Srini

Siya ang aming Business Planner. Efficient, mahusay, creative at maasahan mo na ang interest ng Division ay ipagtatanggol at tuwina ay siyang inuuna. Mabilis at may kalidad ang kanyang trabaho at hindi niya inaalintana ang oras. Ang laging objective niya ay matapos ang anumang assignment kahit abutin ng gabi.

I remember when we were finalizing the technical proposal for a $500M – 10 Year service project sa SATORP. I do the thinking and the conceptualizing, while he did the lay-out, typing and making the proposal look so professional and comprehensive. Inabot kami ng 3 AM noon pero di ko siya nakitaan ng pagod o naringgan ng reklamo. To think na nang gawin namin iyon ay Eid Holiday, walang pasok.

Mahusay siyang makisama at mas ginugusto pa niya ang makasalamuha sa mga pinoy kesa mga kalahi niya, in fact nakapagsasalita siya ng Pilipino. Nakakatuwa kung minsan na bigla siyang darating sa grupo ng mga pinoy at sasabihing “anong kaguluhan ito?” And he has a name for every kalahi niya na katugma sa kung ano ang distinctive mark doon sa person. Tulad halimbawa doon sa isang Manager dito na walang alam kundi ang dumaldal, ang tawag niya ay “pato” dahil nga maingay lang, “kalbo” or “balbas” e alam na ninyo, o kaya si “sablay” o si “panggulo” na patungkol sa Presidente na nagpapagulo lang.

He sticks to what is the policy and standard at ang kadalasang kabangga niya dito ay ang kanyang mga kalahi, dahil ang mga ito ang mahilig magpalusot, mag-short cut, mag-claim and blame, madaldal at higit sa lahat ay madaya, although mayroon din namang mahuhusay at matitino na katulad niya.

Ang isang hinahangaan ko sa kanya ay ang kanyang pagiging isang mapagmahal na anak. He values his father and mother so much, na sabi nga niya 1/5 ng sahod niya ay nauubos sa pagcommunicate sa kanila. Nakita ko rin na one time, he was in tears at ng tinanong ko, sabi niya ay maysakit ang kanyang ama. He also tells me of the advises of his father and mother at kung paano naging guide ito sa kanyang buhay.

Unfortunately, hindi naging maganda ang kanyang buhay may-asawa. His wife ay nakipagdiborsyo sa kanya at isinama ang kanilang anak. Maraming demands ang asawa niya na hindi niya matugunan at meron silang naging di pagkakaunawaan na humantong sa paghihiwalay despite his efforts na maging isang buo silang pamilya.

Umuwi siya nitong April dahil namatay ang tatay niya. Nang makarating sa kanya ang balita, nagpaalam siya na uuwi at agad agad namang ipinaayos ng aming Boss ang kanyang mga papeles sa paguwi. Nag-abot kami ng Boss ko ng halaga na maitutulong sa kanya at sinabi niya na babalik siya.

He did come back, at patuloy kaming nagwork kahit na nakikita ko ang labis na kalungkutan sa kanya. This time, napansin ko ang kakaiba niyang kilos. Lagi siyang worrisome at di makaconcentrate sa trabaho. Later, he told me na worried siya sa mother niya dahil ito ay nasa pagaalaga ng kanyang kapatid na babae, at hindi nakakasundo ang in-law. Wala naman na silang bahay dahil napabenta at nagastos sa pagpapagamot ng kanyang ama. Ang kanyang naipundar namang bahay ay napunta sa kanyang asawa.

Then, isang araw ay nagfile siya ng notice na di na siya magrerenew ng contract niya. Sabi niya sa akin, sa kanilang bansa na lang siya magtatrabaho kahit na maliit ang kita, at kukunin niya ang Nanay niya sa kanyang kapatid. Mas mapapanatag siya kapag ganoon.

Last night, he was nearly in tears when we had dinner together.

We advised him to find another woman, get married and fix a direction to his life.

Binigyan ko siya  ng souvenir, isang Omega Speedmaster watch at sinabi ko na ang relong iyon ay built for a lifetime na. Gusto ko makita na suot pa rin niya iyon pagjoin niya uli sa amin.

He replied in broken tagalog: “Magkasama tayo pa uli. Kaya lang sabi mo lifetime ito, maybe ugod ugod na pagkita uli tayo.”

—-00000—-

“You just call on me brother, when you need a hand. We all need somebody to lean on. I just might have a problem that you’d understand. We all need somebody to lean on. Lean on me, when you’re not strong. And I’ll be your friend. I’ll help you carry on. For it won’t be long. ‘Til I’m gonna need. Somebody to lean on.” – Bill Withers

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s