Cannot go. Cannot back.

Nagstart ako sa dati kong kompanya as the Sales and Marketing Manager for Southern Operations. Me 3 akong branches na hawak, ang Makati, San Pablo City at Batangas City, pero ang pinaka Head Office ko ay ang sa Makati. Medyo shocking ang kultura ng pagtratrabaho na naratnan ko, typical sa isang kompanya na halos magkakaugnay ang mga empleyado. Madalas kong iemphasize ang integridad ng sariling pagkatao at ang pagtatrabaho ng masaya. Respeto lang naman iyan sa isa’t isa e. Ang nakakapagpasira lang sa samahan ng mga empleyado at ng mga namumuno sa kompanya ay ang ibang tao na ang hangad ay ang kanilang interes.

Ngunit hindi ito nakahadlang upang kami ay magkaroon ng magandang samahan sa tatlo kong branches. Sa San Pablo ko nga, ang tawag ay Family Branch, kasi mula Ahente ko hanggang Secretary ay magkakamag-anak. Mas matindi sa Batangas, lahat ay magkakapatid maliban sa Ahente at Stay-In Utility ko.

Pero, naging magkakasundo nga kami at nakabuo ng mga anekdota, mga kuwento na masasaya at ni hindi kami nagkaroon ng mga di pagkakaunawaan (maliban lang siguro sa mga gumagawa ng kalokohan).

Isang araw, ang isa naming Delivery Driver ay di pa dumarating e mag si 6 PM na. Me MBA class ako noon at 7PM sa Letran – Calamba, kaya ibinilin ko na lang sa mga Stay In na Delivery Helper na gumawa ng report si Delivery Driver pagdating at gusto ko na nasa mesa ko pagdating ko kinabukasan. Ang pakay ko lang ay madisiplina sila na pag may mga hindi pangkaraniwang pangyayari, agad ay nakareport sa akin para maiwasan ang mga problema.

Naging maayos ang aking klase, at dumeretso ako ng San Pablo Branch ng mga 9PM at doon na natulog. Meron kasing maliit na bahay sa likod ng branch, at me nakalaang room sa akin doon. Ang nakatira roon ay ang aking Ahente at ang asawa niyang Secretary ko naman.

Dumating ako sa Makati office ng mga 10 AM na kinabukasan, at nakita ko sa ibabaw ng mesa ang report ng Delivery Driver. Hindi ko maintindihan ang sinasabi sa report.

“Dear Sir, I am very sorry for being late in coming back because my truck cannot go cannot back”

Ano kako ang ibig sabihin ng report niya, tanong ko sa Secretary ko. Di rin niya maintindihan, kasi di daw naman niya nakausap iyong Delivery Driver. Since wala na ibang tao sa office kundi ang Helper / Dispatcher at ilang walk in customers, pumunta muna ako sa isang malaking customer namin sa may Port Area, pero ibinilin ko na kakausapin ko ang Delivery Driver pagdating nito.

Pagbalik ko ay naghihintay na sa akin ang Delivery Driver at agad na umupo sa harapan ko.

“Boss, gusto raw ninyo akong makausap?” tanong niya.
“Oo, ” kako, “kasi di ko maintindihan ang report mo. Ano ba itong my truck canot go, cannot back?” usisa ko.
“A iyan ba Boss. Cannot go, cannot back. Di makaabante, di makaatras, e di nabalaho. Nabalaho kami Boss sa tapat ng Reynolds Aluminum sa Dasmarinas. ” ang sagot niya na kakamot kamot ang ulo.
” A okay, ” sagot ko, at naisip ko na may katuwiran nga siya.

By the way, iyong Delivery Driver na binabanggit ko ay naging inaanak ko sa kasal after a few years.

—–00000—–

“Iwish we had another time. I wish we had another place. But everything we have is stuck in the moment.” – Justin Bieber

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s