JOKES 2012-03

SINO ANG TATAY
Isang bata ang umiiyak sa may pintuan ng kanilang bahay ang namataan ni Berto.
Berto: Toy bakit ka umiiyak?
Bata:  Kasi po nagaaway ang tatay at nanay ko sa loob.
Berto: Sino ba ang tatay mo?
Bata: Iyon nga po ang pinagaawayan nila!! Waaaaahhhh!!!!
 
PAREHO LANG
Girl 1: Oh I am doomed! That’s my husband coming with my lover!
Girl 2: I was about to say the same-thing too!
 
HEARING AID
Pedro: Ang galling ng hearing aid na ikinabit sa akin. Dinig ko ang usapan kahig na 10 metro ang layo.
Juan: Ang galling nga. Magkano naman ibinayad mo?
Pedro: Menos beynte para mag-alas kuwatro na pare!
 
ROMANTIC
Magkasamang namamasyal si Lolo Kadyo at Lola Kadya sa parke ng makita nila ang isa pang old couple na naghahalikan.
Kadya: Bakit ba di mo magaya ang ginagawa nung lalakeng iyon.
Kadyo: E bakit ko gagayahin? Di ko naman kilala ang babaeng iyon!
 
SALARY INCREASE
Popoy nagdidemand ng salary increase sa kanyang Boss.
Popoy: Kailangan ko ng dagdag sa suweldo Boss!
Boss: At bakit kailangan mo ng dagdag sa suweldo?
Popoy: Tatlong kompanya ang naghahabol sa akin.
Boss: Ganoon? Me lilipatan ka na?
Popoy: Hindi Boss. Hinahabol ako ng Meralco, PLDT, at MWSS.
 
MAHAL NA MAHAL
Tweet ni Manuela kay Poldo. “Mula ng tayo ay magkahiwalay ay di na ako makatulog. Naalala kita at namimiss na kita. Patawarin mo na ako. Mahal na mahal kita.”
Follow up tweet ni Manuela kay Poldo: “Congratulations nga pala. Tumama ka pala sa Lotto.”
 
143
BOY: What is 143?
GIRL: I love you, I need you, I miss you..ano pa ba?
(dumating ang Nanay)
NANAY: ONE HUNDRED FORTY THREE. Tsee! Magsipag-aral kayo. Kabata – bata pa e puro kalandian na.
NEWS HEADLINE
“First Gentleman, ex-PNP Chief Versoza and other PNP officials charged with graft & corruption on PNP chopper deal.”
Sige. Ihanda na ang mga WHEELCHAIRS!
 
HUBOT HUBAD
TITA: “Dok, worried ako sa asawa ko sa kanyang pagiisip. “Nagpalitrato sya kahapon nang hubo’t hubad.”
DOK: “Baka naman mahilig lang sya sa artistic expression. Para saan ung litrato?”
TITA: “Sa driver’s license nya, Dok.”
 
MAGAABROAD
Noon!
CATI: “Mare! Bakit ka nag iimpake?”
LISA: “Mag a-abroad na ko!”
CATI: “Uuy siguro mayaman ka na no?”
Ngayon!
CATI: “Mare! bakit ka nag iimpake?”
LISA: “Mag a-abroad na ko!”
CATI: “Uuy siguro DH ka no?
 
FAITH HEALER
Dalawang babae naguusap habang naghihintay ng Doctor
BABAE1: Ang sarap siguro ng feeling ng may anak ano? Ako, imposible na yata.
BABAE2: Ganyan din ako noon. Pero hindi na imposible. Nagamot na ako.
BABAE1: E ang tagal ko na nagpupunta rito sa Gynocologist na ito di naman ako nabubuntis.
BABAE2: Sinubukan mo na ba sa Faith Healer? Iyon ang nakagamot sa akin.
BABAE1: Ang dami nang Faith Healer ang pinuntahan naming ng asawa ko, wala pa ring nangyari e.
BABAE2: Sa susunod subukan mong pumunta ng di kasama asawa mo.
 
LABOR PAINS
Natatakot si misis sa panganganak niya. Sinabi ng Doctor na meron siyang bagong apparatus na lilipat ang ilang porsiyento ng sakit sa panganganak sa ama ng bata kung gusto nilang subukan. Pumayag si mister sa kagustuhang huwag masaktan ng husto ang asawa.
Iniadjust ang apparatus sa 20%. Panatag si mister. Normal ang blood pressure at di dumadaing ng sakit.
Iniadjust sa 50%. Panatag, normal ang bp at di pa rin dumadaing ng sakit si mister.
Iniadjust sa 75%. Panatag, normal ang bp at di pa rin dumadaing ng sakit si mister.
Sabi ni mister sa Doctor, sa kanya na itransfer 100% ang sakit para guminhawa si misis.
Nakaraos sa panganganak si misis na walang sakit na naramdaman, ganun din si mister.
The following day, puwede na umuwi si misis. Tinawagan ni mister ang driver para sila ay sunduin.
Sumagot ang maid. Patay na ang driver. Inatake sa puso sa sobrang sakit na naramdaman.
 
TULI
Usapan sa pila sa pagpapatuli.
Boy1: Masakit daw sabi ng kuya ko. Di siya nakalakad ng isang araw pagkatuli.
Boy2: Ang kuya ko 10 taon ng tinulian. Dalawang linggo raw siyang di nakalakad.
Boy3: Kuya ko, tinulian pagkapanganak, isang taon at kalahati raw bago siya nakalakad.
 
GOOD AND BAD NEWS
Doctor tumawag sa pasyente.
Doctor: Mayroon akong Good at Bad News
Pasyente: Iyon munang Good News.
Doctor: 24 hours na lang ang itatagal ng buhay mo.
Pasyente: At ano naman ang Bad News?
Doctor: Nalimutan kong sabihin sa iyo kahapon nang magpacheck up ka.
 
THERMOMETER
Nurse1: hoy gaga bakit may thermometer sa tenga mo?
Nurse2: ha? susmaryosep kaninong puwet ko kaya naiwan yung ballpen ko
 
FIELD TRIP SA ZOO
Teacher: Robert, what do you call? (pointing to a deer in the zoo)
Robert: Ewan ko po, mam.
Teacher: What does your mom call your dad?
Robert: Tarantado ba tawag diyan mam?
 
PROBLEMA
BOY: Pag tayo na, magkasama nating haharapin ang mga problema.
GIRL: Pero wala naman akong problema…
BOY: Kasi nga hindi pa tayo. wag kang excited.
 
ONLI IN DA PILIPINS
1.  Doctors go back to school to be nurses abroad
2.  Rats/cockroach are normal house pets
3.  Soap opera is reality and news provide the dramas of life
4.  Actors make the rules and politicians provide the entertainment!
 
TINDERA NG JUICE NAKIKIPAGAWAY SA KUSTOMER
TINDERA:  Hoyy! Huwag mo akong mamaliitin. Kahit na ako ay tindera lang ng juice, ang mga anak nasa UP, UST, La Salle at Ateneo.
KUSTOMER: Wow naman ha! Anong kinukuha nilang kurso?
TINDERA:  Wala! Nagtitinda rin sila roon ng juice.
 

—-00000—-

“Oh, give me a chance to show some affection, let something show. I’m the one that said it, I’m the one who needs you now. Oh, give me love. Give me love and laughter. Give me love, love, love and laughter.” – Graham Russel (Air Supply)
 

1 Comment

  1. I just want to tell you that I am just new to blogging and site-building and truly loved this website. Almost certainly I’m likely to bookmark your website . You really have very good article content. Appreciate it for sharing your website.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s