Wishing and acting

Noong isang Linggo pumunta kami ni Bien sa Dammam Fish Market para bumili ng isda. We were wishing to get Lapu – lapu and Tambakol at cheap price because that is what that fish market is noted for. But we found out that it was just the same in Al Khobar, mas mahal pa nga ang tambakol e. We settled for what are the cheap items, Tilapia and Galunggong which were only almost half the price in our place. Ang hipon ay napakamura kaya lang masyadong ma-cholesterol.

In life, we wish for things that we have but need upgrading or improvement, things we do not have and things we hope will be better than what we normally see. At merong mga paniniwala na kinagisnan upang ang mga ito ay matupad. Tumitingin tayo sa langit pag gabi at hahanapin ang North Star, pikit ang mata at magwiwish (diyan nanggaling ang kantang “.. when you wish upon a star..”). O kaya di mawawala sa mga birthday party ang makatalsik laway na pag-ihip sa birthday candles kasabay ang ating wish. Meron namang nagtatapon ng barya sa wishing well sa paniniwalang matutupad ang kahilingan.

Lahat tayo ay dumaan sa ganyang period ng buhay, ang magwish. At dumarating ang panahon naman na tayo ay nag-uumpisa na gumawa ng hakbang upang ang wish ay matupad. Wishing is finished, action starts. Pero wishing is the eternal fire that keeps our lives going, that keeps us from striving, that keeps us from having the energy to do more and achieve more. The wishbone will never replace the backbone, however, the wishbone is part of the backbone and can function only if they are connected.

Masarap mangarap. Mas masarap isagawa ang pangarap.

Ah, ang sarap ng Ginataang Tilapia na binalot sa mustasa at ng sinaing na galunggong sa tuyong kamyas. Usli ang pusod ni Bien sa kabusugan.

—-00000—-

“With a little luck will I find you. And if I do it is you who’ll make my dreams come true. Just a little bit of happiness. Is all that I wish. And I hope that you can grant me this.” – Boyz 2 Men

 

Thinking Out Loud on a Weekend

INFLATION

I went to the supermarket for my week’s grocery and also to fix myself pick-yourself vegetable and fruit salad. I was surprised at the price of Cooking Oil. This is the second time this year that it has increased. When I came back from vacation last May, the price for 1.8 liter pack is SR 15, from SR 12.5 or 20% increase. Now, it is SR 17, so, from May it rose to 36%. Sabagay, ang Cooking Oil sa akin tumatagal ng kalahating taon, medyo mabilis lang ngayon dahil mga kasama ko mahilig sa prito.

Ang indicator ko ng inflation rate dito sa Saudi ay ang presyo ng Bigas at ng Cooking Oil. So, ang 6.7% na annual salary adjustment sa maraming kompanya rito ay pang-asinta lang sa epekto ng inflation. Hindi pa rin makakadagdag sa ipinapadala sa pinas ng ordinaryong empleyado.

Thinking Out Loud: Paano pa ang pagtaas ng bilihin sa pinas? Paano makakaafford ang mga kababayan natin?

RESTAURANT

Weekend, as usual, maraming Pinoy ang naggagala sa sentro ng bayan. Inaya ako ng kasama ko na mag Lomi sa Pinoy Restaurant. At as usual pa rin, maraming kumakaing Pinoy dahil weekend. Hiwalay ang dining room ng Bachelors at ng Family. Me isang grupo ng 4 na malalaking tao ang napansin ko na ang order ay Crispy Pata (baka / beef – ito ang version dito), Kaldereta, Hipon, Tapa at Sinigang na Baka at sangkatutak ang kanin. Parang ipagbabawal kinabukasan ang pagkain ng macholesterol. Sa isang banda naman ay puro sizzling ang order. Isang Linggo kakong sabik sa pagkaing pinoy kaya ganoon. Sa kaliwa ko naman ay isang couple (lalaki sa lalaki) ang sweet na sweet pa sa pagsusubuan (hmmm, after kayang kumain, ano ang isusubo?). Hindi kaya sila puwede sa Family Room?

