Nganganayt..

Thursday night is the time when workers in the kingdom starts to take a breather from a week of work. It is normally the time for socializing and relaxing dahil kahit na mapuyat e wala namang pasok sa susunod na araw. Maraming mga pinoy ang makikita mo sa mga malls, sa mga restaurants, sa corniche (tabing dagat na maraming nagdyajogging), o sa mga palaruan. In the same manner, other nationalities have their own way of spending Thursday night. They also go to restaurants, especially those serving their country’s food. They also go to malls, but it’s highly observable that doon sila sa hindi masyadong mahal, unlike the pinoys na laman na halos ng mga tindahan ng computers, cellphones, cameras, tv’s and other gadgets.

I normally walk from my house to the center of the town, primarily na nga for the exercise. Mga 800 meters din kasi ang layo sa bayan. Babaybayin ko ng ilang kanto ang Aziziah Road, tapos papasok ako sa isang kalsada na deretso na ito sa shopping area sa bayan. Pag Thursday, makikita mo ang kalsadang ito na puno ng mga nagkukuwentuhang mga Indian, at Bangla Deshis. They are mostly magkakarap habang sila ay ngumunguya ng nganga. Yes, the nganga that our old folks use to chew, the betel nut, tobacco (ikmo) and apog (lime) complete with nagpupulahang bunganga. Kuwentuhan ng kuwentuhan habang nganga ng nganga, and be careful habang naglalakad, baka mabugahan ng “nganga bomb”.

Simple life, one might think. Para ring sa pinas. Umpukan sa kanto at kuwenong kutsero na ang kasunod. Masaya na sa ganun.

Kaya lang, sa paglalakad ko, madalas kong naririnig na paksa ng kuwentuhan ay parang mga kuwento ni Lolo. Iyon bang “mas magaling ang Lolo ko diyan.” Ang maririnig mo sa kanila, “ako ay mudir (manager) ng ganitong kompanya, ako ay may MBA, PhD, at lahat lahat na yata ng pang-angat ng bangko. Sometimes, magkahawak kamay pa ang mga nagkukuwentuhang ito. Pagalingan, palawakan, palakihan, pasikatan, pataasan – iyan ang tuwina ay paksa ng mga usapan nila.

Sabi ko na lang sa sarili ko, pakialam ko ba, magyabangan na kayo ng magyabangan. Huwag lang ninyo akong bubugahan.

—-00000—-

“Happiness is easy. Joy be written on the earth. And the sky above.” – Talk Talk

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s