Yabang Pinoy

Meron akong hinahanap na customer dahil nagresign ang Sales Engineer namin na nakaassign dito. Actually, dalawang dahilan kung bakit pupuntahan ko ang customer na ito,

1. To refresh iyong business relationship,
2. To inquire on their current activities para makasuporta kami ng husto at mapaghandaan naming kung me bago silang requirements.

Ang tanging lead na hawak ko ay ang address nila sa internet. I went sa address na nasa internet, pero wala na sila roon. I was told na lumipat ang office sa isang City na malapit sa Dammam. The city is noted na rebellious sa Saudi government at medyo worrisome ang pagpunta roon. Unpredictable kasi ang gulo roon at ang mga pag-aaklas or kilos protesta (to use our words in the Philippines).

So punta ako roon. I called a friend. He told me a name of a building sa isang main street. Nakita ko iyong building. Inakyat ko. Sarado ang dadalawang upisina. Sulat Arabic ang nakalagay sa pinto. Okay, kako sa sarili ko. Back to zero. I called some other friends. One gave me a number. I dialed. Nobody answered. I went down the stairway, deciding to return to the office. Pero the Marketing blood in me told me that I have already spent 1 hour and 45 minutes in driving there and trying to locate the office, saka pa ako susuko?

I saw a muslim Indian na papanhik ng building. Nilapitan ko at kinausap. Dati raw ay may nagooffice nga na isang company roon. Design office daw. Sabi ko, it is an Electrical company. Di siya makapagsalita ng maayos ng English. Arabic at Hindu lang daw. Taragis kako. I took him to the door of the other office. Electrical company daw ang nakasulat. Yun na. Ipinabasa ko ang nakasulat sa pinto. Kalash na raw. Wala na raw. Lumipat na. Walang nakasulat kung saan nakasulat. Ano pa kako ang nakasulat. Pangalan daw ng Realty Office na me hawak nung building. Kinuha ko ang address ng Realty office.

I searched for the Realty office, umakyat ako, pumasok at me nakausap ako Arabo. Tinanong ko ang tungkol sa hinahanap kong office. He replied, ahhh yes.. office, kuluh filipini.. (puro pinoy daw).. kuwayiss.. Dinala niya ako sa Finance Manager nila. I introduced myself and after stating my inquiry, binuksan niya ang kanyang computer files, habang sinasabi na “you know, most of our employees in our construction division are Filipinos, you Filipinos are good. Very honest. You only complain a lot.” Sagot ko naman, “those are not complaints, that is honesty, because we cannot lie if what we see is wrong. We are not like the other nationalities who will tell you yes even if you are about to drink poison.”

After copying down about 5 phone numbers, he dialed them one by one (napansin ko na puro mobile phones iyon) charge sa kanila ha, and on the fourth number, he talked with a guy named Hussein for about 10 minutes. After hanging up, he told me to go straight until the end of this street, turn left to the last intersection, then after the first traffic signal, call Hussein and he will guide me. The office is a about a hundred meters away, pero mahirap daw matagpuan kung walang magsasabi kung paano.

Sinunod ko sinabi niya, tinawagan ko si Hussein, at sa ibaba ng isang ginagawa pa lang na building, naghihintay ang dalawang pinoy sa akin, new friend again sabi ko sa sarili ko. Natagpuan ko ang office na hinahanap ko after 2 hours and 40 minutes.

Sabi ko sa sarili ko, ang tiyaga ko pala at di umaayaw hangga’t walang resulta.

Siyanga pala, nang magpasalamat ako sa Finance Manager ng Realty Office ay tinanong ko siya “I’m just curious Sir, with due respect, you readily help me even if we met only now. How come?”

Sagot niya, “because you are a Filipino, and I received lots of respect and good returns from Filipinos.”

Yabang ko nang oras na iyon.

Sarap ng feeling ng pango at kayumanggi.

—-0000—-

“Kung ating hahanapin, ay matatagpuan. Tayo ay may kakanyahang dapat na hangaan. Subalit nasaan ang sikat ng araw. Ba’t tayo ay humahanga doon sa kanluran. Tayo’y mga pinoy, hindi tayo kano. Huwag kang mahihiya, kung ang ilong mo ay pango.” – Heber Bartolome

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s