Puno ang restaurant. Ang bagal ng dating ng order. At ang 14 inches na old fashioned TV na nasa itaas at halos di mo na maaninaw ay 24 Oras ang palabas. Nakapagsalita tuloy ako, “mag 2 years na ang restaurant na ito rito, ang laki laki ng kinikita, di makabili ng isang 32 in na LCD TV, kahit na ung mumurahing brand.”

Thinking Out Quiet: Typical na eksena nang mga Pinoy trying to make a Pinoy environment sa ibang bansa.

GADGET

Overheard ko sa me labasan ng Lulu Hypermart, dalawang Pinoy ang naguusap.

Apple iPhone 4
 

Pinoy 1: “Pare, noong uwi ko last April, sumama ang loob ko sa dati nating kaklase na si Rollie.”

Pinoy 2: “Si Rollie ba pare na nasa Riyadh, iyong Manager ng isang Factory doon?”

Pinoy 1: “Oo pare, napahiya ako sa reunion natin pare. Buti nga wala ka roon.”

Pinoy 2: “Anong nangyari pare?”

Pinoy 1: “Naguusap usap kami ng katropa natin noon pare, sina Abner, Lito at iba pa, doon nga sa reunion, kasama siya, nagtext si Misis sa akin. E di inilabas ko cellphone ko para basahin ang text.”

Pinoy 2: “Paano ka napahiya.”

Pinoy 1: “Nakita ni Rollie na Samsung Corby ang cellphone ko, sabi ba naman sa akin, Pare, dapat iPhone ang cellphone mo, sabay pakita ng kanyang iPhone, kakahiya naman para iyan. Nag-Saudi ka pa kung iyan lang ang cellphone mo.”

Pinoy 2: “Sobra talaga kayabangan ng taong iyon. Naging manager lang dito sa Saudi e tumindi na ang hangin sa katawan.”

Sa isip ko, maraming ganyan dito. Nagkapuwesto lang dito ay iba na ang ugali.

Thinking Out Loud: Pakialam ko ba. At bakit ba ako nakikinig sa kuwentuhan ng iba.

PASALUBONG

Ugali ko na kapag galing sa bakasyon, ay nagdadala ako ng pasalubong sa mga kaibigan ko rito, pinoy man o ibang lahi. At noong mga nakaraang taon, ang dinadala ko ay uniform ng basketball sa mga kalaro ko at t-shirt na may tatak ng Tagaytay, Cebu, Davao, Baguio o Philippines. This year, naisip ko na T-shirt na me collar pangtennis naman ang dalhin ko. Pero last minute, nagdecide ako na T-shirt with collar at patatakan ko ng pangalan ng kompanya namin. Dinagdagan ko na para sa ibang lahi na nakakatulong at naging friendly sa mga Pinoy sa aming kompanya.

Tuwang tuwa sila at ginawa pa itong pamasok dahil nga presentable at ipinagmamalaki pa nila na galing sa akin at me logo pa nga ng kompanya. Hangang me pumasok na intriga. May nagsabing hindi raw iyon official na uniform e bakit daw isinusuot. Na sinagot naman ng iba na, at least may logo ng kompanya, samantalang 95% na ng pumapasok sa kompanya ay iba’t iba ang suot. Wala na naguuniform o may tatak man lang ng kompanya. Ipinagtanong kung kanino galing at nang sinabing sa akin galing, ang naging conclusion ay galing sa Marketing and Business Development which is an insinuation na pondo ito ng aming Division.

Ito ang T-shirt na iniintriga

So, I talked to some people na hindi nakakaunawa and told them “galing iyon sa bulsa ko, sarili kong pera, pasalubong ko tuwing ako ay magbabakasyon bilang pagkilala sa pakikipagkaibigan ng mga kasama ko, hindi na iyong kasama ko sila sa trabaho, kundi bilang kaibigan ko.”

