the Manager….

—-00000—-

“Lend me your ears and I’ll sing you a song. And I’ll try not to sing out of key. Oh, I get by with a little help from my friends. Mm, I get high with a little help from my friends.” – The Beatles

Hot and humid (Kōon tashitsu no)

Last week was humid. Lumabas ka lang ng airconditioned na room at tiyak na papawisan ka ng sobra. Add the high humidity to temperature reaching 50 degrees at talagang para kang nasa Sauna Bath.

I went out of the house for a short jog at around 8PM last Thursday para pawisan at matanggal kahit papaano ang epekto ng lunch namin na heavy talaga. I feasted on chicken, deviating from my usual fish, vegetable and fruits fare at pakiramdam ko ay bloated ako. Pagbalik ko from 5 rounds in the 3 blocks area malapit sa tirahan ko, Omar, our car washer-house cleaner-errand man-bantay was cleaning my car. He greeted me and apologized for not having cleaned my car for 4 days. Sabi niya sa akin ay nagkasakit siya dahil sa sobrang init, idagdag pa na on fasting siya dahil Ramadan. Nagcollapse daw siya 5 days ago due to heat exhaustion. Naglilinis siya ng kotse mga 8AM ng nakaramdam siya ng hilo at bumagsak na nga siya. He was diagnosed to be hypertensive at pinagiingat siya sa init.

Then, a friend, a Manager in one Engineering Company here also collapsed and was hospitalized for 3 days. He was then sent home and after nga na makausap ko si Omar, pagpasok ko ng bahay, ibinalita ng kasamahan ko namatay na sa Pinas ang Manager na binabanggit ko.

Sobrang init talaga kaya nga very informative ang nabasa kong tips to avoid heat stroke.

  • Don’t overexert yourself.
  • Drink a quart of fluids an hour.
  • Wear loose clothing light in color and fabric, as well as a hat and sunblock, and stay in the shade or indoors if possible.
  • Open windows and use fans, or turn on air conditioning. If you don’t have air conditioning, go to a public place that does, like a mall, library, or movie theater.
  • Avoid caffeine and alcohol, which can speed up dehydration.
  • Finally, be a good friend – check on your colleagues, co-workers and friends regularly to make sure they’re bearing up under the heat.

Sa ganitong init, di rin advisable sa mga lalake ang lumabas ng nakashorts.

Baka maging hard boiled eggs.

—-00000—-

“It’s hot here at night, lonely, black and quiet. On a hot summer night. Don’t be afraid of the world we made. On a hot summer night. It’s hot in the city, hot in the city, tonight.” – Billy Idol

Bakit sa huli nakikita ang kahalagahan ng isang tao..

Sinundo ko ang kasamahan kong Marketing and Business Development Engineer na nakaassign sa Western Region ng Saudi Arabia, from the airport. He will be here at the head office for 2 days para sa isang seminar workshop in Project Costing at ilang mga lectures from my group tungkol sa instrumentation at bago naming products.

Habang daan ay ikinukuwento niya sa akin kung paano siya tinatrato ng kanyang boss na Arabo sa kanilang office. Dati kasi ay under siya sa akin, at ang aming grupo ng Marketing and Business Development and pinaka active, lively, analytical at talagang ang sipag at ang sigla niya. Then, nagkaroon nga ng mga series of reorganization sa aming kompanya dala ng biglang pagpapaimbulog ng negosyo. Pumapaimbulog dahil na rin sa magandang ipinakita ng grupo ng Sales, Marketing and Business Development of which 6:1 ang ratio ng pinoy sa ibang lahi  maliban sa isang kapuwa pinoy na medyo lihis ang landas at ugali. But this pinoy was already sacked dahil nakita na ang resulta ng mga ginagawa niya.

