Kasamaan, Inc.

Maraming pagkakataon na tayo ay nagtatanong ng tungkol sa Diyos, “bakit maraming masasamang tao ang nagkalat sa mundo, mga mamamatay tao, mga magnanakaw, mga mapagsamantala, mga manggagamit at marami pang iba?”

Kahit sa mga babasahin, sa internet, sa palabas sa television, mga pelikula, maraming mga gawaing masasama ang para pang nagoglorify at nagkakaroon pa nga ng paghanga mula sa mabubuting tao. Noong mga nakaraang dekada, ang mga bampira at aswang ay kampon ng kadiliman, pero ngayon makikita natin na pina-cute pa ng mga kuwentista at ginawan ng pelikula. At ito pa ang mga dinudumog ng manunuod. Ang mga weird looking na creatures, ang mga sociopaths, mga mass murderers, vicious child and spouse abusers, maging ang mga panooring labas sa antas ng moralidad tulad ng buntis na walang ama, hiwalayan, awayan, iyan ang mga box office hits.

Sa mga newscasts, lalo na sa atin sa pinas, makita mo na 80% of the news ay nakatuon sa mga sensational na balita, mga patayan, nakawan, at ang mga napifeature na live videos ay mga taong patay, nag-aaway, nagtutungayawan, mga lalaking nakahubad ipinapakita pa ang mga tatoo. These are evil moments when otherwise good people are drawn in – mga eksena, babasahin at tugtugin na sa paulit ulit na pagpapakita, ay nagiging normal at nagiging kalakaran na ng buhay.

Maraming mga gawa ang devil na bunga rin ng stupidity, tulad ng stupid promise ni Herodes kay Salome. People dying dahil may nagkamali sa formulation ng isang commercial na pagkain, or dahil sa walang pambayad na deposito sa ospital. Meron namang napagtripan lang, at later ay magsisisi ang nakapatay at magmamakaawa saying 4 ang anak niya, etc etc.

The novelist William Burroughs died at age 83. During a drunken party in Mexico one night in 1951, he undertook to play William Tell – he used a pistol to shoot a glass off his wife’s head. He missed…and put a bullet in her brain instead. Garry Hoy, a middle-aged Toronto lawyer, nasa 24th floor of the Toronto Dominion Bank Tower ay nagmamalaki kung gaano katibay ang glass wall ng building. He rammed his body to the wall, and it did not break. Sa pangalawa niyang pagbangga ng katawan, nagcollapse ang glass wall at siya ay nahulog sa kanyang kamatayan. Si Javier Halos, 27 years old, was killed by clubbing him with a toilet seat by his landlord for failing to pay his rent for eight years. Hah, walong taon di nagbabayad ng upa sa bahay, kabayaran ay buhay. At recently lang nabasa ko na isang nagdaraan lang na kabataan ang napatay dahil siya ay “pogi”.

Kaya nga there are those who questions God, “Kung mabuti ang Panginoon bakit niya hinahayaang mamayani ang kasamaan sa mundo. Bakit di niya pahintuin at lipulin ang mga masasama.” Kahit ang mga sumulat ng Bibliya ay naghinaing nga ganito, “Kay rami na nitong mga suliranin,
na sa karamiha’y di kayang bilangin. Alipin na ako ng pagkakasala,na sa dami, ako’y di na makakita; higit pa ang dami sa buhok sa ulo, kaya nasira na pati ang loob ko. (Awit 40:12). “Bakit hindi na natapos ang aking paghihirap? Bakit hindi na gumaling ang mga sugat ko?” (Jeremias 15:18). “Alam nating hanggang ngayo’y dumaraing ang sangnilikha dahil sa matinding hirap na tulad ng isang nanganganak” (Roma 8:22). Kaya nga, tanggap natin na ang kasamaan ay isang problema, pero bakit ginawa ng Diyos ang mundo na ganito?

However the Scriptures make it plain that God did not create the world in the state in which it is now, but evil came as a result of the selfishness of man. Ang banal na kasulatan ay nagsasabi na ang ating Diyos ay Diyos ng Pag-ibig at ninais niyang lalangin ang tao upang Siya ay sambahin at mahalin. Subalit ang tunay na pagmamahal ay hindi naididikta o naiuutos. Genuine love exists and freely given through free choice to accept God’s love or to reject it. At ang malayang pagpili na ito ang naging bintana upang maging daanan ng kasamaan. Nang sinuway ni Eva at Adan ang Panginoon, they did not choose something God created, but, by their choice, they brought evil into the world. God is neither evil nor did He create evil. Man brought evil upon himself by selfishly choosing his own way apart from God’s way. Dahil sa pagkadapa na ito ng tao, ang mundo ay hindi na normal. Ang tao ay humiwalay na sa Diyos. Nagkaroon ng conflict between man and his fellow man. At diyan na nagsimula ang kasamaan. Pero ang sabi nga sa Revelations 21:5 ay may bagong daigdig na darating kung saan wala nang luha at sakit dahil ang lahat ay magiging bago.Paradise lost will be paradise regained.

But while we are in this world, who truly loves God, ang kasamaan ay iisa lang ang kinatatakutan.

At iyan ay ang pagmamahal.

And it should be our ONLY choice.

—-00000—-

“But if we are the body, why aren’t His arms reaching?. Why aren’t His hands healing? Why aren’t His words teaching? And if we are the body, why aren’t His feet going? Why is His love not showing them…. there is a way? There is a way. Jesus is the way.” – Casting Crowns

1 Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s