Compare unto others as you would like others compare unto you

Si Ruel ay isang taga Manila na naisipang dumalaw sa probinsiya ng kanyang girlfriend sa Quezon. Ang bahay ng girlfriend niya ay nasa isang nayon na dirt road ang access. Maulan, at sa pagiwas ni Ruel sa isang lubak ay sumadsad siya sa tabihan ng daan. Di niya maialis sa pagkakabalaho ang kanyang sasakyan. Suwerte naman na may isang magsasaka ang noon ay dumaraan na hila ang kanyang kalabaw. Kinausap siya ng magsasaka at sinabing “wag kayong magalala Sir, kayang kayang hilahin ni Baste, ang aking kalabaw ang inyong sasakyan.

The farmer hitched Baste up to the car and shouted loudly, “Hatak Islaw, Hatak.” Hindi gumagalaw si Baste.Tapos sumigaw uli ang magsasaka, “Hatak Ambo. Hatak” Hindi pa rin gumagalaw si Baste. Sinundan niya ito ng “Hatak Goryo. Hatak” Ngunit di pa rin gumagalaw si Baste.

Then the farmer nonchalantly and quietly muttered, “Hatak Baste. Hatak.” Immediately Baste easily dragged the car out of the ditch.

Laking pasasalamat ni Ruel pero naging curious siya. Tinanong niya ang magsasaka kung bakit tinawag niya ng 3 beses si Baste sa ibang pangalan.

Pabulong na sumagot ang magsasaka. “Ah, iyon ba. Alam mo si Baste ay bulag, at kapag alam niya na mag-isa lang siyang hihila, di siya gagalaw. Kaya sumigaw ako ng 3 pangalan para akalain niya na may katulong siya.”

Some people are like that. Maisip. Judgmental. Pag nakakita na ang isang pangkaraniwang tao ay naka iPhone sasabhin kaagad, “siguro ninakaw iyan”, “fake iyan”, “second hand iyan” or worse, regalo iyan ng “papa” niya.

Ganun din sa trabaho, palaging kinokompara ang sarili sa ibang kasamahan. “Ah, ang mga kasama ko daldalan lang ng daldalan, samantalang ako hirap na hirap sa pagtatrabaho, bakit ba ako magpapakamartir.” Sa bahay man, “si ate pahilahilata na lang, samantalang ako kapapamalantsa pa lang e pinagbubunot ng uban ni Nanay.”

Kadalasan pa nanganganak ang ganitong pag-uugali, at nagiging daan upang maging mapanghusga tayo sa ating kapuwa, to the point na binabansagan na natin an gating kapuwa ng iba’t ibang bansag. “Ay, si Boy Hilod – puro libag iyan. Si Girl Putok – me amoy iyan..” pero pag ating iisipin, nagsisilbi itong defense mechanism upang ang ating pagtingin ng negatibo sa mga ginagawa natin at sa ginagawa ng iba ay majustify. Perception. We see others as what we perceive them to be dahil ang tingin natin ay naaangatan tayo.

The point is, “bakit lagi tayong nakatingin sa iba, bakit lagi nating kinompara ang sarili sa iba?” Wala ba tayong sariling kakayahan, kaalaman o katangian.

Sabi nga sa Mark 4:12 “..so that “they may indeed see but not perceive, and may indeed hear but not understand, lest they should turn and be forgiven”

Maiuugat ang ganitong pag-ugali sa ating kinagisnang kultura.. the culture of competition in anything. Lagi na lang tayong nakikipakumpetisyon sa iba, imbes na magtulungan at yakapin ang isa’t isa. Mula sa nursery to elementary hanggang college, ang mind set ay nasa kompetisyon. Na sinuportahan naman ng ating sistema. Kung si Nene na anak ni Nana ay Valedictorian, mamimigay ng mga Best in Anything, Everything, Whatever ang school para lang hindi magdamdam ang anak ni Nena, Nanny, Nunu, Nona, Nina, Nini, etc.

Pero kahit ganoon tayong mga pinoy, I’m very proud of being one and I love being a pinoy.

Kasi kahit na ganoon ang ugali natin, marunong naman tayong gumalang sa kapuwa. Ang ibang lahi, sobra ang kabastusan at talagang harapan kung ikaw ay siraan. Marunong tayong maghintay ng ating turn. Ang ibang lahi, sanay sa pakikipag-agawan, hindi marunong pumila at di makapaghintay.

At higit sa lahat, ang Pinoy ay matulungin. Hindi maramot. Hindi makasarili. Unselfish.

Marahil ang dapat, ay gawin nating positibo ang pagkompara natin sa ating sarili sa iba. Huwag iyong dadaanin sa paninira o hindi gagawa kung ang lahat ay hindi gumagawa. Kundi, umakto ng ikaaangat bilang isang person, at ikaangat ng pagiging Pilipino.

—-00000—-

“You can see forever. Look inside your mind. Find sense another wonder. Just release the fears you left behind. Search and you will find the answer. If you look deep inside of your heart.” – Markus Schulz

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s