My first lesson in Marketing, I learned from sabong

Noong ako ay bata pa, sariwa ika nga ang hasang naming magkakapatid kapag araw ng Linggo. Ito kasi ang araw na may sabong sa aming barangay. At pag-uuwi ang Tatay ko galing sa sabungan ay may dala itong piraso ng manok. Ito iyong tinali na tinalo sa sabong, (ang tawag dito ay “Sambot”) at ang Tatay ko ay laging nababahaginan ng minsan ay 2 paa, o kapirasong pitso. Tinola na o kaya ay adobo sa gata na iyan, pagkakasyahin sa aming 3 magkakapatid at ke tatay at nanay.

Pero, bago ninyo mamisinterpret si Tatay, hindi po siya sabungero. Mahilig siya sa sabong, pero ni minsan ay hindi siya pumusta sa sabong. Siya ay isang magtatari, sultador at sentenciador sa sabungan. Pero ang tatlong trabahong ito ay hindi niya puwedeng gawin ng sabay, me conflict of interest kapag siya ang magtatari at siya pa ang sentenciador. Kaya kapag siya ay sentenciador, di siya nagtatari, at kapag siya naman ay nagtatari, di siya puwedeng sentenciador.

Pag-asinta ng tari

Paminsan – minsan ay sumasama ako kay Tatay sa sabungan kapag toka niya na magtari. Bitbit ko ang kahon ng mga tari at ako ang nagsisilbing assistant niya. Nakikita ko kung paano niya diskartehan ang pagtatari ng manok at paano niya ito iniaakma sa galaw ng manok. Pinapalakad muna niya ang manok at kanya itong pinagmamasdan. Tapos habang tinatarian niya ito ay ipinapaliwanag niya sa akin ang mga basic principles ng pagtatari ng manok. Sabi niya ang tari ay nakaalign sa galaw ng paa ng manok kapag ito ay sumashuffle (parang si Manny Pacquiao kapag nasa ibabaw ng ring). Kapag pahalang, ang tari ay iniaadjust niya ng paloob, malapit ng konti sa tahid ng manok. Kung pababa naman, ay mas lamang ang papalabas malapit din ng konti sa tahid at sa likurang daliri ng manok. Tapos me ilalabas siyang parang Engineer’s Triangle (malapit sa 30 x 60 deg triangle ) at susukatin ang alignment ng tari. Walang manok na magkapareho ang kabit ng tari, iyan ang lagi niyang sinasabi.

Mapagpanalo si Tatay, may dala yatang suwerte sa pagtatari. Masasabi ko na mga 80% ng kanyang tinarian ay nanalo. Kaya naman siya ang most sought after magtatari sa aming lugar (siya ang nagturo ng pagtatari kay Doktor Tibot, doktor ang tawag namin kay Tibot kasi siya ang gumagamot at tumatahi sa mga sugat ng nanalong manok pagkatapos ng sultada).

Si Doktor Tibot ang kilalang doktor sabong sa aming lugar.

Isang araw habang pauwi kami na victorious, 3 pares ng paa ng manok ang aming bitbit kasi iyong 3 manok na tinarian ni Tatay ay puro panalo, tinanong ko si Tatay ng ganito: “Tay, ang husay ninyo magtari. Laging panalo ang tinarian ninyo. Hindi po ba dahil iba kayong magtari. Meron kayong ginagamit na triangle pangsukat ng tari, iyong iba e wala. Kaya naman kayo lagi ang hinahanap para magtari ng manok e. Sikat kayo dahil sa triangle na iyon. Mukhang me salamangka raw ang triangle na iyon.” Note: ang triangle na sinasabi ko ay kakaiba rin ang mga nakasulat, mga Latin words and verses, parang dasal in Latin language, me drawing pa ng mga mata at kamay.

Hindi puwedeng sentenciador si Tatay sa araw na iyon ay nagtatari rin siya.

Sagot niya sa akin, “Ah, ung bang trayanggulo. Sa atin atin lang ito ha, walang ibig sabihin iyon anak. Hindi iyon birtud. Ang trayanggulo na iyon ay pakulo ko lang, kinuha ko lang atensiyon nila sa trayanggulo para ako ay naiiba sa mga nagtatari. Pag nagpapanalo ang mga tinatarian ko, ang kanilang iisipin dahil sa trayanggulo, kasi naiiba nga. Anumang gawin mo sa iyong serbisyo, trabaho o produkto na naiiba, ay magiging tatak mo para ikaw ay hanap hanapin. O kita mo, dahil sa trayanggulo na pinagdrowingan ko ng kung anu-ano, at sinunog ko pa ng konti para kunwari ay luma at nahukay kung saan, paniwala nila iyon ang bertud ko sa pagtatari. Ang dami tuloy nagpapatari sa akin. Laki ng kita ko pag araw ng Linggo.”

Sa Tatay ko pala ako nakakuha ng unang kaalaman sa Marketing.

P.S. Ngayon ko lang ini-reveal ang usapan naming iyon ni Tatay tungkol sa birtud ng trayanggulo.

—-00000—-

“What could be better than now. Life’s not about what’s better than. You can be better than that. Don’t let it get the better of you. What could be better than now.” – John Butler Trio

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s