Naisip ko, “bakit ang ibang tao, pag gumawa ka ng kabutihan o magandang pakikitungo sa kapuwa mo, pilit na gagawan ka ng intriga o issue.” Kasi, hindi ko raw sila nabigyan, sagot ng mga kasama ko. Hmmm.. tawag diyan CRABLETS. Dapat binuburo, burong talangka.

Thinking Out Loud: So what else is new? Ganyan din sa dati kong kompanya. Banned ang paggawa ng mabuti at pakikitungo sa kasama sa trabaho. Ang pakikisama ay measured in terms of pakikipag-inuman, sosyo sa kalokohan, kasapi sa palusutan at pagkakaperahan.

LONGGANISA

A friend had nothing but all praises sa aking ginawang longganisa. Ang sarap daw at talagang ipinagmalaki niya sa mga kasamahan niya na galing sa akin. Tinanong niya ako kung paano ito ginagawa. Sabi ko basahin mo lang sa aking Blog, sa Clinquantlife kung paano at madali mo itong masusundan.

Nagkita uli kami after 2 months, at humihingi uli sa akin ng Longganisa. Tanong ko, di ka ba nakagawa? Nabasa mo ba ang blog ko?

Sagot niya, “Oo, nabasa ko ang paraan ng paggawa. Kaya lang ang hirap sundan. At saka bibili pa ako ng mga sangkap. Buti na iyong galing sa iyo. Di na ako magpapakahirap. Di na ako magagastusan. Mapagkawanggawa ka naman e. Malaki naman sahod mo. Ipaggawa mo uli ako ha. Kunin ko next week.”

Think Out Quiet: Attitude mo friend. Attitude mo.

—-00000—-

“I don’t know. How I feel. Maybe I’m mad. Or maybe I’m proud. Can’t find the truth. Can’t speak my mind. Don’t know what I say. I’m just thinking out loud. Thinking out loud.” – Lesley Roy

JOKES 2012-04

NAKALIMUTAN

Si Juan nakikipag kwentuhan kay Pedro ang biglang sabi niya..
Juan:    “Pedro may nakalimutan akong sabihin sa iyo.”
Pedro: “Ano un??”
Juan:    “Nakalimutan ko nga ehh. Kulet neto!”
 

KULANG

A Girl went to a bar with her friends when she read the sign: (BELOW 18 NOT ALLOWED!) she turned back and told her friends:
“Ngeeeee! Di tayo puwede pumasok, kulang tayo, 14 lang kasi tau eh. Uwi na tayo.”

 SINONG BOBO?

Habang nagkaklase, nag tanong si teacher na, ” Kung sino sa inyo bobo, sige tumayo,” Biglang tumayo ang isang estudyante.
“Bakit ka tumayo, tanggap mo ba na bobo ka??” tanong ni teacher
Sagot ng estudyante, “Eh kasi po, nalulungkot ako sayo dahil ikaw lang naman ang nakatayo eh..!!

 SIGN IN FRONT OF A HOUSE

 “NO PARKING near my House!
Get Your Own Wireless Network!”
 
MAGBIYENAN NAGTATALO KUNG SINO DAPAT MASUNOD SA BAHAY

MOTHER IN LAW: “My son must listen to me & obey me unless he didn’t suck my breast for more than a year.”
DAUGHTER IN LAW: “Mama, it is my breast he now sucks. He has sucked it for more than 8 years & he’s still sucking.”
MOTHER IN LAW: “I carried him for nine months.”
DAUGHTER IN LAW: “He was only 8 pounds then. I carry him every night, he is now 170 pounds!”

GUARD TO DEATH ROW PRISONER BEFORE EXECUTION

GUARD: “Any last wish?”
PRISONER: “Yes, i would like to update my facebook status to “Died”.”

NAGMAMADALING PASYENTE

JUAN:”Dok, nagmamadali kami, pwede bang bunutin ang ipen ng walang pampamanhid?”
DENTIST:”Wow tapang, alin ba dyan?”
JUAN:”Honey, ipakita mo nga!”

WALANG KAMATAYANG INDAY

AMO:”Inday, di ba utos ko sa yo ipatong mo yung COMFORTER sa kama? Bakit ganito?”
INDAY:”Ginawa ko po sir,isinama ko pa nga ang FRENTER at ISKANER!”