Grabe daw kung siya ay utusan at bulyawan noong bago niyang amo. Ginawa na raw siyang Secretary, Driver, Aircon Technician, Camp Boss, Collector, HR Officer, Receptionist, at iba pa. Alam ko kung gaano kabigat ang hirap na dinaranas niya sa kanyang boss ngayon at talagang gusto ko man siyang tulungan ay di ko magawa dahil nga ang mas pinaniniwalaan ang boss niya sa itaas. Una, dahil kalahi at ikalawa ay dating galing sa isang napakalaking group ng kompanya dito sa Saudi. Makakapagdala raw ng maraming business.

Pero, hindi nga iyon ang nangyayari, dahil nga ang pumapaimbulog naming negosyo ay biglang naudlot dahil iba ang direksyon ng mga bagong salta na nabigyan ng mataas na posisyon. Bukod sa walang alam at karanasan, naroon ang katamaran at kayabangan. Hindi nila gusto ang pinoy, dahil ang pinoy ay nangangatuwiran at pag mali ay ayaw gawin ng pinoy. Samantalang pag ibang lahi ay oo lang nang oo kahit na patalunin mo sa bangin.

Sa bahay ko siya pinatuloy at sinabi niya sa akin na aalis na siya kahit pa pagbayarin pa siya ng kanyang pamasahe. Di ko siya sinansala, ang payo ko lang ay kung dapat may malilipatan na siya dahil ang misis niya ay balik sa pagaaral ng ibang kurso at ang anak niya naman ay nagaaral pa. Idinagdag pa niya na ang sahod niya ay di na nadagdagan for 2 years, from maliit na starting salary niya in 2007.

After ng 3 days seminar-workshop at ilang mga hands-on lectures ko sa kanya, inihatid ko siya sa airport at sinabi niya sa akin na nagfile na siya ng resignation. Idinagdag pa niya na sa mismong may-ari siya nagsubmit. Malapit na kami sa airport ng mag-ring ang phone niya at ang nasa kabilang linya ay ang Boss niya. Nagagalit sa kanya at bakit daw kung anu-ano ang sinabi sa may-ari. Sinagot niya na wala siyang sinabi kundi gusto na muna niyang magpahinga.

First working day of the week, my Boss told me the owner wants to talk to me. Tinanong ako ng may-ari what made him resign and he emphasized that the company needs him. Sabi ko, ayaw na niya dahil nga hindi siya makagalaw sa tunay niyang trabaho at gusto niya makaahon tayo sa kasalukuyang kalagayan. Ipinaliwanag ko na noong una, bago ginawa ang reorganization napakaganda ng takbo ng negosyo, pero nung me nagmagaling na paghihiwalayin ang sales and marketing at iassign ang bawat isa sa mga GM ng division, parang ipina under mo sa isang bata ang kompanya. Napakalaking insulto sa katulad naming expert at trained sa ganitong trabaho na ipaunder kami sa isang walang nalalaman sa merkado at sa pagbibenta.

The following day, sinabihan ako ng Boss ko na imotivate ko raw siya at ang kasama kong pinoy para di magsialisan. Sagot ko, dalawang bagay lang ang makakapagmotivate sa kanila: Respeto at Suweldo. Treat us as professionals, respect us. And of course, dagdagan ang sahod. Me mga inutil sa kompanya na tumatanggap ng doble kesa sa mga kasama ko.

Importante raw kami sa kompanya.

Doon ko napatunayan, na kahit saang larangan, maging sa pamilya, kaibigan, kapatid, kaklase, kabarkada ang isang tao ay nakikita ang kahalagahan kapag iiwan ka na.

Sabi nga ng dakilang lider na si Mahatma Gandhi  You don’t know who is important to you until you actually lose them.”

Hindi natuloy umalis ang kasamahan ko. Nagkaroon ng reorganisasyong organisasyon. Ibinalik ang dati naming grupo.

And he received an increase.

Nadamay pati kami.

—–00000—–

“Sometimes I’m by myself, oh lord, feeling alone. I just look around and check it out and then it’s all gone. I’m still happy to be here. Thankful. Thoughtful. Count your blessings.” – Sly and the Family Stone

Pagkakataon. Coincidence. Itchi. Quiaohe.

