Magtanim ng buhay

Nabasa ko ang isang quote kanina at di ko naiwasan ang di mapangiti. It is somewhat connected sa aking laging sinasabi na “aim for the stars and land on the moon.” Ang sabi nung quote ay:

To get something you never had, you have to do something you never did.” ~Unknown

Tama. Kung mayroon tayong gusting makamit, dapat tayong lumabas sa ating nakagawian.. comfort zone sa English. Sa isang tao na ayaw ng pagbabago, napakahirap nito lalo na kung sa pagtingin sa paligid ay bago ang kapaligiran, ang mga tao o ang mga work na tatahakin. Kadalasan kasi sa atin ay kung ano ang nakasanayan, iyon na iyon. Inirerelate natin doon sa kasabihang “kung saan tayo masaya, doon tayo.”

But this mind set will not get us to our dreams. Noong ako ay nasa una kong trabaho, I got used to working in a production plant. Papasok sa umaga, gagawin ang kung ano ang ginawa nang sinundang araw, na ganun din ang ginawa nung isang araw, na ganun din ang ginawa noong nakaraang linggo at buwan. It is like an LRT where from Monumento to Baclaran and vice versa, you have to traverse the route and the same stations everyday. The only thing that’s different is the volume and type of passengers riding in every trip.

Then one day, I was advised by our VP ng Division na kung gusto ko raw ang work sa Brand Management. Magandang chance kako para maiba ang aking linya ng work, dahil maiexpose ako sa sales and marketing. Kaya lang kako, mahirap yata, but tinanggap ko na rin kasi the monotony of the job started creeping in my system na. Little did I know that the seemingly hard job would come easier than I thought.

The one thing I can tell you about my resistance to change is that it feels like surrendering to a lack of control. It’s very similar to letting go in many ways, which I feel goes hand in hand with a resistance to change. Marami sa atin ang ayaw kumawala sa nakaraan, kahit na ito ay lonely and makes us cry, because it feels more comfortable than doing the thing that scares us so much: letting go and embracing the change that enters our lives.

Paano makakacope up sa changes na sa ating tingin ay mahirap. Inihalintulad ko ito sa pagtatanim. Isang simpleng aksyon ng pagsasagawa ng nais mo sa buhay, pagtatayo ng pundasyon ng iyong pangarap. Ang mga takot at kabiguan can be used to fuel us into getting what we dream of. At ang isang malaking ingredient nito ay ang action. Don’t fret over spilled milk. What we are now ay kagustuhan natin. Hindi ito kagustuhan ng iba. Hindi dahil sa walang nagpahalaga sa iyo, o dahil mas may pinaburan ang Boss mo, o may paborito sa pamilya mo. Ito ay kung paano mo tinatangap ang lahat na ito ay bahagi ng experiensya na siya mong tuntungan sa iyong buhay.

Plant a seed for the life you want to lead. Take care of those seeds, and before you know it, a little leafy green thing will greet you one day. Hindi ito minamadali.

1. May panahon ang pagtubo ng halaman. Walang instant. Tulad sa ating pangarap, this has to be nurtured and cared for. Walang instant Doctor, Engineer, Nurse or instant na bahay, sasakyan o negosyo.

2. Nagbabago ang halaman habang tumutubo. Hindi ito nananatiling buto habang panahon. Pag tama ang sikat ng araw, tubig at nutrisyon ito ay magiging isang malusog na halaman. Ganun din sa pangarap natin, kailangan ang wastong pagaalaga.

3. Sa pamumulaklak nakikita ang kagandahan ng halaman. Ang bawat halaman ay may pangako ng isang masarap na bunga sa kanyang pamumulaklak.

Ang bunga ng isang halaman ay hindi nakikita sa halaman, or in this case sa ating sarili, o sa ating kaanyuan. Hindi ito nakikilala kung gaano ka kariwasa o kaguwapo o kaimpluwensya. Ito ay nakikita sa mga taong nakikibahagi ng iyong bunga. Ito ay nakikita sa mga taong nabibigyan ng ligaya sa iyong bunga. At lalo na kung ang iyong bunga ay gagawin nilang isa pang buto na pananim upang muli ay makita ng iba ang kagandahan.

Hala, hayo na at magtanim ng buto ng iyong buhay kahit na anong hirap, oposisyon o sa tingin ng iba ay wala itong kabuluhan. Sa pagdaan ng panahon, ang kabutihang iyong ipinunala sa isang hungkag na hardin ng buhay ay mapupuno ng ganda at kasaganaan pagdating ng panahon.

—-00000—-

“If you see your brother standing by the road. With a heavy load from the seeds he’s sowed. And if you see your sister falling by the way. Just stop and stay you’re going the wrong way. You got to try a little kindness. Yes show a little kindness. Just shine your light for everyone to see. And if you try a little kindness. Then you’ll overlook the blindness. Of narrow-minded people on the narrow-minded streets.” – Glenn Campbell.

1 Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s