Ekstorsyon

(Extortion: The obtaining of property from another induced by wrongful use of actual or threatened force, violence, or fear, or under color of official right.)

Isang araw noong nakaraang bakasyon, pumunta kami sa Divisoria upang mamili ng ilang gamit sa pagluluto at T-Shirt na papatatakan na idodonate ko sa isang organization. Iniwan namin si Teroy sa parking ng Dorm ng aking bunso sa may Mendiola at namasahe kami hanggang Divisoria. It was a really exhausting experience pero enjoy naman dahil pinoy na pinoy talaga ang pakiramdam ko ng mga oras na iyon.

Mura ang mga bilihin sa Divisoria, magtitiis at magtitiyaga ka lang makipasiksikan at mainitan.

We went first to 168 Mall and looked for Sanuk and Crocs knockoffs (ang kuripot ko talaga) which are practically 1/4 of the price of originals. Palagay ko after reading this story, lahat kayo titignan ang suot ko and say, “di iyan original”… hahaha. Next we went to the T-Shirt wholesellers  in Juan Luna St. sa may papuntang Binondo Church. By this time, medyo bumabaha na ang kili kili ko sa pawis. It was about 2PM na at nakakapaso ang init ng araw. I took 4 doz of Collared Shirts, 4 colors din. Bitbit ang mga T-Shirts na balik naman kami sa may Divisoria Mall malapit sa kanto ng Sto. Cristo for the empty bottles para sa Atsara production naman. Bitbit ko ang T-Shirts sa kaliwa at ang 100 bote sa kanan, hati kami ng anak ko na lakad na kami papuntang Recto para sumakay ng Dyip, habang ang pawis ko ay bumaba na hanggang bewang at malapit nang paliguan ang aking pinakakaingat ingatan.

Habang papuntang Recto, nadaanan namin ang nagtitinda ng gulay at prutas. Bumili kami ng 2 tumpok ng sili, ung bang variety na inihahalo sa sinigang, at P10 isang tumpok na mga 30 piraso. Gagawa daw ng Dynamite Lumpiya ang panganay ko. Then, I chanced upon Longgan fruit at gusto ko bumili. Medyo supladito ang tindero, mga late teens ang edad at sabi ko, puwede ba magtimbang ka ng ½ kilo? Tinimbang niya ang kalahating kilo, at napuna ko na halos ilang piraso lang ito. Sabi ko, grabe naman iyan parang 2 guhit lang at iniinsist niya na tama ang timbangan niya.

Makikipagtalo sana ako nang me dalawang lalaki na lumapit sa kanya at binulungan siya. Medyo naalarma ako at sinabi ko sa tindero na di bale na lang. Nagalit sa akin ang tindero at sinabing nagpatimbang ako e di naman pala bibili. At iyong dalawang lalaki na lumapit sa kanya ay tinignan din ako nang masama. Deretso ako papalayo pero dinig ko ang sinabi ng tindero sa dalawang lalaki.

“Wala pa nga akong benta e. Balik na lang kayo maya maya.” Na sinagot ng isa sa mga lalaki ng “gusto mo isabog ko ang tinda mo sa kalsada?”

I glanced at them, and I saw the poor tindero na inabutan ng P50 ang dalawa. Nakadama ako ng awa sa tindero despite the fact na sinubukan niyang mandaya noong ako ay bibili sa kanya.

Nakatagpo ako ng tindera ng Longgan sa malayo-layo at nagpatimbang ako ng ½ kilo. Ang dami ng lumabas sa kinilo niya kaya pinagawa ko nang 1 kilo and I narrated what happened to me doon sa una kong sinubukan na bilihan.

Sabi ng tindera: “Oo nga po Sir. Kinokotongan po kami rito ng P50 sa umaga at P50 sa hapon para proteksyon daw, kaya po ang iba e natututong mandaya na sa mamimili.” Proteksyon para saan? Ang tanong ko sa sarili ko. Sa sakit? Sa uhaw? Sa gutom? Sa AIDS? Saan ba iyong proteksyon na iyon, e dapat na proteksyon ay laban sa extortion.

Dito ko naisip ang masaklap na kalagayan ng iba kong kababayan. Nagtatrabaho ng marangal upang mabuhay ng marangal, ngunit, pinagsasamantalahan naman ng ibang tao. At hindi lang pagsasamantala. Talagang tinalampakan ang kanilang karapatan sa isang malinis na pamumuhay. Nakaramdam ako ng galit. Di ko na naramdaman ang bigat ng mga bitbit ko.

Akala ko sa pelikula lang ni Erap at Ronnie nangyayari ito.

True to life pala ito.

—-00000—-

 “Extortion, hit that up, extortion, hit that up. Extortion is the key, I got the key for extortion. Spend your fortune, dead your shorty like abortion.”  – Mobb Deep

2 Comments

  1. I simply want to mention I’m beginner to blogging and really enjoyed you’re page. Probably I’m going to bookmark your website . You definitely come with excellent articles and reviews. Thank you for revealing your blog site.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s