A group of expectant fathers were in a waiting room, while their wives were in the process of delivering babies.

Lumabas ang nurse at sinabing sa unang lalake na nanganak ang kanyang anak ng kambal. “Wow, parang sinasadya a, “ ang tuwang-tuwang sabi ng lalake. “Nagkataong nagtatrabaho ako sa Dobol B”

Maya-maya ay lumabas uli ang nurse at sinabi sa ikalawang lalake na nanganak ng triplets ang kanyang asawa. “Wow, okay a. Sa 3M Company ako nagtatrabaho”.

At this point, tumayo ang ikatlong lalake at naglupasay sa sahig at umiiyak. Tinanong ng nurse at dalawang lalake kung may masama ba sa pakiramdam o maysakit ito.

“Wala,” ang sagot ng lalake, “nagkataon lamang na ako ay nagtatrabaho sa kompanya ng 7-Up.”

Maraming pangyayari sa ating buhay that we attribute to coincidence – pagkakataon. Nagkataon na napunta ka sa Cubao, nagkita kayo ng long lost friend mo. Nagkataon na wala kang dalang payong, nabasa ka ng ulan, kaya ka nagkasakit. Nagkataon na me tumawag sa iyo, kaya nakalimutan mo ang utos ng Boss mo. Nagkataon na mainit ang ulo mo kaya mo nasigawan ang iyong anak. Nagkataon na sobrang saya mo, kaya nakalampas ka sa dapat mong babaan.

Sa pagtahak ng buhay, ang lahat ng pangyayari  sa buhay mo, ay bunga ng iyong pagpili sa gusto mong mangyari. Walang puwang ang pagkakataon.

Naintindihan ni Moises ang tamang landas at pinili niya to suffer affliction with the people of God rather than enjoy the passing pleasures and treasures in Egypt (Heb 11:24-26)

Upang tayo ay makatuon sa buhay na may direksyon and not on pagkakataon:

  1. Let the spirit guide your life against the wants of the flesh (Roma 8:13)
  2. Be humble and ituring na everyday and every work is a learning experience (1Cor 3:18)
  3. Have faith na mangyayari ang mga inaasahan natin (Heb 11:1-3)
  4. Continue in doing good (Gal 9-10)

Ang pagkakataon ay sinasadya, akala lamang natin ay nagkataon. Lahat ng pangyayari sa buhay natin ay may kahulugan, hindi pagkakataon. At ang kahulugan nito ay ang Diyos ang nakakaalam.. for He alone knows what is good for us.

—-00000—-

“It’s amazing, it’s perfection. How each little bitty star makes up one big constellation of people getting connectged. It’s truly heaven sent, it’s evident. That love is no coincidence.” – Kelly Rowland

Larong putok

Bahagi ng aking social life at pagmaintain ng kalusugan sa bansang ito ay ang pagdayo dayo namin ng aking mga kaibigang sina Joel, Darwin, Jojo at BJ ng basketball kung saan saang laruan. Dito kami nakakakita ng mga bagong kakilala, mga bagong kaibigan at nakakarinig ng iba’t ibang karanasan at kuwento ng buhay. Ang apat kong kasama ay mga 34 ang average na edad samantalang ako ay past 50 na, ngunit di naging sagabal ang agwat ng edad namin dahil parepareho kaming nakakapagadjust sa mga ugali ng isa’t isa.

Me basketball court sa likuran ng isang malaking supermarket dito ay tuwing Thursday ay doon kami pumupunta. Kadalasan ay mga 5pm kami dumarating at kami ang unang nakakapaglaro, then we will wait for our turn for our next game, kasi meron din namang ibang dumadayo.

One time, sa pangatlong laro namin (yes, kaya ko pa ang 3 laro, 1 to 24 points bawat game kasi wala namang game clock e, at honest game, kasi walang referee), ay isang team ng saudis ang humarap sa amin. Dito kasi, ang national sports nila ay football kung kaya expect mo na puro takbo at matitibay ang katawan ng mga kabataan dito. Ang humarap sa amin ay edad mga 18 hanggang 20.

