Bakit sa huli nakikita ang kahalagahan ng isang tao..

Sinundo ko ang kasamahan kong Marketing and Business Development Engineer na nakaassign sa Western Region ng Saudi Arabia, from the airport. He will be here at the head office for 2 days para sa isang seminar workshop in Project Costing at ilang mga lectures from my group tungkol sa instrumentation at bago naming products.

Habang daan ay ikinukuwento niya sa akin kung paano siya tinatrato ng kanyang boss na Arabo sa kanilang office. Dati kasi ay under siya sa akin, at ang aming grupo ng Marketing and Business Development and pinaka active, lively, analytical at talagang ang sipag at ang sigla niya. Then, nagkaroon nga ng mga series of reorganization sa aming kompanya dala ng biglang pagpapaimbulog ng negosyo. Pumapaimbulog dahil na rin sa magandang ipinakita ng grupo ng Sales, Marketing and Business Development of which 6:1 ang ratio ng pinoy sa ibang lahi  maliban sa isang kapuwa pinoy na medyo lihis ang landas at ugali. But this pinoy was already sacked dahil nakita na ang resulta ng mga ginagawa niya.

Grabe daw kung siya ay utusan at bulyawan noong bago niyang amo. Ginawa na raw siyang Secretary, Driver, Aircon Technician, Camp Boss, Collector, HR Officer, Receptionist, at iba pa. Alam ko kung gaano kabigat ang hirap na dinaranas niya sa kanyang boss ngayon at talagang gusto ko man siyang tulungan ay di ko magawa dahil nga ang mas pinaniniwalaan ang boss niya sa itaas. Una, dahil kalahi at ikalawa ay dating galing sa isang napakalaking group ng kompanya dito sa Saudi. Makakapagdala raw ng maraming business.

Pero, hindi nga iyon ang nangyayari, dahil nga ang pumapaimbulog naming negosyo ay biglang naudlot dahil iba ang direksyon ng mga bagong salta na nabigyan ng mataas na posisyon. Bukod sa walang alam at karanasan, naroon ang katamaran at kayabangan. Hindi nila gusto ang pinoy, dahil ang pinoy ay nangangatuwiran at pag mali ay ayaw gawin ng pinoy. Samantalang pag ibang lahi ay oo lang nang oo kahit na patalunin mo sa bangin.

Sa bahay ko siya pinatuloy at sinabi niya sa akin na aalis na siya kahit pa pagbayarin pa siya ng kanyang pamasahe. Di ko siya sinansala, ang payo ko lang ay kung dapat may malilipatan na siya dahil ang misis niya ay balik sa pagaaral ng ibang kurso at ang anak niya naman ay nagaaral pa. Idinagdag pa niya na ang sahod niya ay di na nadagdagan for 2 years, from maliit na starting salary niya in 2007.

After ng 3 days seminar-workshop at ilang mga hands-on lectures ko sa kanya, inihatid ko siya sa airport at sinabi niya sa akin na nagfile na siya ng resignation. Idinagdag pa niya na sa mismong may-ari siya nagsubmit. Malapit na kami sa airport ng mag-ring ang phone niya at ang nasa kabilang linya ay ang Boss niya. Nagagalit sa kanya at bakit daw kung anu-ano ang sinabi sa may-ari. Sinagot niya na wala siyang sinabi kundi gusto na muna niyang magpahinga.

First working day of the week, my Boss told me the owner wants to talk to me. Tinanong ako ng may-ari what made him resign and he emphasized that the company needs him. Sabi ko, ayaw na niya dahil nga hindi siya makagalaw sa tunay niyang trabaho at gusto niya makaahon tayo sa kasalukuyang kalagayan. Ipinaliwanag ko na noong una, bago ginawa ang reorganization napakaganda ng takbo ng negosyo, pero nung me nagmagaling na paghihiwalayin ang sales and marketing at iassign ang bawat isa sa mga GM ng division, parang ipina under mo sa isang bata ang kompanya. Napakalaking insulto sa katulad naming expert at trained sa ganitong trabaho na ipaunder kami sa isang walang nalalaman sa merkado at sa pagbibenta.

The following day, sinabihan ako ng Boss ko na imotivate ko raw siya at ang kasama kong pinoy para di magsialisan. Sagot ko, dalawang bagay lang ang makakapagmotivate sa kanila: Respeto at Suweldo. Treat us as professionals, respect us. And of course, dagdagan ang sahod. Me mga inutil sa kompanya na tumatanggap ng doble kesa sa mga kasama ko.

Importante raw kami sa kompanya.

Doon ko napatunayan, na kahit saang larangan, maging sa pamilya, kaibigan, kapatid, kaklase, kabarkada ang isang tao ay nakikita ang kahalagahan kapag iiwan ka na.

Sabi nga ng dakilang lider na si Mahatma Gandhi  You don’t know who is important to you until you actually lose them.”

Hindi natuloy umalis ang kasamahan ko. Nagkaroon ng reorganisasyong organisasyon. Ibinalik ang dati naming grupo.

And he received an increase.

Nadamay pati kami.

—–00000—–

“Sometimes I’m by myself, oh lord, feeling alone. I just look around and check it out and then it’s all gone. I’m still happy to be here. Thankful. Thoughtful. Count your blessings.” – Sly and the Family Stone

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s