Alawans nga e

Meron akong kasamahan sa trabaho na mahusay sa trabaho at marami siyang mga katuwiran at desisyon sa buhay na mahirap unawain. Akin itong binibigyan ng katuwiran sa pinagdaanan niya at sa kanyang kasalukuyang hinaharap na buhay. Pamilyado siyang tao, may sakit ang asawa at kailangan ang patuloy na gamutan. May anak na pinapag-aral at ilang ari-arian na binabayaran buwan buwan.

Nakakariwasa ang kanilang pamilya noon, at siya ay lumaking pinakasunod ang gusto sa mga magulang, lalo na sa kanyang ama. Nag-asawa siya na umaasa pa rin sa kanyang ama sa ikabubuhay, pero nakapagtapos naman siya ng pag-aaral. Nang mamatay ang kanyang ama, doon na nag-umpisang mawala ang dati niyang tinatamasang layaw sa buhay. Nabigla siya sa mga responsibilidad na kanyang binabalikat, pero unti – unti naman niyang natutuhan na itaguyod ang mga ito. At ito rin marahil ang dahilan kung bakit palagi siyang nag-iisip at bihirang makisalamuha sa iba. Maging sa punto ng pananampalataya ay taliwas sa pananalig at pagsalba sa kaluluwa ang kanyang mga pangangatuwiran.

Me isang bagay akong napansin sa kanya, sa mga unang linggo ng buwan, mamimili siya ng mga pagkaing tatagal ng isang linggo. Matiyaga niyang titipirin ito, hanggang sa punto na nilalagyan niya ng tanda ang bawat pinamili at ililista ang mga araw na binabawasan niya ang mga ito at ilalagay kung ilan pa ang natitira. Halimbawa, ang bigas ay isang kilo, me listahan siya na ito ay isang kilo ng ganoong petsa, at pag binawasan niya ng 250 gramo sa sumunod na araw, itatala niya ito at ilalagay na ang balanse ay 750 gramo. Ganyan siya magmatyag sa kanyang paggastos lalo na sa pagkain.

Kaya lang napansin ko na pagdating sa mga ika-28 na ng buwan, di na siya nagluluto, at sa mga restawran na siya kumakain. At talagang mahal ang kanyang mga nilalantakan, kabaligtaran ng kanyang pagtitipid sa mga nakaraang araw.

Isang araw ay di ako nakatiis at tinanong ko siya kung bakit sa mga unang 26-27 araw ng buwan ay tipid na tipid siya subalit, pagdating sa ikaw 28 hanggang katapusan ay todo gastos siya na parang ipagbabawal na ni Haring Abdullah ang pagkain pagdating ng ika-1 ng susunod na buwan. Ang 500 riyals na food allowance ng kompanya, bukod pa ang kanyang basic salary, ay malaking halaga na.

Ang sagot niya na nagpatikwas sa utak at mata ko ay, “tinatantiya ko ang allowance ko sa mga unang 26-27 araw at ang matira ay inuubos ko mula ika – 28 hanggang katapusan. Sasahod na naman e, me allowance uli.”

“Ganun?” kako at sinundan ko ng, ” e kung tinutuloy tuloy mo ang pagtantiya mo, malaki matitira sa allowance mo, pandagdag sa ipapadala mo sa asawa mo, o para sa biglaang pangangailangan.”

“Ikaw naman pala e, ” ang sagot niya na medyo pagalit pa, sabay paliwanag sa akin, ” kaya nga tinawag na allowance e, akin iyon… panggastos ko sa pagkain ko, sa akin iyon, kaya kailangan ubusin ko pagdating katapusan.”

Tumahimik na lang ako.

—-00000—-

“I can sense it, I can feel it, Like a breath of fresh air. Thousands upon thousands of words, is our right to reply. A question of priorities, in a universal role.” – Conflict

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s