The game started, at iyon na nga, ang bibilis tumakbo, ang titigas ng katawan, ang tataas lumundag, at ang higpit gumuwardiya. It was a summer, at humid pa, kaya tagaktakan ang pawis ng lahat ng naglalaro. Fundamental basketball ang alam nila, kung kaya ang mga taktika, gulang at veteran’s move ika ay wala sila. Kaya naman nalalamangan pa rin namin.

Modesty aside, ng magumpisa ko silang paulanan ng mga 3 points (2 points sa ganitong laban), hinigpitan ang guwardiya sa akin at mataas sa akin ang guwardia ko. Pero naiikutan ko siya at kadalasan ay sumasabit ang balikat ko sa kilikili at katawan niya.

Natapos ang laro na lamang kami ng 6 points at ang mga Saudis ay lumapit sa akin na tuwang tuwa at ang sabi, “Grandfather, you are very good. Let’s play again next Thursday”.

Naupo kami magkakasama at ang sabi ni Joel sa akin, “Kuya, galing ng ginawa mo, nagulat sila.”

“Pero kuya, ang balikat mo ang baho. Amoy putok.”

“Oo nga.” Ang sang-ayon naman nung tatlong tsutsuwariwap boys.

Agad kong ibinabad ang suot kong mga damit at matagal akong nagshower pagdating ko sa bahay.

—-00000—-

“To change your world it only takes one split second so – watch your step before you leap. It’s all fun and games until someone gets hurt. It’s all fun and games till sorrow.” – Pennywise

Ambisyon

My youngest son, in one of our intimate moments, told me he wants to be a Doctor someday.

“That is a noble ambition my son,” I told him.

Then, I asked him why did he wish to be a Doctor.

“So that I can take care of you and mama when you grow old,”  was his reply.

“Really???” I was caught flabbergasted by such a display of   care for me and my wife.

I followed it up with a question, “and what will your specialization be, dear boy?”

He quickly replied, “Pediatrics. “

Such ambition of anyone of us is brought by our desire:

  • To be above everybody
  • To help others
  • To meet areas where we are strong

Jesus died on the cross to save our sins. He is driven by His desire to show that God is above all, help us sinners, and to meet the area where God is strong, forgiveness.

I realize that my son is also driven by these desires: to show that he is worthy of being our child, to help others, and to meet the area where he is strong – in science and biology.

Oh, he further added that he wants to be a pediatrician to take care of me and my wife when we are old, because by then, we will be ulyanin already – experiencing second childhood. (Philippians 3:14 “so I run to straight toward the goal in order to win the prize, which is God’s call through Christ Jesus to the life above”)

—-00000—-

“There are miracles in life I must achieve. But first I know it starts inside of me, oh. If I can see it, then I can be it. If I just believe it, there’s nothing to it. I believe I can fly. I believe I can touch the sky.” – R. Kelly

Believe in yourself

Dumating ako galing nga bakasyon last year na may isang project na ibibid ang kompanya naming. Ang invitation ay dumating mga 15 days bago ako bumalik dito at me mga inatasan para gumawa ng bawat part ng Technical Proposal at Commercial Proposal. Pero, ang mga inatasan ay wala kahit isa pang nagagawa kaya ang Boss ko ay tinanong ako kung papaano namin ito masisimulan dahil 10 days na lang at kailangan na maisubmit ang proposal. Binasa ko ang scope ng project, which is a long term contract para sa Maintenance ng isang itatayong malaking Petrochemical and Refinery Plant sa Eastern Province ng Saudi Arabia. Hindi na ako nagisip at sinagot ko na lang ang Boss ko ng ito ay bumalik na “let me do it”.