BOSS CRYING

BOSS: “You cannot blackmail me like this!”
EMPLOYEE1: “Why is he crying like that?”
EMPLOYEE2: “Nothing… I just told him that if he does not increase my salary, I will tell everyone in the office that he has increased my salary.”

BAGSAK SA ENGLISH

TATAY: “Anak, magsabi ka ng totoo… bagsak ka daw sa English?”
JUAN: “Tay, who is rumorer  telled you this?”

HISTORY CLASS

TITSER: “Who is the most famous general among Filipinos who said, “I SHALL RETURN”?”
PEDRO: “Gen. Carlos Garcia, mam! He said, “I SHALL RETURN 130 MILLION”…”

WHAT IS A LESBIAN

A kid asks her Mom, “What’s a lesbian?”
“Go ask your dad, SHE will tell you.”

 SICK CHINESE EMPLOYEE

Chinese man rings his boss. “Me no work, I sick.”
His boss says, “When I am sick I sleep with my wife, try that.”
Two hours later, the Chinese man rings back. “Me better, you got nice house and bed!”

BIRTHDAY NG KAMBAL

MAX:”Pare, wag mong kalimutan na may handaan sa bahay bukas! Birthday kasi ng inaanak mong KAMBAL!”
JUAN:”Wow, talaga? Sino sa kanilang dalawa?” 
 

MAGULONG BATA

 May isang magulong bata sa simbahan habang nagmimisa
Priest asked; “Kaninong anak ba itong batang ito?”
A woman shouted: “Atin yan, Father!”.

 

ANOTHER WALANG KAMATAYANG INDAY

AMO:”Bakit iniiwan mong walang takip ang ulam? Lalangawin yan!”
INDAY:”Sigurado pong hende mam!”
AMO:”At bakit?”
INDAY:”Enespreyan ku pu ng Baygun!”

PATAPANGAN

DAGA1:”Matapang ako, kakain ako ng LASON!”
DAGA2:”Matapang ako, maglalaro ako sa MOUSE TRAP!”
DAGA3:”Mga duwag! Manood kayo, manghuhuli ako ng PUSA!”
 

HAYOP

PETER: “Anong hayop ang nagsisimula sa letrang “X?”
JOHNNY: “Meron ba yun?”
PETER: “Meron.”
JOHNNY: “Eh, ano?”
PETER: “X-GF ko! Hayop yun! Inubos ang pera ko!.”
 

NAWAWALANG HEARING AID

OLD MAN: “Doc, I’m so upset. I’ve lost one of my hearing aids. Those things cost a couple of thousand a piece.”
DOCTOR: “I think I know where you can find it. You’ve got a suppository in your ear.”
 

HEALTH SECRETARY REPORTING TO THE SENATE

HEALTH SECRETARY: “Honorable Senators, the population growth rate of our country is very alarming. There is one woman giving birth every thirty minutes.”
Sent. LITO LAPID: “Kailangang masugpo ang problemang ito kaagad. “FIND THAT WOMAN !!”

LION’S WEDDING

At a lion’s wedding, a mouse greeted d groom, “All the best, Brother! Good luck! Haha!”
The lion got angry, “How dare you call me, brother! Me, a lion and you, only a mouse?”
The mouse whispered: “I was also a lion before I got married!”
 

TINURUANG MAGSULAT

ANAK:”Nay, tinuruan po kami ni teacher na magsulat kanina!”
NANAY:”Talaga? ano isinulat nyo?”
ANAK:”Ewan ko po! Di pa po kami tinuruang magbasa eh!”
 

YOU WANT A LOVER? THEN FIND A….

