Larong putok

Bahagi ng aking social life at pagmaintain ng kalusugan sa bansang ito ay ang pagdayo dayo namin ng aking mga kaibigang sina Joel, Darwin, Jojo at BJ ng basketball kung saan saang laruan. Dito kami nakakakita ng mga bagong kakilala, mga bagong kaibigan at nakakarinig ng iba’t ibang karanasan at kuwento ng buhay. Ang apat kong kasama ay mga 34 ang average na edad samantalang ako ay past 50 na, ngunit di naging sagabal ang agwat ng edad namin dahil parepareho kaming nakakapagadjust sa mga ugali ng isa’t isa.

Me basketball court sa likuran ng isang malaking supermarket dito ay tuwing Thursday ay doon kami pumupunta. Kadalasan ay mga 5pm kami dumarating at kami ang unang nakakapaglaro, then we will wait for our turn for our next game, kasi meron din namang ibang dumadayo.

One time, sa pangatlong laro namin (yes, kaya ko pa ang 3 laro, 1 to 24 points bawat game kasi wala namang game clock e, at honest game, kasi walang referee), ay isang team ng saudis ang humarap sa amin. Dito kasi, ang national sports nila ay football kung kaya expect mo na puro takbo at matitibay ang katawan ng mga kabataan dito. Ang humarap sa amin ay edad mga 18 hanggang 20.

The game started, at iyon na nga, ang bibilis tumakbo, ang titigas ng katawan, ang tataas lumundag, at ang higpit gumuwardiya. It was a summer, at humid pa, kaya tagaktakan ang pawis ng lahat ng naglalaro. Fundamental basketball ang alam nila, kung kaya ang mga taktika, gulang at veteran’s move ika ay wala sila. Kaya naman nalalamangan pa rin namin.

Modesty aside, ng magumpisa ko silang paulanan ng mga 3 points (2 points sa ganitong laban), hinigpitan ang guwardiya sa akin at mataas sa akin ang guwardia ko. Pero naiikutan ko siya at kadalasan ay sumasabit ang balikat ko sa kilikili at katawan niya.

Natapos ang laro na lamang kami ng 6 points at ang mga Saudis ay lumapit sa akin na tuwang tuwa at ang sabi, “Grandfather, you are very good. Let’s play again next Thursday”.

Naupo kami magkakasama at ang sabi ni Joel sa akin, “Kuya, galing ng ginawa mo, nagulat sila.”

“Pero kuya, ang balikat mo ang baho. Amoy putok.”

“Oo nga.” Ang sang-ayon naman nung tatlong tsutsuwariwap boys.

Agad kong ibinabad ang suot kong mga damit at matagal akong nagshower pagdating ko sa bahay.

—-00000—-

“To change your world it only takes one split second so – watch your step before you leap. It’s all fun and games until someone gets hurt. It’s all fun and games till sorrow.” – Pennywise

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s