“And though she be but little, she is fierce” – Shakespeare

Isang kabaranggay at kababata ng aking kapatid na babae ang nagPM sa aking FB asking for my sister’s whereabouts. I told her where she is, and she followed this up about my mother. I replied my mother is with my sister. She further queried how is my mother, I told her she is still so strong and healthy with the blessings of God. Then she remarked that her mother already died due to illness and she was so sorry because she and her siblings were not able to give even simple pleasures to their mother. Ang nanay nila ang mag-isang nagtaguyod sa kanilang 6 na magkakapatid (if I remember it right) and she is the one of the persons na hinahangaan ko noong aking kabataan.

Ang kanilang Nanay ay separated sa kanilang Tatay when they were still young, at ang pagpapalaki, pagpapaaral at pag-aalaga sa kanila ay inako lahat ng kanilang Nanay. Ang kanilang Nanay ay kilala sa pagluluto ng pritong saging (sa amin di tinutuhog, ibinabalot sa dahon ng saging kaya di ko tinawag ng banana cue), maruya at kalingking, at kapag magpapasko ay ang puto bao, ito iyong instead na bumbong ay maliit na bao ang hulmahan o pasingawan. Meron din siyang arkilahan ng komiks, at tindang palamig.

Napakabait niya at napakasipag at di ko naringgan na nagreklamo tungkol sa hirap na kanyang dinanas noon. She was able to raise all her children sa pagtitinda tinda at pagluluto luto niya.

Natatandaan ko pa, tinanong ko siya minsan kung di siya nagkakasakit, kasi malapit sa pasma ang kanyang ginagawa. Noong tanungin ko siya ay malakas ang ulan, at tuloy pa rin siya sa pagluluto ng saging. Ang sagot niya sa akin, di na niya inaalintana ang sakit, kasi kawawa mga anak niya kung mahihinto siya kahit kalahating araw sa kanyang pagluluto.

Lagi ko siyang binabati noong ako ay sa aming barangay pa nakatira, at pag umuuwi ako ay di ko kinakaligtaan na siya ay puntahan at kausapin. Noong mga nakaraang taon na umuuwi ako sa amin, ay di ko na nga siya nakita. At nalaman ko nga sa kanyang anak ang nangyari.

Ang nakakatouch ay ang pagdakila ng kanyang anak sa ala-ala ng kanilang ina. 

Kay Aling Naty ko unang natutuhan ang sipag, tiyaga, pasensiya at ang katatagan sa buhay.

—-00000—-

“Don’t turn away, don’t turn away. Come out swinging. Come out alone. They’re in your way. But as long as you’re swinging. Strong then you’ll get by.” – Offspring 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s