NURSE: Can CURE a broken heart and CARE for you
MASCOM: Can SPEAK OUT the Love
LAWYER: Can JUSTIFY Love
SOLDIER: Can PROTECT the Love
ENGINEER: Can MEASURE, DESIGN AND BUILD Love to a better one
EDUCATOR: Can TEACH you how to move on and love again
Heto ang mas malupet….
HRM: Can MANAGE to give the best taste of love
Kaso me ayaw patalo….
COM SCIENCE: Can easily SHUTDOWN your Ex, REFORMAT your future, and RESTART your Lovelife….. Kaya lang nag-iiwan ng VIRUS
 

—-00000—-

“It starts in my toes, make me crinkle my nose, where ever it goes, I always know that you make me smile.” – Colbie Caillat

Others.. instead of myself

I have this practice of studying people’s habits and behaviour whenever I stay in another place. Even the small things as the nodding and shaking heads, way of greetings, eating or how the people spend spare time.

One of the most admirable way of people in this land that I am really fascinated is how committed they are in their faith in God. They pray five times a day, and at hours when you would not consider praying at all. But they do.

On the road, on the hill, in the sand dunes, anywhere…you’ll see one laying out a small carpet and he kneels and bows down to pray. He will then be joined by others and together they will pray. And they know which direction to pray.

They don’t even know each other, except that they are brothers in prayers… brothers in God.

God made us and provided us with everything we need in this world. What we need to do is to harness these things to produce good results that serve as the best way to thank and praise God. And of course communicate often to Him  through prayers. Praying together brings multiple joy to the Lord, as it brings graces to those praying  mutually, leaving an unexplained sense of communicating with one another.

I find it so blisful praying with some other people, for with them, we realize there are other things than our own wants and requests that need to be heard by God…..      

  • Asking God to cure a severe illness of another person, aside from my common colds
  • Asking God to provide means of sending a child to school, aside from my desire for an iPhone
  • Asking God to give a solution to someone’s big problem, aside from my petty difficulties
  • Asking God to give comfort to those who are feeling disappointed, aside from comfort to my loneliness
  • Asking God to bless others, aside from myself

Or better yet, INSTEAD of myself…. For I know that through these, God’s glory is magnified. And I am given grace.

                (Matthew 25:34-36 “Come and possess the kingdom which has been prepared for you ever since the creation
                of the world. I was hungry and you fed me, thirsty and you gave me a drink, I was a stranger and you  received
                me in your homes, naked and you clothed me, I was sick and you took care of me, in prison and you visited me.”)

—-00000—-

“Sweet hour of prayer! sweet hour of prayer! The joys I feel, the bliss I share, Of those whose anxious spirits burn. With strong desires for thy return!” – William Walford

On line Baby Sitter a.k.a. Papa Yaya

Meron akong kasamahan (tawagin natin siyang si Papa Yaya) sa work na nakabuo noong huling bakasyon niya. At siyempre excited siya sa kanyang bagong baby kung kaya lagi siyang naka-online para makita ang kanyang anak.

Simple, masayahin, masipag at mabait si Papa Yaya at tawagin mo lang siya para magpatulong sa isang gawain at nariyan na agad siya. Si Papa Yaya ay madalas ko ring nakakasama sa paglalaro at iba pang aktibidades. Magaling ding humugot ng punch lines at suwabe ang timing niya kung kaya masaya ang tropa kapag siya ay kasama.

Ang bansang ito ay 5 hours behind sa oras sa PIlipinas, kaya pagdating sa accommodation ng 7pm galing sa trabaho, sakto namang 12 na ng hatinggabi sa Pilipinas. Kaya naman, ang weekend ang siyang nagiging araw para lubos na magkausap sa mga mahal sa buhay sa PIlipinas.

Minsan, naghinaing ang asawa ni Papa Yaya na halos wala na itong tulog sa pagbabantay sa kanilang bagong silang na anak sa magdamag, at kung araw naman ay hindi rin makabawi ng tulog dahil naman sa mga gawaing bahay kasabay pa rin ng pag-aalaga sa bata. At dahil nga bukod sa pagiging mabait na kaibigan at kasamahan sa trabaho, napakabait din niyang ama at asawa, gumawa siya ng paraan paano siya makakatulong sa kanyang asawa. Take note na ang trabaho ni Papa Yaya rito ay nasa maintenance ng mga electric generation and distribution facilities kaya halos maghapon ay lagi siyang nasa field, exposed sa init, sa lamig, sa alikabok at sa iba pang elemento (kabilang na ang “putok” ng ibang lahi lalo na kung pinagpapawisan). Sa kabila ng pagod niya sa trabaho ay gusto pa rin niyang makatulong sa asawa kahit na kapalit noon ay ang oras ng kanyang pamamahinga.

