Madaling tumakbo. Paano kung manalo ako?

Lahat tayo ay mayroong “comedic side” iyong side natin na tayo ay tumatawa o nagpapatawa. Kaya nga isa sa mga damdamin na ibinigay sa atin ni Lord ay ang kaligayahan. Walang tao, kahit na ano pang sungit niya, si Miss Tapia, Mr. Balibol, Sir Tukmol, Atty. Agaton, o Engr. Masilya na hindi tumawa. Ang pagtawa ang isa sa pinakamagandang pagrelease ng emotion, next sa pagluha. It lightens up the feelings and it eases away the boredom.

Naalala ko ang Tatay Eladio ko. Isa rin siyang magaling magpatawa. Sa kanyang paraan ng pagpapatawa ay naiemphasize niya ang mga leksyon sa kanyang mga estudyante. Kahit noong siya ay maysakit at nakaconfine sa Philippine Heart Center at later ay sa Quezon Institute, he gained followers sa loob ng hospital dahil sa kanyang brand ng pagpapatawa. His way of seriously happily looking at life. “Ang tatay mo kahit na hirap na hirap na noong bago siya mamatay, panay pa rin ang pagpapatawa sa amin.” That was one of the comments ng isa niyang kasamang pasyente noon sa QI.

Noong bata pa ako, talagang mahilig ako sa mga comedy films. Nangunguna siyempre sa paborito ko si Dolphy (magaling ang timing ng delivery niya), then si Chiquito (ay si Manong Pangan, best in physical antics), Panchito (the best na tagasambot), Babalu, Dely, Chichay, Apeng at iba pa. Sa pangalan pa lang matatawa ka na. Pero karamihan sa kanila ay making fun of their physical abberations, maliban kay Dolphy at Chiquito.

Mahirap ipaliwanag kung bakit natin nagugustuhan ang isang tao o lugar o bagay. Sa komedyante naman ang sagot ko kung bakit ko gusto si Dolphy ay “Katulad ko kasi siyang baliw” Dolphy is smart, nakakatawa talaga at siya ay completely honest. Iyong binanggit ko sa title ng post na ito “Madaling tumakbo, paano kung manalo ako?” is just one of the instances when he showed honesty sa kanyang mga tagahanga. Dolphy is open sa kanyang buhay, sa kanyang mga pangarap, strengths and weaknesses, sa kuwento ng kanyang kabataan, mga kabiguan at tagumpay and what those really mean to him. Honesty goes hand in hand with a passion for creating art. Kaya siguro magaling siyang magpatawa. At kung meron kang namomoved na tao sa iyong pagpapatawa, you make him align sa purpose ng honesty, nagagawang buhayin ang pagasa ng ibang tao. At ito ang ipinagkaiba ni Dolphy. He can easily deliver jokes kahit na the “joke’s on him” kasi di siya nangingimi kung me tamaan, o kung di nakakatawa ang delivery niya, dahil he did it will full honesty.

Muntik ko na siyang mameet personally. Nalate lang ako ng ilang oras. I was supposed to visit my friend one Friday back in 1977, the whole family ay kaibigan ko, who are closely related kay Ading Fernando at Dely Atay-atayan. Pero, me ROTC ako nang Saturday morning, kaya Saturday evening na ako nakapunta. Nagshooting ang John en Marsha sa bahay ni Ading nang Friday at nakaalis na si Dolphy 2 hours ang nakaraan.

But, lucky pa rin ako dahil ang dumating naman ay ang tropa ni Chiquito and shot “Asyong Aksaya” where I was an extra, playing a tricycle passenger ni Asyong.

While in sick bed, Dolphy delivered an honest joke sa grupo ng media “You have killed me many times, huwag n’yo naman akong madaliin, darating din tayo d’yan.”

Sa araw araw na pakikibaka sa buhay, laughter is the best medicine. At dito, Dolphy is one of the best medicine.

Sabi nga ni E. E. Cummings “The most wasted of all days is one without laughter.”

Salamat Pidol for the laughter.

For making us appreciate life.

—-00000—-

“Sit down funny face. Let your laughter fill the room. Light up your golden smile. Take away all your misery and gloom.” – Van Morrison

2 Comments

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s