Negosyo Pagretiro

Lahat naman tayo ay nais na magkaroon ng sariling negosyo because of our inherent desire to manage and control our own source of living. Each one of us wants to come out of employment and start on our own.

Marami tayong naririnig na mga success stories, of people starting their own businesses with very little money and making a fortune, or iyong nakahit it big sa isang negosyo na papaakyat pa lamang ang popularidad. Kaya lang kung meron tayong naririnig na mga kuwento ng tagumpay, mas lamang ang mga kuwento ng failures na di natin nababalitaan dahil hindi ito napapublish. Of course, sino ba ang gusting mapublish ang ating failures?

Ang susi sa isang matagumpay na negosyo ay ang dedication at pagiging smart. Develop in ourselves muna ang willingness to work hard at magtuon ng oras, pansin at dedication sa susuunging negosyo. Walang instant success or instant rich scheme sa anumang negosyo. Kaya huwag nating paniwalaan ang sinasabing madali kang magtagumpay sa isang negosyo or sa trend ngayon sa Pinas sa franchising. Bottom line pa rin ay ikaw ang gagawa ng ikatatagumpay ng iyong negosyo.

Bakit ka magpafranchise ng mahal gayong lahat tayo ay may talento sa paghubog ng isang negosyo. You can buy a food cart from as low as P5,000 and food products and supplies kahit nasaan ka.

I don’t go for franchising. Kasi ang bubuhayin mo rito ay ang franchisor, e samantalang ikaw naman ang lahat ng gagawa. Oo nga at malaki ang suporta na kanilang gagawin sa iyo, pero, pag sinuma mo sa efforts mo at KUNG pagaaralan mo ng husto ang negosyo, ang pera at panahon na gugugulin mo sa pakikipagugnayan sa franchisor ay dapat nagugol mo na sa iyong negosyo. Anyone can develop his own brand, his own pattern of service and product.

Me mga kaibigan nga ako na humihingi ng payo to start as a franchisee sa food cart business, shelling out from P150,000 to P1,000,000. Ang advise ko: Magbasa ng Buy and Sell. They can find Food Carts for as low as P15,000 and Food & Equipment suppliers halos sa lahat ng dako ng pinas. Then, go to the seminars ng mga Franchisee’s, but don’t make any commitment, or go to DOST or TLRC for the same type of seminar.

Ako man ay may mga nais na itayong negosyo sa aking pagretiro. At sa takbo ng pamumuhay sa Pinas na ang mga pinoy ay ginagawang abala dahil sa demands ng mga “wants and desires” natin, driving the Pinoys to work hard, nawawalan ng panahon na para sa mga bagay na dapat ay napapagukulan ng panahon. Example na lang ang technology. Meron na tayong gadget sa ngayon, pero darating ang mga bagong versions o modelo ng mga gadgets na ito tapos puro advertise wetting and heightening our desires for these gadgets. We cover it up by calling it “upgrading”  (iPhone2 to iPhone 4S, or Samsung SIII na ngayon). Ano ang nangyayari? Susubsob tayo sa trabaho upang matugunan ang desires. Mas matindi pa kung pati ang ating pamilya ay sumunod sa desires na ito. Di lang doble, kundi triple o apat na beses ang kayod natin. Resulta: loss of valuable time. Kaya, ang nakikita kong negosyo na magandang simulan ay nauukol sa services.

  1. Kainan – call it a restaurant, eatery, whatever. Ang mga pinoy ay halos wala nang oras na magluto. I have several concepts in mind sa kainan. Dapat me specialization para makapagdemand ng magandang presyo.
  2. Pet Care – marami ang bumabaling ng attention sa pagaalaga ng hayop. Lalo na sa mga young professionals at kabataan. Lahat ng breed ng aso at pusa ay halos alam nila. Ang ilan sa pet care services na maiooffer: feeding and walking, grooming, or visiting a client’s home and caring for their pet while they are on vacation.
  3. House Cleaning – sa mga middle to higher income group, it seems like everyone is too busy to clean their own homes these days. Hanapin natin ang mga kaibigan, kakilala na nangangailangan ng tagapaglinis and we can start small. Ang puhunan ay napakaliit.
  4. Auto Detailing – isa sa mga desires ay ang pagkakaroon ng sasakyan. Status symbol na ito na kahit na ang traffic traffic sa pinas ay nagnanasa pa rin halos lahat ng magkaroon ng sasakyan.
  5. Handyman – halos lahat ng pamilya sa ngayon ay abala sa trabaho at negosyo. Wala na natitira oras sa pagrerepair ng mga fixtures sa bahay. Konting kagamitan lang, skills at puwede na ang negosyong ito

At of course, ang aking pangarap na Food Processing business. Gusto ko namang maiapply ang aking skills sa food and meat processing na nagain ko through the years. Dito ko nakukuha ang tunay na accomplishment pag merong nakagusto sa aking mga processed meat and food. If currently, I do this for my friends at gustong gusto nila, I might as well have this as a business pagretire ko.

But the best ingredient sa isang business to be successful is the winning attitude.

Kaya natin iyan.

—-00000—-

“And we’re all self-employed . We love to work at nothing all day . And we be…
 Taking care of business every day.” – Bachman Turner Overdrive

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s