Pagdating niya galing sa trabaho, online agad sa YM or Skype at text agad niya ang asawa niya na magonline din, at ihanda naman naman ni Papa Yaya ang kanyang hapunan. Pupungas pungas ang asawa niya na mag-oonline, i-oon ang webcam at itututok kay baby. Masaya si Papa Yaya na kakain ng hapunan sa harap ng computer at pinapanuod ang anak. Ang asawa naman niya ay tuloy ang mahimbing na tulog. Kapag ubos na ang dede ng anak, o kaya ay umiiyak o napansin niya na medyo naiba ang posisyon o may danger na matakpan ng unan, at iba pang di pangkariwan, imimiss call niya asawa niya upang ayusin ang kanilang anak.

Mula pagdating niya galing trabaho hanggang mga 12 ng hatinggabi, si Papa Yaya ay nakabantay sa anak niya through YM or Skype, at saka lang siya matutulog kapag nagising na ang asawa niya (5 am sa PIlipinas).

Malayo man ay naipapadama niya ang pagmamahal sa kanyang anak.

Papa Yaya nurses. Papa Yaya cares. Papa Yaya loves.

Technology crutches.

—-00000—-

“But I grow another foot. And I lose a bunch of weight everytime I log in. I’m so much cooler online. Yeah, so much cooler online.” – Brad Paisley

Lost in translation

Nagmamaneho ako pauwi pagkatapos kong maggrocery nga makatanggap ako ng text message in arabic mula sa Civil Defense. Nag-alala ako, kasi dito sa bansang ito kapag nagmamaneho ka at may violation ka, agad na makakatanggap ka ng text message na nagsasabing overspeeding ka, or beating the red light or anumang paglabag sa batas trapiko.

Ganito kasi iyon. Ang iyong driver’s license ay nakarecord sa iyong estimara o registro ng sasakyan. Dito kasi, hindi puwedeng gamitin ng sinuman ang sasakyang nakakabit sa iyong lisensiya. At kasama rito ay nakarecord din ang iyong cellphone number. Ang cellphone number mo naman ay ginagawang reference sa lahat ng mga transactions mo dito sa bansang ito. Halimbawa: may account ka sa bangko, kapag may deposit o withdrawal na ginawa sa account mo (ATM for that matter), makakatanggap ka ng text message na nagsasabing me deposit ka or withdrawal. Ganun din sa pagmamaneho, pag may violation ka agad agad na makakatanggap ka ng text message.

Paano nila nalalaman na may violation ka? Una, kapag nasa city ka, bawat traffic light ay may camera at pag may violation ito ay nagpaflash. Sa highway naman ay may mga pulis na nagmomonitor using an unmarked vehicle pero magugulat ka nalang kapag nagflash na ang camera ng mga ito. Naiisip ko ng lagi na sana may ganito rin sa Pilipinas. Dito nga pala pag may violation ka, walang pera na tinatanggap ang mga pulis o ang himpilan ng pulis sa iyong multa. Ang multa ay babayaran mo sa bangko, at agad na ito ay pumapasok sa record mo. Pag hindi mo ito nabayaran agad, ito ay nagkakainterest at hindi ka makakaalis ng bansa for vacation or for exit kung hindi mo ito malilinis. Imagine mo kung gaano na kalaki ang 120 riyals na multa sa overspeeding, kapag hindi mo ito nabayaran in 12 months.. magiging 300 riyals na ito.