Before going home, I went to my favorite spot sa Corniche, naupo sa favorite upuan at tinanaw ang dagat. I prayed and pleaded to God to help me in this project, because only then I realized that it involves, Instrumentation, Electrical and Mechanical Engineering technologies. I am an Agricultural Engineer by profession and although I was exposed in this disciplines, hindi naman siyempre sa detailed at malalim na kaalaman. I kept repeating “Please Lord, tulungan mo ako”. But then isang tinig ang naulinigan ko na nagsabing, “narito naman Ako palagi, ang paggawa niyan ay nasa iyong mga kamay, ilabas mo, kaya mo iyan, narito lang Ako.”

Nang moment na iyon naunawaan ko na “yes, kaya kong gawin ito, kung gagawin ko, kung ilalagay ko sa isip ko at damdamin na kaya ko, na maraming paraan para kayahin, at hindi ito nakukuha lamang sa pagtawag sa Kanya, kundi sa paniniwala sa sarili.

The risk taker in me took over. Naisip ko na kung hindi ko ihahakbang ang paa ko, gagamitin ang kaalaman at kakayahan ko, ang mga contacts at kaibigan kong malalapitan at mahihingan ng advise, at ako ay mananatili lamang sa comfort zone ko, na everytime may ganitong pagsubok lagi na ako ay “Please Lord” di ko kakayahin kahit na ang magdikit ng nakangiting sapatos ko, or magcompose ng post na katulad nito.

Then pagdating pa sa bahay, pagbukas ko ng email ko ay may nagshare sa akin ng napakagandang mensahe na ito mula kay William Arthur Ward.

 
A WINNER’S BLUEPRINT FOR ACHIEVEMENT
 
BELIEVE while others are doubting.
PLAN while others are playing.
STUDY while others are sleeping.
DECIDE while others are delaying.
PREPARE while others are daydreaming.
BEGIN while others are procrastinating.
WORK while others are wishing.
SAVE while others are wasting.
LISTEN while others are talking.
SMILE while others are frowning.
COMMEND while others are criticizing.
PERSIST while others are quitting.

The following day, I started composing the Work Execution Plan, Contract Implementation Plan, Quality Plan, Safety Plan, at iba pa. Tapos dinalaw ko mga kaibigan ko sa mga General Engineering Services Company at ang mismong customer at nagtanong tanong, nagpaturo, nagpacorrect at humingi ng payo kung paano gagawin ang proposal. Ang aking nasa isip lagi ay mangangailangan ito ng at least 100 pinoy workers at marami na naman akong matutulungang pamilya sa pinas.

Sa medaling sabi natapos ko ang 480 pages na proposal at umabot kami sa takdang araw ng pagsubmit ng bid. Pero bago iyon, nagmeeting kami para ipresent ang ginawa ko. Ang umattend ay ang mismong mga inatasan before na gawin ang proposal na ito. Sila pa ang magagaling na bumatikos at magsabi na mali ang ginawa ko. Tapos ang execution group ay panay ang sabi na di nila kakayahin ang project. As a reaction, sabi ko sa kanila, I am walking out of this room with my proposal and my laptop. Tomorrow is the submission, if you people who DID NOT do anything with this proposal when you were assigned to do this will just keep on questioning me, then do it yourself. And if you execution team will keep telling me that we cannot do this project then forget about the future of this company. We are still living in the Betamax age. You still want to sell Betamax when the whole world is now using DVD BluRay. I have reach the maximum point of my patience. Lumabas ako ng room. Hinabol ako ng Boss ko at sinabing ifinalize ko na raw ung proposal and don’t listen to them. Taragis na iyan. E bakit ba nagpameeting meeting ka pa.

Nakuha namin iyong project.

Tama si William Arthur Ward. Believe while others don’t.

By the way, noong magpirmahan ng contract, di ako isinama. Iyong lahat ng nagmagaling, sila ang naroon sa pangunguna ng Pangulo ng kompanya.

—-00000—-

“Cause everything starts from something. But something would be nothing. Nothing if your heart didn’t dream with me. Where would I be, if you didn’t believe. Would I know how it feels to touch the sky, if you didn’t believe. Believe, believe.” – Justin Bieber