Di ako makali sa text message na natanggap ko, iniisip ko kung ano ang violation ko e wala naman. At bakit kako nagmula sa Civil Defense. Dumaan ako sa cafeteria na malapit sa amin at madalas na maraming arabo na kumakain. Ipinabasa ko sa isang Arabo ang text message. Sabi niya, “your hand will be cut and will be given to muslims performing Umrah”. Hah! anong kasalanan ko at bakit ibibigay sa mga naguUmrah.

Umrah means to visit Makkah at any time of the year in a state of dress and spirit known as Ihram with the intention of performing certain religious rites there according to the method prescribed by the Prophet Muhammad. Umrah is also known as a minor pilgrimage.

Worried na worried ako nang gabing iyon. Kinabukasan, pinabasa ko sa aming HR Supervisor na Arabo at magaling magtranslate in English, at ang sabi daw sa text ay: “Lend a hand to our muslim brothers who are performing Umrah”. Ibig sabihin ay tulungan ang mga kapatid na muslim na naguUmrah.

Ay grabe, ang “lend a hand” translation nang una kong napagtanungan ay “ibigay ang kamay”.

Kaya ang pagka English niya ay “your hand will be cut.”

I should have consulted Google Translate.

—-00000—-

“It helps to overcome the language problem. Feels the same in any language. And we both know how it can itch.” – The Only Ones

Tatlo sa Isa

Isang araw, may panauhin akong 2 kaibigan mula sa isang semiconductor company at bago ko papasukin ay tinawag ko ang aking secretary para utusan ang aming utility man na dalhan kami ng 3 kape. Wala ang aking secretary, nasa meeting with HR Department kaya ang nautusan ko ay aming Trainee. Ang Trainee naming ito ay noon lang nakapamuhay sa Manila. Graduate siya sa isang respected na College sa kanilang probinsiya sa Norte. Napakamahiyain niya at laging walang imik.

Naguusap na kami ng 2 kong kaibigan ng tumawag sa telepono ang aming Trainee at sinabing wala rin daw iyong Utility Man, inutusan sa SM para bumili ng gamit sa opisina. Pumunta rin daw siya sa Pantry pero nakalock ang lalagyan ng kape, asukal, atbpa. Sabi ko sa kanya, kumuha na lang siya ng 3 in 1 sa pinaka-cooperative store nila (Note: This cooperative store sells coffee, instant noodles, candy, tinapay, etc at ito ay sa drawer ng mesa lang nakalagay. We allowed this para di na bababa ang mga empleyado).

Dinala ng aming Trainee ang 3 mugs ng kape sa amin. Mainit pa siya kaya di ko muna ininom. Nagpaalam ang dalawa kong bisita at napansin ko na bahagya na nilang nabawasan ang kanilang kape. Tinikman ko ang kape at doon ko nalaman kung bakit. Napakatabang ng kape. Wala halos lasa.

Tinawag ko ang aming Trainee at tinanong ko siya.

“Kumuha ka ba ng 3 in 1 coffee sa cooperative ninyo?” Ang bungad ko.
“Opo, ang bilin po ninyong Nescafe 3 in 1 ang kinuha ko at sabi ko ay babayaran ng lang ito ng Secretary ninyo pagbalik niya sa office ninyo.” Ang mabilis niyang sagot na medyo kinakabahan.
“Iyon pala naman e. Pero bakit ganoon ang lasa? Hindi ba expired na iyon?” Pakli ko naman.
“Ewan ko po. Hindi naman po expired iyon e. Bagong bili raw po iyon.” Ang sagot niya na parang maiiyak.
“E bakit nga ganun? Ano bang ginawa mo?” Ang tanong ko na nagtataka.
“E di po ba 3 in 1 iyon, hinati ko po sa 3 mugs. Isa sa inyo, tapos tig-isa ang dalawa ninyong bisita. Kaya nga 3 in 1, isang pack para sa tatlo, di po ba?” Ang buong kainosentehan niyang sagot.
 

Di ko napigilang matawa.

—-00000—-

“It’s a state of bliss, you think you’re dreaming. It’s the happiness inside that you’re feeling. It’s so beautiful it makes you wanna cry. This innocence is brilliant, makes you wanna cry.” – Avril Lavigne